Binisita ni Coleen ang isa sa mga construction sites ng tatlong hotel projects ng CREM at CdG ngayong taon. Kahapon si Billy ang pumunta dito at ngayon siya naman.
Inagahan niya talaga ang pagpunta rito, at sa katunayan ay kanina pang umaga talaga siya rito para pansamantala niya munang hindi makita ang pagmumukha ni Billy.
Ito ang naisip niyang dahilan para makaiwas sa pangungulit nung lalaking iyon.
Tinitignan niya yung blueprint na ginawa at di-ne-sign ng mga architects at engineers nila pero hindi nagreregister sa utak niya ang disenyo ng ginagawa nila. Actually kanina niya pa ito tinititigan ng tinititigan pero wala talaga.
Hindi pa rin kasi maalis sa isip niya yung halikan at kaganatan na nangyari kanina.
Hindi niya tuloy naiwasang mapangiti ng dahil dun. Natatawa lang siya sa idea na siguro inakala ni Billy na bibigay siya ng ganun-ganun na lang? No way!
Pag inulit ulit yun ni Billy sa kanya, hindi lang kagat ang mararanasan niya. Kapag nagkataon, baka may mabasag pa sa pagitan ng mga legs ni Billy. Lol.
Huwag masakit yun.
Pero pag wala na talagang choice, mapipilitan siyang gawin yun.
Nagkatinginan naman bigla yung isang architect at engineer na kausap niya kasi nga bigla nalang itong ngumiti habang nakatingin ito sa blueprint.
Naisip ng dalawang ito na baka nagustuhan talaga ni Coleen ang design nila para sa project na ito kaya nakingiti na lang din ang mga ito.
"So Mrs. President, nagustuhan niyo po ba ang design?" Bigla siyang tinanong nung architect dahil nga nakangiti siyang nakatingin sa plan nila.
Kumunot naman bigla ang noo ni Coleen dahil hindi pa siya sanay na tinatawag na "Mrs." lalo na sa trabaho. Pero dahil yun na nga ang status niya ngayon, hinayaan niya lang ito at nagfucos na lang ulit sa ginagawa niya.
"Umm... Yea. Okay naman." Sabi niya rito. Kahit na hindi pa naman talaga ito masiyadong naa-analyze. May tiwala naman na kasi siya sa mga ito dahil ilang years na silang magkapartner sa ganitong klase ng project.
"Excuse me." Sabi niya at ibinigay na sa kanila ang hawak niyang plan para sagutin yung phone niya na nagba-vibrate dahil may tumatawag.
Coleen: Hello? (Bati niya kay Christiana)
Christiana: CG! Busy ka?
Tumingin muna si Coleen sa construction at sa buong paligid bago niya sagutin si Christiana. Sinisiguro niya muna kung ayos lang ba ang lahat at kung wala namang dapat intindihin masiyado sa sight nila.
Coleen: Hindi naman. Bakit?
Christiana: Good! We're about to have a dinner right now. Pwede mo ba kaming sabayan? By the way, tinawagan na namin si Enrique para pumunta rin dito.
Coleen: Oh sure. I'll be there in a minute.
Linigpit na ni Coleen ang mga gamit niya na nakalagay sa lamesa na nasa loob ng tent at nagpaalam na sa mga namamahala ng construction ngayon. Kanina pa kasi siya paikot-ikot sa site para mag inspect at tignan ng maiigi ang progress sa ginagawa ng mga workers. So time na siguro para umalis.
Mejo lumalalim na rin kasi ang gabi at hindi pa rin siya naghahapunan kaya kailangan niya na rin kumain.
Inutusan niya agad yung driver niya na magpunta sa resto kung saan nagdi-dinner sila Christiana ngayon at ilang saglit lang ay nakarating na agad sila.
"Hey!" Isa-isa niyang pinagbebeso ang mga kaibigan niya at kinuha naman agad ni Enrique ang upuan para pauupuin siya.
"Namiss ka namin." Sabi ni Janina sa kanya at nagpuppy eyes siya kay Coleen.

BINABASA MO ANG
Marrying the Heir of CREM (BiCol FanFic #Wattys2016)
RomanceKASAL. Ang estado ng relasyon kung saan dapat kilala niyo na ang isa't isa, tanggap ang isa't isa, at mahal na mahal ang isa't isa. Pero hindi sa dalawang ito. Ayaw ni Coleen kay Billy dahil sa nasaksihan at nalaman niya tungkol dito. At ganoon din...