Kinaumagahan, nagising si Coleen dahil kanina pa may nagdo-doorbell. Tinatamad pa siyang bumangon pero pinilit niya pa rin. Hindi na siya nakapag-ayos pa ng sarili niya at nakapajamas pa siya nung tumayo siya.
Pagewang-gewang siyang naglakad papunta sa pinto dahil sa matinding antok na nararamdaman niya. Para siyang naglalakad ng tulog dahil nakapikit pa rin siya kahit na binuksan niya na yung pinto. Wala siyang ganang tignan man lang kung sino ang nasa harap niya.
Kahit na tamad na tamad pa, kinusot-kusot niya pa rin ang isa niyang mata para subukang tignan kung sino 'tong nanggising sa kanya ng ganito kaaga. Pagkatapos niyang kusutin ang mga mata niya, tsaka niya lang tuluyang naaninagan kung sino ang nasa harapan niya ngayon.
"Good morning Coleen." Sabi ng dalawang napakagandang mga nilalang na mejo may edad na na babae at lalaki. Inisip niya muna kung sino ang mga ito at narealize niya na mga magulang ito ni Billy na nasa harap niya ngayon.
"Mr. and Mrs. Crawford?" Gulat na gulat niyang tanong. Ngayon maayos niya ng naidilat ang mga mata niya dahil sa sobrang pagkabigla.
Ngumiti ang mga ito sa kanya at sinabing,
"Pwede ba kaming pumasok?" Tanong ng Mom ni Billy. Si Andrea.
Binuksan naman ni Coleen ng mas maayos ang pinto at agad na pinapasok ang mga ito.
Kinabahan siya bigla dahil hindi niya inaasahan na pupunta ang mga ito sa condo unit niya ng ganito kaaga. At bakit naman kaya siya pinuntahan ng mga ito ng wala man lang pasabi? Tuloy yung itsura niya halatang kakagising pa lang.
"Ummm....Upo muna kayo." Natatarantang sabi ni Coleen at inihatid niya ito sa sala at pinaupo ang mga ito.
"Nag-almusal na po ba kayo?" Yan agad unang pumasok sa utak niya na itatanong sa kanila.
"Yes kani-kanina lang bago kami magpunta dito." Sabi ng Dad ni Billy na si Jack.
Nakahinga naman si Coleen ng maluwag nung marinig niya tapos na silang magbreakfast dahil hindi siya marunong magluto at maghanda ng almusal. Sanay siya na si Nanay Jossie at ang iba pa nilang mga maids ang gumagawa nun para sa kanya. Ayaw niya namang magpadeliver ng pagkain para sa mga bisita niya or lets just say, in-laws niya dahil napaka-unethical nun.
"Coffee gusto niyo po?" Tanong ni Coleen. At least yan kaya niyang gawin.
"Yes please." Sabi ni Jack ng nakangiti.
"Okay. Excuse me po." Sabi niya at dumiretso muna siya sa kwarto niya para mag-ayos at maghilamos ng mabilis na mabilis lang. Pagkatapos nun ay pumunta na siya sa kitchen para ipagtimpla sila ng kape.
Bumalik na siya sa sala dala ang tray na pinaglalagyan ng dalawang cup ng coffee at dahan-dahan niya itong linagay sa coffee table.
Hindi gaya kanina, mas maayos at mas presentable na ang itsura niya ngayon.
"Masiyado ba kaming napaaga ng punta?" Mahinahon at kalmadong boses ang narinig niya sa Mom ni Billy habang iniinom nito ang kapeng tinimpla niya para rito. Yun na yata ang pinaka soft na boses na narinig niya sa buong buhay niya. Akala niya ay isang beses lang ito magiging ganito sa kaniya kagaya kagabi. Dun sa engagement party nila ni Billy kung saan niya ito unang nakilala.
"Ummm...Mejo po." Nahihiyang sagot naman ni Coleen.
Mejo nahiya rin ang dalawa dahil mukhang maaga nga sila masiyadong pumunta na sa totoo lang ay 6 a.m palang. At sunday din. It means that day off at rest day ni Coleen. Magpapakasawa na sana ito sa pagtulog at pagpapahinga sa mga problema sa kompanya nila kaso ay bigla nalang silang dumating.
