Honeymoon (Spg)

1.3K 24 2
                                    

Chapter 17

Cordaphia Pov.

Warning: R18.

Palubog na ang araw ng marating namin ang nasabing yate ni seniorito. Nasa gitna iyon ng tubig, sumakay pa kami ng maliit na bangka upang makapunta doon.

May kalakihan din ito at wala akong ibang masabi kundi ang ganda niya.

Ito yata ang unang beses na sasakay ako sa ganitong kagandang yate.

Sa lugar kasi namin, halos mga maliliit na bangka lamang ang nakikita ko. Malapit kami sa tabing dagat ngunit ni minsan ay hindi ako marunong lumangoy.

Excited lang kasi akong sumama kay seniorito dito dahil nais kong makita ang view. Nakakamiss nga lang kasi ang dagat.

"Have you eaten before?" bumaling ako kay seniorito matapos kong igala ang paningin sa maalwalas na tubig.

Nasa itaas kami ng yate, sa ilalim nito ay mayroon daw kwarto.. Kaming dalawa lang ang narito, hindi ko alam kung makakabalik pa ba kami kung si seniorito na lang ang kasama ko.

Alam niya bang gamitin ito?

"Kumain na ako kanina, ikaw ang nagpalipas ng tanghalian."

Nilingon niya ako, may mesa sa kinaroroonan namin. Maganda ang pagkaka-ayos nito at doon ko lang napansin na may mga kasangkapan na nakapatong doon.

May mga takip sila, ngunit sigurado akong mga pagkain iyon.

"I lost my appetite this morning." nag-iwas siya ng tingin matapos ko itong tingnan. Nawalan ba siya ng gana dahil nakipag-usap ako sa ibang lalake?

"Dahil ba iyon sa nangyari?" nilingon niya ako, sa mata pa lang nito ay masisindak ka na. Nakakatakot talaga ang isang villegas, paano pa kaya kung tuluyan na siyang magalit sa akin.

Hindi kaya niya ako tutukan na lang bigla ng baril?

"Isn't that what i hate the most, right? why do you always forget that?"

"Iyong pakikipag-usap ko sa iba?" hindi nito sinagot ang tanong ko. Nag-iwas siya ng tingin at diretsong tinanaw ang payapang tubig.

Wala itong direksyon kung saan papunta, ngunit mabagal lamang kami. Tila alam naman ni seniorito kung paano ito titigil. Hindi rin naman niya siguro makakalimutan ang pabalik sa lugar kung saan kami nagmula.

"Since we are married now, you should understand our situation. You need to think what your partner feels, you shouldn't do the things he doesn't like." napalabi na lang ako sa sinabi niya.

Lalo na sa titig nito sa akin, kahit malamig ang hangin nararamdaman ko pa rin ang init  ng tingin ni seniorito. Kulay kahel na ang langit, malapit ng dumilim ngunit maliwanag pa rin ang kalangitan.

"Come here." sinenyasan niya akong lumapit sa kanya. Nasa dulo ito kung saan nakasandal na siya sa railings, tinatangay ng hangin ang kahabaan ng buhok niya. Hinahayaan niya iyong mahanginan kahit na alam kong hindi niya nais nagugulo ang ayos ng kanyang buhok.

Humakbang ako upang makalapit sa kanya. Hinawakan niya ang pulsuhan ko ng ilang hakbang na lamang ang lapit ko. Hinarap niya ako sa railings na sinasandalan niya kanina, nasa likuran ko ito. Niyakap niya ako mula roon bago nito ipatong ang baba sa aking balikat.

"Did you believe in love without assurance?"

Nangunot ang noo ko sa tanong niya. Hindi ko rin siya magawang tingnan dahil sa kaalamang magkalapit lamang ang mukha namin.

"Pagmamahal na walang katiyakan?" tanong ko pabalik, naguguluhan ako sa sinabi niya. Pero paano ka magmamahal kung walang kasiguraduhan? Kung wala kang panghahawakan?

The Adventures of yaya Cordaphia (COMPLETED)Where stories live. Discover now