"You know what Coleen?" Habang naglalakad ay napatingin bigla si Coleen kay Jack na kahawak-kamay pa si Andrea.
"We've always dream about walking on this street with our daughter. And now we're walkin' with you." Dugtong pa niya at tinapik nito ang likod ni Coleen.
Ngumiti naman si Coleen bilang tugon sa sinabi sa kanya ni Jack.
Kakatapos lang kasi nilang magdinner at yinaya ni Jack si Andrea na maglakad-lakad para ikutin ang buong village nila na madalas naman nilang ginagawa pagkatapos maghapunan o bago matulog.
Sumama sa kanila si Coleen dahil wala naman siyang ginagawa at hindi pa rin siya masiyadong inaantok. Isama pa dito ang dahilan na hindi pa umuuwi si Billy mula sa trabaho kaya naisip niya na pwede niya namang samahan ang mga ito saglit. At para na rin mas tumibay pa yung bond nila kahit sa ganitong paraan lang.
Masaya siya dahil buong-buo talaga ang pagtanggap sa kanya ng Familia Crawford katulad ng hinahanap niya sa isang pamilya. Pamilya na noon ay hindi niya naranasan di tulad ngayon.
"We are very blessed to have you as our daughter-in-law." Andrea added.
"Thank you po :)" She replied.
Sa pagiging mabait ng mga ito sa kanya, naguguluhan na tuloy siya kung itutuloy niya pa ba yung plano niyang makipag-annul kay Billy. At si Billy mismo ang nagpapagulo sa utak niya tungkol sa mga plano niyang nakalatag na dahil sa feelings niya para dito.
Ngayon pa lang ay hindi niya na maimagine ang sarili niya na nakatira na ulit sa sarili niyang bahay na hindi man lang nakikita ang mga taong hindi niya inaakalang magiging malapit sa kanya.
Lalo na yung taong hinihintay niya lang na umuwi ngayon. Si Billy.
Nagtatalo na ang kalooban niya kung dapat niya pang isagawa yung bagay na yun.
Oo.
Dahil siya yung taong pinaninindigan o tinutupad yung mga bagay na nakaplano na kahit ano man ang mangyari.
Hindi.
Dahil hindi niya na kayang iwan yung bagong pamilya niya ngayon. Hindi niya na kayang iwanan si Billy at ayaw niyang gayahin ang ex nito na basta-basta na lang siyang iniwan ng walang malalim na dahilan.
Gusto niyang patunayan kay Billy na hindi siya katulad ng ibang babae jan na parang isang load na bigla na lang nag-expire. At baka bigla na lang din magpaload ulit si Billy kapag nag-expire na siya.
Sa madaling salita, ayaw niyang umalis na lang sa buhay ni Billy dahil natatakot siya na baka pagkalipas lang ng ilang buwan ay makahanap agad ito ng ibang babae. Yun ang hindi niya kayang makita or marinig man lang mula sa iba.
Isip. Isip. Isip.
Yan muna ang gagawin niya bago siya magdesisiyon kung ano na ba talaga ang gagawin niya.
"Hindi ako nagkamali na makipagkasundo sa Dad mo nung mga bata pa kami." Huminto sila sa paglalakad nung makakita sila ng bench na kasya naman silang tatlo kung uupuan nila ito.
Yung posisyon nila ay si Coleen at Andrea sa gilid, si Jack naman ang sa gitna.
Nagtaka naman bigla si Coleen nung sinabi ni Jack na "mga bata pa kami" ganoong inaakala niya na ngayon lang nagkakilala ang Dad niya at ang father-in-law niya. Ibig sabihin matagal na itong magkakilala? Pero bakit hindi man lang siya nagkaroon ng alam tungkol dito o tungkol sa kanila gayong magbusiness partners naman pala ang mga magulang nila ni Billy?
"Do you wanna know why we set you up for marriage?" Tanong ni Jack sa kanya dahil curious din siya tungkol dito. Ang pagkakaalam niya kasi ay tungkol lang sa business deal ang lahat ng ito. Mukhang may iba pa palang dahilan.

BINABASA MO ANG
Marrying the Heir of CREM (BiCol FanFic #Wattys2016)
RomanceKASAL. Ang estado ng relasyon kung saan dapat kilala niyo na ang isa't isa, tanggap ang isa't isa, at mahal na mahal ang isa't isa. Pero hindi sa dalawang ito. Ayaw ni Coleen kay Billy dahil sa nasaksihan at nalaman niya tungkol dito. At ganoon din...