Ganun pa man, hinahangaan nila si Coleen sa pagiging honest nito kahit na sa simpleng bagay lang.
"Pasensya na. Gusto sana naming humingi ng paumanhin tungkol sa inasal ni Billy kagabi sa engagement party niyo. Hindi naman siya ganun kawalang-modo eh. Sa totoo lang napaka masunurin niyang anak at magalang sa lahat. Hindi ko alam kung bakit siya nagkaganun last night." Malungkot na sabi naman Jack kay Coleen. Mahahalata mo sa tono niya na dismayadong-dismayado siya kay Billy samantalang bago pa ang gabing yun ay maayos pa silang nag-uusap tungkol doon.
Samantala, si Coleen naman ay parang mejo naawa sa mga magulang ni Billy dahil sila pa mismo ang pumunta sa kanya ng ganito kaaga para lang ihingi ng dispensa ang anak nila.
Lalaki ba talaga yun? Bakit siya nagtatago sa anino ng mga magulang niya? Bakit hindi siya mismo ang pumunta sa kanya at magsorry? Hah! Such a coward!
Ngumiti nalang sa kanila si Coleen dahil hindi niya naman pwedeng sabihin na okay lang yun kasi kaplastikan na ang tawag dun.
"Actually, I liked it." Sabi naman ni Andrea.
Napatingin naman si Coleen at si Jack sa kanya at iniisip nila kung anong ibig sabihin nito.
"Kung saakin ginawa yun, baka pinagsasampal ko yung mga babaeng yun at pati na yung lalaki pag nagkataon." Dugtong pa nito. Napangiti sila Coleen at Jack dahil sa sinabi ni Andrea.
Hindi naman inaasahan ni Coleen na sasabihin mismo ng Mom ni Billy yan sa harap niya. At the same time, natutuwa siya na hindi konsintidor at mapagpakumababa ang mga magulang ni Billy. Hindi kagaya niya.
Pagkatapos ng ilang oras nilang pag-uusap nagpasiya na ang mga ito na umalis na dahil baka naaabala na nila ito.
"We had a great time having conversation with you." Sabi ni Andrea pagkatapos niyang yakapin si Coleen.
"Thanks Mrs. Crawford. Ako rin po." Tugon naman ni Coleen habang hawak-hawak niya pa rin ang dalawang kamay ni Andrea pagktapos nilang magyakapan.
"Mrs. Crawford? Call me Mom."
"And call me Dad as well." Sabi naman ni Jack at inakbayan niya bigla si Andrea. Na ikinagulat at kinatuwa naman nito. Nagtatawanan sila sa harap niya at nakaramdam naman siya na parang ang weird lang ng mga nangyayari.
"Okay.....Mom and Dad." Dahan-dahan niyang sabi kahit na naiilang pa siya dahil ayaw niyang masira ang moment nung dalawa.
"Perfect!" Sabi ni Andrea.
•
"Ya, alam mo ba kung saan nagpunta sila Mama?" Tanong ni Billy sa isa nilang maid pagkababa niya ng hagdan.
"Sorry po sir pero hindi ko po alam." Sagot naman ng nito sa kanya.
Hindi niya nalang ito pinansin pa ulit nung malaman niya na wala naman pala siyang makukuhang sagot rito at naglakad nalang palabas.
Sakto naman na nakasalubong niya ang mga ito na may ngiti sa mga mukha nila.
Bigla naman itong nawala nung makita nila si Billy.
"Mag-usap tayo." Sabi sa kanya ni Jack at nagtuloy-tuloy lang siya papasok sa loob hanggang sa makarating na ito sa opisina niya.
Hindi alam ni Billy kung bakit siya pinatawag ng ganun ng Daddy ni Billy at sumunod nalang siya dito.
BINABASA MO ANG
Marrying the Heir of CREM (BiCol FanFic #Wattys2016)
RomanceKASAL. Ang estado ng relasyon kung saan dapat kilala niyo na ang isa't isa, tanggap ang isa't isa, at mahal na mahal ang isa't isa. Pero hindi sa dalawang ito. Ayaw ni Coleen kay Billy dahil sa nasaksihan at nalaman niya tungkol dito. At ganoon din...