Chapter 61

325 11 10
                                    

Ngayon ay nakaupo si Coleen kasama ang Dad niya sa couch at pinag-usapan ang mga bagay na hindi nila napag-usapan noon.  Parang bigla na lang nasira yung malaking pader na pumapagitan sa kanilang dalawa simula nung malaman niya ang totoong kalagayan nito.

"Akala ko galit kayo sa'kin kaya niyo 'ko hindi pinapansin." Mangiyak-ngiyak pang sabi ni Coleen kay Jose.

"No." Pagkontra naman ni Jose rito at umusog pa siya sa tabi ni Coleen.

"Bakit naman ako magagalit sa babaing kamukhang-kamukha ng kaisa-isang babaing minahal ko?" Hinawakan ni Jose ang kamay ni Coleen at pinahid niya yung hinlalaki niya sa mamasa-masa ng mata ng anak niya.

Ngumiti si Coleen sa sinabi ng Tatay niya at yinakap muli ito.

Napag-alaman din niyang siya pala ang pinili ng Dad niya na mabuhay kaysa sa Mom niya nung ipinapangank siya dahil yun ang hiling nito. Kaya heto, siya ang buhay imbis na ang tinatawag niyang sarili niyang "Mommy"  ngayon. Ang dami palang bagay na hindi niya alam sa family niya at siya naman 'tong husga lang ng husga sa mga nangyayari na dapat ay hindi pala. Buti na lang talaga ay bago pa tuluyang mawala ang Dad niya ay nalaman niya na ang totoo. May oras pa siya para makasama ito ng mas matagal.

"Dad, may ipapakilala ako sa inyo." Biglang sabi ni Coleen at tumayo na.

"Sino?" Tanong naman ni Jose pero nginitian lang siya ni Coleen at hinila papunta sa kung saan.

"My mini me." Sabi pa ni Coleen pagkapasok nila sa kwarto na may crib sa loob.

Natulala si Jose sa nakita niya't nagpalipat-lipat pa ng tingin mula kay Coleen papunta kay Dani.

"Seriously?" Di makapaniwalang tanong pa nito at di niya na napigilang hawakan ang isang paa ni Dani mula sa pagitan ng grill ng crib dahilan para mag-react ito.

"Dad!" Mahina pero natatarantang saway ni Coleen kay Jose at lumapit siya sa anak niya para tapik-tapikin ang tagiliran nito dahil baka bigla itong magising. Sensitive pa naman si Dani sa paligid niya at pagnagkataon ay malakas itong iiyak. Nako mahilig pa naman mag-concert 'tong batang 'to.

"Ay sorry." Paghingi naman agad ng paumanhin ni Jose at bahagya siyang lumayo sa kuna dahil baka kung ano na namang kaluskos ang magawa niya.

Excited lang naman kasi siya dahil biglang nagkaroon ng maliit at napaka-cute na bata sa bahay niya.

"What's her name?" Tanong ni Jose.

"Danielle, Dani for short." Sagot ni Coleen habang marahan niyang hinahagod ang malambot ngunit napakaselang ulo ni Dani at inayos pa ang mga unan sa gilid nito.

Paulit-ulit namang nag-echo ang pangalan ni Dani sa isip ni Jose at hanggang ngayon ay di parin siya makapaniwalang may anak na ang kaisa-isang anak niya.

"Nice to meet you Dani, I'm your Grandpa." Masayang sabi pa nito kahit na hindi siya naririnig ng kaniyang apo dahil tulog nga ito.

Natuwa naman si Coleen sa narinig niya rito, di pa rin nagsi-sink in sa kaniya na pagkatapos ng lahat ay okay na silang dalawa ng Daddy niya. Tila naging normal na talaga ang samahan nila. Yung oras na nag-uusap sila ng maayos, ang tagal niyang pinangarap yung ganitong eksena eh, at sa wakas nangyari rin.

"Coleen, huwag ka sanang mabibigla dito sa itatanong ko pero, mahal mo ba si Enrique?"

Kahit na sinabi ng Tatay niya na huwag mabibigla ay hindi niya parin napigilan. Nakakabigla naman kasi talaga eh. Out of nowhere ay naitanong niya pa yun?

"Dad, he's a brother to me. Alam niyo yan." Tahasang sagot naman ni Coleen at hindi na siya naging komportable pa.

Naging awkward na ang hangin sa kanilang dalawa at ramdam ni Jose kung bakit kaya naman ay pinili niyang lumabas muna ng silid ni Dani para magpalit ng damit at para maging maayos na ulit ang pakiramdam ni Coleen.

Marrying the Heir of CREM (BiCol FanFic #Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon