Pagkatapos ng napakaikling gabi, unang nagising at bumangon bumangon si Billy para maligo at magbihis.
Habang padaan-daan siya sa paligid ng kwarto ay patingin-tingin din siya sa tulog pang si Coleen. Pagkatapos niyang ikabit ang necktie niya, lumapit siya kay Coleen at inayos ang pagkakalagay ng kumot nito.
Naiwang nakapatong ang kamay niya sa braso nito at mejo nagulat siya nung gumalaw yung kamay ni Coleen at kinuha nito yung kamay niya tapos ay inintertwine sa mga daliri niya at dinikit sa mukha nito pero pagtitignan yung mukha niya ay akala mo tulog pa rin ito. Tumawa si Billy ng hindi gaanong malakas dahil sa pagiging clingy na rin ni Coleen sa kaniya na gustong-gusto niya naman.
Samantalang dati-rati ay ayaw na ayaw niya na hinahawakan siya lalo na ang kamay niya dahil noon para sa kanya ay ka-corny-han lang yung mga ganung bagay, hindi pala.
Nagbago na talaga lahat simula nung dumating si Coleen sa buhay niya. Lahat ng mga bagay na ayaw niyang gawin noon kasama ang isang babae ay nagagawa niya na. Yung simpleng pagtitig lang niya sa kanya habang tulog ito ay tuwang-tuwa na siya. Kapag makita niya lang yung ngiti nito ay parang narerecharge na agad yung pagod niyang katawan sa buong araw ng pagtatrabaho.
Palagay niya ay parang isang kung-anong drug si Coleen na isang beses niya lang sinubukan ay hinahanap-hanap niya na. Siya yung drug na kailan man ay hinding-hindi niya titigilan kahit na anong mangyari. Nakadiskubre siya ng drug na ayaw niyang ipakalat o ipauso dahil gusto niya na siya lang ang gagamit dito. Bawal ang share-share :P
Kakaibang ligaya talaga ang nabibigay ni Coleen sa kanya.
"Tama, mahal nga kita." Bulong ni Billy habang hinahawi ng isang kamay niya yung mga buhok na tumatabon na sa mukha ni Coleen.
Sa ginawa niya ay bigla itong nagising at tinitigan siya saglit sabay kusot ng mga mata niya.
"Good morning." Bati agad ni Billy at yumuko siya para halikan ang buhok nito.
Yinakap naman ni Coleen yung leeg ni Billy at hindi niya agad pinakawalan ito ng ilang segundo. Nung pareho na silang hindi gaanong makahinga, agad din silang bumitaw sa yakapan nila.
"Saan ka pupunta? Aalis ka na?" Parang batang tanong ni Coleen habang nagpapout at pinaglalaruan yung necktie ni Billy.
Sa ginagawang ito ni Coleen ay nagdadalawang isip na tuloy si Billy na pumasok sa trabaho niya at magkulong na lang sa kwartong to kasama ang babaing kaharap niya ngayon.
Ang cute-cute niya kasi eh! Yan tuloy nakurot niya na naman yung ilong ni Coleen sa sobrang panggigigil niya sa kanya.
Tuwang-tuwa si Billy sa ginagawa niya pero si Coleen hindi.
"Bakit ang aga mo na naman umalis? Hindi mo na naman ba ko sasabayan sa breakfast?" Tanong na naman ni Coleen dahil napapadalas na si Billy sa pag-alis niya ng mas maaga kesa dati kaya madalas din siyang nagigising na wala si Billy sa tabi niya.
Napayuko na lang si Billy sa tinanong ni Coleen sa kanya. Nahihiya na siya dahil maaga niya na namang iiwanang mag-isa ang asawa niya.
"Babe I'm sorry.....I'm sorry that you are married with a busy man." Tanging nasabi ni Billy habang hinahalikan niya yung kamay ni Coleen. Siya rin naman ay nalulungkot na sa sitwasyon nila.
Kahit na hindi lang sila magkasabay sa pagkain, malaking bagay na yun para sa kanila. Dahil yun na lang ang time na pwede silang mag-usap.
Mas lalo na kasing dumami ang gawain ni Billy sa kumpanya dahil sa pag-eexpand ng business nila. Hindi lang ang CREM ang lumawak ang network, ang CdG din kaya pareho silang busy, actually. Mas busy lang si Billy ng konti dahil mas malawak ang sakop ng company nila.
BINABASA MO ANG
Marrying the Heir of CREM (BiCol FanFic #Wattys2016)
RomanceKASAL. Ang estado ng relasyon kung saan dapat kilala niyo na ang isa't isa, tanggap ang isa't isa, at mahal na mahal ang isa't isa. Pero hindi sa dalawang ito. Ayaw ni Coleen kay Billy dahil sa nasaksihan at nalaman niya tungkol dito. At ganoon din...