"Why so fidget? Bro relax." Bulong ni Vhong sa kanina pang nanginginig na si Billy habang tumitingin sa mga abay na isa-isa nang nagsisipaglakad sa aisle."It's your second time. Remember?" Dugtong pa nito at tinapik naman ni Vice ang likod niya.
"I don't know. Iba kasi 'to kaysa sa nauna eh." Wika naman ni Billy at sinusubukang pakalmahin ang sarili.
Hindi niya talaga alam kung bakit siya nagkakaganito, hindi naman ito ang unang beses na ikakasal siya. Marahil ganito ang resulta ng pinaghalo-halong kaba, saya, at excitement sa loob niya.
Ngayon nangyayari na. Pakakasalan niyang muli ang kaisa-isang babaing nagpapakaba sa kaniya ng ganito, yung babaing minahal niya ng ganito at di niya inakala na kahit ano'ng mangyari ay ito at ito parin ang pipiliin niya.
Sinubukan niyang tumingin muna sa paligid at doon ay nakita niya ang mga mahahalagang tao sa buhay niya na nakangiti lang sa kaniya. Si Jack at si Andrea na karga-karga si Dani. Hindi niya rin napigilan na ngumiti dahil napaka-cute talaga ng anak niya lalo na sa suot nitong baby White Ball Gown dress na may kumikinang pang maliliit na beads at sa red rose head dress nito. Dahil sa bahagyang pagsulyap niya sa batang ito ay mejo nabawasan na yung kaba niya.
Pakiramdam niya ay muli siyang ipapanganak sa araw na ito. Yung mood, yung atmosphere, lahat masaya. Ito ang pangalawang beses na ikakasal siya pero hindi naman ito kasing engrande kagaya nung nauna. Simple lang pero mas espesyal naman para sa kanila ng asawa niya.
Ilang sandali pa ay tuluyan na ngang huminto yung mundo niya nung si Coleen na yung natatanaw niyang naglalakad palapit sa kaniya, sabay sa saliw ng kantang tinutugtog ng pianist sa kantang una niyang kinanta rito noon. Sa tingin kasi nilang dalawa ay yun ang kantang bagay sa kanila dahil naniniwala silang ipinanganak sila para sa isa't isa.
Kahit na ilang dipa pa ang layo nito mula sa kaniya ay kitang-kita niya ang napakagandang mukha nito na sa kaniya lang din nakatingin habang naglalakad. Para siyang lumulutang sa ere sa nangyayari.
[Her dress......Credits to Goggle]"I'm very happy that this is happening, that you'll gonna marry again the man that you truly love." Masayang bulong ni Jose kay Coleen at hinawakan pa nito ng mahigpit ang kamay ng anak niyang nakakapit sa kanang braso niya.
"I love him because of you Dad. I learned to love him because you. And I thank you for that, for this." Nakangiting tugon naman ni Coleen na nakapagpagaan naman ng pakiramdam niya. Inakala niya na habam-buhay siyang isusumpa nito dahil sa pinilit niya itong magpakasal sa taong hindi naman nito lubos na kilala at mahal. Ngunit ngayon, iba na ang sitwasyon. Masaya siya para sa anak niya at pati na rin sa sarili niya. Nakalaya siya sa isang bagay na inakala niyang dadalhin ng konsensya niya hanggang sa kamatayan niya.
Handa na siyang mawala kahit na ano pang oras dahil maiiwanan niya naman ang anak niya na totoong masaya na. Maya maya pa ay tila may lalabas ng patak ng luha sa mata niya ngunit pinigilan niya lang dahil ayaw niyang may nakakakita sa kaniya na umiiyak kaya hangga't kaya niya ay pinilit niya talaga ang sarili niya na huwag ilabas iyon.
BINABASA MO ANG
Marrying the Heir of CREM (BiCol FanFic #Wattys2016)
RomanceKASAL. Ang estado ng relasyon kung saan dapat kilala niyo na ang isa't isa, tanggap ang isa't isa, at mahal na mahal ang isa't isa. Pero hindi sa dalawang ito. Ayaw ni Coleen kay Billy dahil sa nasaksihan at nalaman niya tungkol dito. At ganoon din...