Chapter 1

716 20 7
                                    

Sa isang madilim na kwarto na may queen sized bed ay nakahiga si Billy kasama ang isang model at parehas silang na pagod na pagod dahil sa ginawa nilang kung ano kagabi.

Nagising si Billy dahil sa tunog ng alarm ng phone niya na sinet niya ng maaga para mas mauna siyang magising kaysa sa kanyang kasama.

Kahit na inaantok pa, pinilit niya pa ring buksan ang mga mata niya. Inalis niya ang kamay na nakayakap sa kanya at bumangon para magshower.

Pagkatapos niyang maligo ay agad siyang nagbihis.

"Why are you dressed up already? Come and join me here again." Sabi nung babae at lumapit ito sa kanya at akmang hahalikan na siya pero pinigilan ito ni Billy.

"Wait, what's your name again?" Tanong ni Billy sa babae. Yes, he slept with this girl even if he barely even know her or her name either.

Hindi siya 'yung tipo ng lalaki na kailangan pang alamin o tandaan ang pangalan ng mga babaeng nakakasama niya, basta pasok sa taste niya pwede na. Models and Starlets will do.

"Hollie." Sagot nung babae.

Lumayo si Billy sa kanya at sinuot na ang sapatos na nakakalat sa sahig.

"I'm sorry Hollie. But I'm done with you." Walang emosyong saad ni Billy dito ng hindi lumilingon at sinara na ang pinto.

Hindi na nakapagreklamo pa ang bababe dahil nakaalis na kaagad si Billy at nawala na ito sa kanyang paningin.

Typical Billy.

Ang lalaking one night stand lang ang habol sa mga babae. Hindi niya naman kasalanan 'yun sapagkat ang mga babaeng ito ay ang mga tinatawag niyang "Willing Victims" dahil sila na mismo ang lumalapit at gumagawa ng move para lang makasama siya at madikit sa pangalan niya.

Eh sino ba naman kasi ang hindi gustong ma-involve sa isang Billy Crawford?

Ang pangalan niya ay laging laman ng mga business article at tabloids dahil sa mga achievements na nagawa niya at dahil na rin sa mga sikat na babaeng naiuugnay sa kanya.

Ito ang gustong-gusto ng mga models at starlets sa kanya bukod sa napakaganda niyang katawan at mukha ay ang kanyang magandang reputasyon sa larangan ng pagnenegosyo.

Kaya kung isa ka sa mga babaeng iyon, asahan mong magtetrending ang pangalan mo sa kahit saang dyaryo subalit asahan mo rin na hindi maganda ang mga nakasulat tungkol sa'yo.

Marrying the Heir of CREM (BiCol FanFic #Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon