PATIBONG

611 23 3
                                    

Chapter 39

Third Person Pov.

Matapos tumawag ni stevan sa kanyang nakakatandang kapatid. Agad ng kumilos si stuart upang gumawa ng aksyon. Tinawagan niya ang kanyang mga tauhan at kumunekta ito sa mga pulisya. Nais ni stuart na maging malinis ang pagkakadakip kay ryan, maging sa itinuring nitong ama na si agaton. Nais rin niya itong makulong dahil hindi matatapos ang laban kung mananatili siyang malaya.

Palihim itong nagpaalam kay cordaphia at sinabi nito ang totoong plano niya. Nasabi rin nito kay melinda ang nabanggit ni stevan sa kanya tungkol kay agaton.

Hindi sana nais pumayag ni melinda na umalis si stuart. Ngunit nagpumilit siya at hindi daw maaaring makatakas pa ang dalawa. Sa ngayon, wala silang nagawa kundi hayaang umalis si stuart.

SAKAY ng itim na kotse, lumisan na sila stuart upang tunguin ang lugar na nasabi ni stevan. Kasama niya ang ilang mga tauhan nito, maging ang pulis na tinawagan niya ay patungo na ngayon doon.

Mabilis ang kanyang pagmamaneho habang nasa isip niya si stevan. Iniisip nito kung bakit siya tinawagan ng kapatid. Nagbago na ba ang isip niya? Natauhan ba ito sa lahat ng sinabi nito? Napailing si stuart dahil hindi talaga nito alam ang takbo ng isip ni stevan. Ngunit sa ngayon, ang pakay na muna niya ay madakip na ng tuluyan si agaton upang itigil na niya ang kanyang kasamaan.

DAHIL may kalayuan ang nasabing isla, medyo natagalan sila upang makatungo roon. Nagkalat na ang pulisya sa paligid maging ang mga tauhan ni stuart. May mga tauhan rin na inutusan si stevan na pumunta doon upang kumpirmahin kung totoong naroon nga si agaton.

Sa bungad pa lang ng nasabing lugar, may mga tauhan na si agaton na pinaputukan agad ng mga pulis. Mabilis na nabulabog ang lugar kung saan sunod-sunod ng lumabas ang mga tauhan ni agaton.

Ngunit mas lamang ang pwersa ni stuart sa ngayon. Madali lamang nilang naubos ang mga tauhan dahil  hindi nila inaasahan na darating ang mga ito sa isla.

“Palibutan niyo ang lugar!” iyon ang siyang utos ni stuart, may katamtamang laki ng bahay doon kung saan siya pumasok. May hawak siyang baril habang sinisipat ang bawat sulok. Ngunit wala ng ni isang tauhan pa ang lumabas, nasa kalagitnaan na siya ng bahay bago nito marinig ang tinig ni agaton.

“Sa tingin niyo ba mahuhuli niyo ako?” mabilis na umikot si stuart habang hinahanap ang kanyang amahin. Ngunit ni wala itong makitang bakas na naroon si agaton bago niya marinig ang halakhak niyang tinig. “Uubusin ko muna kayong lahat bago niyo ako mapabagsak, kayong magkapatid ang siyang salot sa buhay ko!”

“Lumabas ka na lang diyan, agaton!” iyon ang siyang tugon ni stuart. May mga kasama na siyang tauhan na nasa loob kung saan hinahanap rin nila ang tinig kung saan iyon nagmumula. At doon mula sa gilid ng bahay, may natagpuan silang record tape kung saan nagmumula ang tinig.

“Sir! Wala sila dito!” mariin na napamura si stuart bago lumapit sa record tape na nagpa-play kanina pa. Kung ganon, anong totoong pakay nila? Alam ba nilang tutungo ang magkapatid dito kung kaya't naglagay sila ng record tape?

“Kayong magkapatid, masyadong kayong magaling. Sa sobrang galing ninyo, hindi na kayo nag-iisip!” iyon pa ang sinabi ni agaton sa speaker na nasa gilid. Nag-iwan lamang sila ng record tape upang malinlang sila stuart. Kinutuban na ang binata ng sa huling beses ay marinig nitong tumawa si agaton, bago matapos ang tinig niyang iyon. May sumabog na sa parteng dulo ng bahay. Ang ilang kasamahan ni stuart ay tuluyang nagtalsikan dahil sa lakas ng pagsabog.

Hindi lang isang beses na nangyari iyon, sunod-sunod na ang naging pagsabog sa kabahayan dahilan upang magpanic na ang binata. Sinubukan niyang lumabas ngunit unti-unti ng bumagsak ang haligi ng kabahayan sa ilang beses na nangyaring pagsabog. Sa huling bomba na sumabog, doon na tuluyang natamaan si stuart dahilan upang mapahiga siya at madaganan ng malaking piraso ng pader sa kanyang kalahating katawan. Halos duguan na siya maging ang mga kasamahan nito, kung wala lamang siyang kasamang pulis na nasa labas, hindi agad sila mareresponde. Ang mga naiwang buhay sa nangyaring pagsabog ay kanilang inunang tinulungan.

The Adventures of yaya Cordaphia (COMPLETED)Where stories live. Discover now