EPILOGUE

1K 30 6
                                    

STEVAN KURT VILLEGAS POV.

The day after cordaphia‘s death, i don‘t have time to spend on my childs. I can‘t face them because of the thoughts of being selfish with their mother.

It‘s my fault why she‘s gone.

But i won‘t believe that cordaphia is really died on that bomb. Kung namatay man siya ‘don, hindi ko na ito lubusang makikilala pa. Siguradong hindi lang ganon ang mangyayari sa kanya kung ang bangkay na nakita ko ay nasabugan ng bomba. Kaya‘t hindi ako naniniwalang si cordaphia iyon, na ang asawa ko ang bangkay na nasunog. Kung siya nga iyon, hindi lang ganon basta ang aabutin niya sa pagsabog, tiyak na magkakapiraso ang katawan nito at hindi na iyon mabubuo pa.

Kahit anong gawin ni stuart sa akin na paglilinlang ay hindi niya ako mapaniniwala. Paninindigan ko sa aking sarili na buhay pa ang asawa ko, natitiyak ko‘ng nakaplano na ang mga ito at iyon ang hindi nila maitatago sakin.

Kailangan ko lamang palipasin ang araw na ito upang makapante sila na napaniwala nila ako. Ngunit hindi, hinding hindi nila ako maloloko.

“Kumusta ang ini-utos ko?” Isang buwan ang lumipas simula ng mailibing ang bangkay na sinasabi nilang si cordaphia iyon. Ngunit alam ko‘ng hindi ang asawa ko ang babaeng iyon kaya‘t may inutusan akong isang tao.

“Sa prisinto lang siya pumunta ngayon. Madalas siyang may katawagan ngunit hindi ko malaman kung sino iyon..” kunot ang aking noo habang nasa opisina ako. Pinapasundan ko ang bawat lakad ni Stuart dahil baka makakuha ako ng impormasyon na baka tinutulungan nitong magtago si cordaphia. Hindi ako titigil hanggat hindi ko napapatunayang buhay pa siya.

“Ipagpatuloy mo lang ang pagsunod sa kanya, siguradong may mapapala tayo kung susundan natin bawat kilos niya..” tumango siya sa inutos ko, sinenyasan ko na rin itong lumabas na upang makapag-isip muli ako ng bagong plano.

Habang nag-iisip ako sa aking opisina. May biglang tawag akong nakatanggap sa aking cellphone. Dahil nakita ko‘ng si tita melinda iyon, agad ko itong sinagot dahil siya ngayon ang tumatayong taga pagbantay ng mga bata kasama ang dalawang kasambahay na kinuha ko.

“Yes?” iyon lamang ang sinagot ko. Alam ko naman na hindi mapapabayaan ang mga anak ko sa piling niya. Dahil sa ngayon, wala pa akong lakas ng loob para harapin sila dahil hangga ngayon ay wala pa si cordaphia. Ang mama nila.

“May nagawang kasalanan ang isang yaya ng anak mo. Muntik na niyang mapainom sa baby ang sirang gatas kanina..” nangunot ang noo ko dahil sa sinabing iyon ni tita melinda.

“What! Paano nangyari ‘yon? Hindi ba nila tinitingnan ng maayos ang pinaiinom nila sa anak ko!”

“Hindi ko alam, pinaalis ko na silang dalawa. Wala din naman silang nagagawang maganda, para ba‘ng mapapahamak lang ang dalawang bata kung magtatagal pa sila dito..” napabuntong hininga ako dahil sa nabalitaang iyon.

“Fine, I will look for a new maids..”

“Inaasikaso na iyon ni Stuart, nagtungo na ito sa isang agency ngayon para makakuha ng magaling na yaya..”

Hindi ako nagbigay imik, hindi rin sana ako sang-ayon na si stuart ang kukuha ng bago yaya ngunit hindi na ako sumagot pa. Napapansin ko namang may concern si stuart sa mga anak ko. Siguro ay para iyon kay cordaphia dahil alam ko‘ng may koneksyon pa rin silang dalawa.

“Siguraduhin niya lang na mabuting tao ang makukuha nito. Ayoko ng ipagkatiwala sa iba ang mga anak ko..”

“Kikilatisin ko rin iyon, stevan. Huwag ka‘ng mag-alala, hindi ka ba dadalaw dito? Nasaan ka?” bumuntong hininga ako sa sunod-sunod niyang tanong.

The Adventures of yaya Cordaphia (COMPLETED)Where stories live. Discover now