Seniorito

1.2K 27 0
                                    

Chapter 4

Cordaphia Pov.

Mahiya-hiya ko'ng ibinaba ang hawak habang nakatingin ng diretso sa akin si sir, si cobra.

Hindi ko mapigilang mag-iwas ng tingin dahil sa hiyang bumalot bigla sa sistema ko.

Bakit bumalik siya?

"What are you doing?" muli siyang nagtanong, inulit lang yung sinabi kanina.

Napipilitan akong ngumiti ng sulyapan siya. "Sinusuri ko lang kasi kung pulido ang pagkakatahi, sa tingin ko naman ay maayos ang bagay na 'to.." madaling nagsalubong ang kanyang kilay, hindi yata naniwala sa palusot ko.

"I forgot my watch.." iyon na lang ang sinabi niya kahit hindi maayos ang mukha nito. "Can you look it for me?"

Napabuga ako ng hangin, siguro ay ito na ang role ko ngayong taon. Ang magbaby-sitter ng baby damulag.

"Saan ba nakalagay?"

"Cabinet.." napaka-seryoso niya kung sumagot, tila walang saya kung ako'y kaharap niya.

Binalewala ko ang himig nito, tinalikuran ko siya at mabilis na tinahak ang cabinet. Pagbukas ko sa isa ay naroon nga ang kanyang mga relos, ang dami. Mamahalin at nakakahabag hawakan.

"I want the black one.." nanguso ako at natigil sa paghagod ng kanyang gamit, kinuha ko ang itim na nais nito at inilahad sa kanya.

"Put it in on me.."

Medyo kumibot ang labi ko, nais umangal ngunit hindi na ginawa. Wag na palang mag-reklamo, may advance bali pala ako ngayong araw kaya dapat lang na pagsilbihan si cobra.

Nakangiti ko'ng isinuot iyon sa pulsuhan niya, ang puti at ang kinis. Siguro'y alagang lotion ito noong bata pa.

"Wash my clothes after you clean my room.." itinupi nito ang longsleeve habang sinasabi iyon, tumango ako. Parte naman iyon ng trabaho ko, personal maid ika nga niya kanina.

Hindi na rin ako aangal pa dahil malaking halaga ang advance payment na ibinigay niya sa akin.

"I want to see you after my office work.." tumalikod na ito, kahit cold siya ay bahagya akong na-touch dahil nais ako nitong makita pagkatapos ng trabaho niya?

Nagagandahan ba sa akin si cobra?

Hinaplos ko ang aking pisngi ng lumisan siya ng tuluyan, kaya siguro ako nito kinuhang maid dahil nagagandahan siya sa akin.

Si cobra ay may lihim na pagtingin.

Nakapaglinis ako sa kanyang silid matapos niyang lumisan, ang ibang nagkalat na damit sa banyo ay idinala ko doon sa ibaba upang aking malabhan.

Sa likod ako tumungo dala ang malaking basket, naabutan ko doon sa fairy god mother na nagsasampay. Mabuti pa siya at nakapaglaba na, ang daming marumi pero hindi pa nasali ang kay cobra.

"Anong gagawin mo riyan?"

Nakatingin siya sa hawak ko, nais ko'ng sabihin na itatapon ko sana ngunit wag na lang. Matanda pala siya at hindi dapat ganun sa matatandang gaya ni fairy god mother.

"Pinapalaba ni cobr-- ni s-sir stevan po.."

Tumango tango ito, medyo kunot ang noo bago patayin ang gripo sa gilid. "Naglaba ako kahapon ng damit niya, may madumi na agad ito?"

"Hindi ko po alam, baka limang beses siguro itong magbihis.."

Muli ay tumango ito, kinuha niya ang aking dala kaya madali akong sumalungat.

"Ako na lang po ang maglalaba, lola.."

"Mercy ang pangalan ko, hija.." nahihiya akong nagkamot ng ulo.

The Adventures of yaya Cordaphia (COMPLETED)Where stories live. Discover now