Chapter 33Cordaphia Pov.
Masama ang loob ko dahil sa ginagawang ito ni stevan. Alam ko sa sarili ko'ng ako mismo si cordaphia at kailanman ay hindi ako nagpanggap. At ang babaeng kasama namin ngayon ay ang siyang nagpapanggap na ako.
Nasisiguro ko na ang babaeng ito ay walang iba kung hindi si dahlia gostavo. Napakagaling niya, nagawa nga niyang linlangin ang pamilya ko ngunit ako. Hindi niya maloloko, hindi nito ako magagawang manipulahin dahil kilala ko ang sarili ko.
Matapos naming magkaroon ng test sa isang pribadong ospital, hinayaan ako ni stevan na manatili sa mansyon nito. Samantalang ang babaeng iyon ay idinala niya sa mansyon nila tita mel kung nasaan ang anak kong si zia.
Kinamumuhian ko si stevan sa mga oras na ito, hinihiling ko na lumabas ng ang resulta ng DNA test upang makalaya na ako sa puder niya. Hindi na muli akong papayag na makasama siya, sobra sobra itong ginawa niya sakin. Saan ba ako nagkulang upang pagdudahan niya ako? Alam ko naman na nasaktan siya sa pagkamatay ng mama niya. Ngunit masyado siyang malabo, hindi siya patas!
Sinalubong ako ni aling mercy pagkapasok ko sa sala. Naroon ang yaya ng aking anak na si baby zion habang isinasayaw niya ito dahil nagising daw ito kanina.
Kinuha ko ang bata upang kargahin, hindi ko na kasama si stevan at wala akong alam kung saan siya pumunta. Basta nawala na lamang siya sa paningin ko ng lumiko na ang sinasakyang kotse namin ng driver niya.
Ang babae naman na nasa mansyon ni tita mel ay sinamahan ni butler ryan. Nais ko sanang pumarito si ryan ngunit iyon na ang ini-utos ni stevan sa kanya.
“Umiyak kanina ang bata, ayaw niyang sumuso sa bote. Nakatulog na lamang sa kakasayaw ng yaya niya...” mahimbing na nga ang pagtulog ni baby habang karga ko na ito. Medyo nasasaktan ako dahil hindi namin ngayon kapiling ang kambal niya, namimiss ko na ang anak kong babae at hindi ko maiwasang mag-alala kung gusto ba nito ang gatas niya. Kung may humahaplos ba sa kanya sa tuwing natutulog ito at kung may nag-aaruga ba sa kanya na katulad ng ginagawa ko sa kanyang kapatid.
Ngunit sinabi naman na sa akin ni tita mel na hindi nito pababayaan ang aking anak. Nagtitiwala ako sa kanya ngunit sa babaeng kasama nila na nagpapanggap bilang ako, nagdududa ako. Paano na lang kung kunin niya ang aking anak at ilayo ng tuluyan sa amin. Kinagat ko ang aking labi upang pigilan ang namumuong emosyon sa dibdib ko, huminga ako ng malalim bago makarinig ng kotseng huminto sa tapat ng bahay.
Inaasahan ko ng si stevan ang makikita kong papasok sa loob. Ngunit tila ba nabuhay ang pag-asa ko ng iba ang aking makita, mabilis na tumayo ako habang papalapit ito sa akin. Nag-aalala siya habang sinusuri ako bago ang bata.
“Are you okay? Nasaktan ka ba?” umiling ako sa tanong ni stuart. Nais kong sabihin sa kanya lahat ng nangyari ngunit nawawalan ako ng salita, sumisikip ang aking dibdib dahil sa sobrang sakit na ginawa sakin ni stevan.
“Walang hiya talaga ang stevan na 'yan! Hindi ba niya naiisip na halos isang buwan pa lang ng magsilang ka? Nawawala na ba siya sa sarili niya!”
Mabilis ang paghinga ni stuart matapos sabihin iyon, sumang-ayon rin si aling mercy na ngayon nasa aking panig.
“Hindi ko nga nagugustuhan ang ginagawa ng kapatid mo, ngunit wala naman kaming magagawa dahil taga pagsilbi lang ninyo kami. Ngunit hindi naman makatarungan na ilayo nito ang isang anak ni cordaphia.” nangunot ang noo ni stuart dahil sa sinabi niyang iyon.
“Si baby zia? Nasa kanya ang bata?!”
“O-oo, k-kinuha niya ito sakin. Nais rin niyang ilayo si baby zion sakin ngunit walang siyang choice dahil sa akin ito kumukuha ng gatas....”
YOU ARE READING
The Adventures of yaya Cordaphia (COMPLETED)
RomanceCordaphia Vasco Macapagal Was an OFW who always fire out and try and try to find another work, she always encounter a pervert boss to make her work list out. And one day, she finally went back in manila to find a stable job again. But she meet senio...