Chapter 4

511 15 0
                                    

Dim lights, wild crowd, loud music, busy bar tenders, spilled bouncers all over the perimeter, dancing companies, mingling wasted rich kids and a bunch of party animals. Welcome to the club!

Halos magtakip na ng tainga si Coleen habang naglalakad at nababangga niya na 'yung mga taong malilikot sumayaw.

May lalaki naman na halatang lasing na ang biglang humarang sa dinadaanan niya.

"Hey Miss Beautiful." Sabi nito at nagtangkang hawakan siya sa baywang pero sinalo agad ng bodyguard niya ang kamay na hahawak sana sa kanya.

Hindi niya na lang pinansin ang lalaki dahil ang bodyguard niya na ang bahala doon at nagpatuloy na siya sa paglalakad.

Nakarating siya sa second floor ng club at pinuntahan ang V.I.P seat kung saan naghihintay sa kaniya ang dalawa niyang bestfriends na sina Janina at Christiana.

"There you are." Nakangiting bungad ni Christiana at kasama si Janina, linapitan nila si Coleen at pinaupo.

Pagkaupo ni Coleen ay kinuha niya agad 'yung cocktail na nakalagay sa lamesa ng section nila at ininom ito sa isang lagukan lang.

"Wala bang mas hard dito?" Tanong niya nung naubos niya na 'yung laman ng baso.

Nagkatinginan lang si Janina at Christiana sa ginawa niya sapagkat first time nilang makita na naghahanap ito ng hard drinks.

Sinenyasan naman ni Janina ang hinire nilang personal waiter ngayong gabi para pagsilbihan sila at sundin kung ano man ang hinihingi ng mga kaibigan niya.

Tumungo naman ito bilang tugon sa inuutos niya.

"Easy C.G. May problema ba? Akala ko pa naman nandito tayo para magcelebrate?" Tanong ni Christiana sa kanya.

Hindi ito sinagot ni Coleen. Hinantay niya muna na makabalik 'yung waiter.

Nung nakabalik na yung waiter dala ang isang silver bucket of brandy and three glasses with ices.

Pagkalapag ng crew sa tray na hawak niya ay kinuha agad ni Coleen ang brandy at nagsalin sa isang baso at ininom niya agad ito.

"Oops. Huwag kang magpapakalasing ah? Baka kung ano pa ang magawa mo at baka kung ano pa ang magawa ko sa'yo." Pabirong sabi sa kanya ni Janina. Kapag nalalasing kasi si Coleen ay bigla na lang siyang manghahalik ng kung sino-sino. At si Janina ang nahalikan niya nung mga panahong iyon. Her first kiss actually.

Nung maubos niya na ang brandy na nasa baso niya ay nginitian niya ang dalawa niyang kaibigan.

"Yes we're celebrating." Tipid nitong sagot at nagsalin ulit sa baso. Iinumin niya na sana ito ng pigilan siya ni Janina.

"Mamaya na 'yan. Magkwento ka muna." Saad ni Janina at linapag niya muna sa lamesa ang hawak na baso ng brandy ni Coleen.

Ilang segundo siyang hindi umimik at hinahantay lang siya ng dalawa niyang kaibigan na magsalita at ilabas sa kanila kung ano man ang kaniyang problema.

"I'm getting married." Sabi nito sa mga kaibigan niya.

Samantalang ang dalawa ay halos hindi makapaniwala sa sinabi niya. Nagkatinginan lang ulit si Janina at Christiana na may tama-ba-ang-narinig-natin look.

"You what?" Paninigurado pa ni Janina dahil baka nabingi lang ito sa lakas ng tugtog na nasa paligid nila.

Pasimple namang tinawagan ni Christiana ang DJ na nasa baba.

"Hello, pwede bang pakihinaan mo muna 'yung music mo? May pinag-uusapan kami rito eh." Pagkatapos nun ay binaba niya na agad ang phone. Wala siyang pakialam kung magreklamo man ang DJ or ang mismong mga tao na naroroon dahil mas importante ang pag-uusapan nila ng mga kaibigan niya. At siya kasi ang may ari ng club na 'to kaya pwedeng-pwede niyang gawin ang gusto niya.

Marrying the Heir of CREM (BiCol FanFic #Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon