"Ang gwapo niya!"
Pagpasok pa lang ni Enrique sa lobby ng building ng Compania de Garcia, nagtitilian na ang mga babaing nakakasalubong niya. Yung iba naman ay hindi naman tumutili kapag nakikita siya, pero deep inside kilig na kilig ang mga ito.
Binati siya ng mga receptionist at nginitian niya lang ito pero kilig na kilig na talaga sila sa kanya.
Sino ba naman kasi ang hindi kikiligan sa isang katulad niya na kahit naka beige Top-Sider, khaki shorts, at blue paper plane-dotted polo shirt lang siya ay lakas pa rin ng dating niya. Isama niyo pa yung suot niyang black Ray Ban at quiff niyang buhok.
So gwapo!
Kahit sa pagpasok niya pa lang sa elevator ay kinikilig na yung mga babaing nasa loob nito. At yung mga lalaki naman ay parang nanliit sa mga sarili nila nung biglang dumating ang gwapong katulad ni Enrique sa loob ng elevator. Parang bigla silang nainsecure sa kanya.
"Excuse me." Sabi ni Enrique sa secretary ni Coleen na busing-busy sa kakatype ng mga inutos sa kanya ng boss niya.
"Yes Sir, what can I do for you?" Casual na pagkakatanong nito sa kanya.
Mejo nanibago naman si Enrique dahil parang walang sign na kinilig ito pagkakita sa kanya hindi kagaya ng mga babae sa lobby at sa elevator.
"Umm...Pwede ko bang makita si Coleen?" Tanong ni Enrique sa kanya gamit ang charm niya.
"May appointment po ba kayo Sir?" Seryosong tanong naman nito sa kanya.
Mukhang bago na yata ang sekretarya ni Coleen ngayon dahil tuwing pupunta siya dito noon ay sasabihin niya lang sa secretary niya na gusto niyang makita si Coleen at wala ng kung anu-ano pang tinatanong sa kanya at pinapayagan agad siyang makapasok sa loob ng opisina nito. Pero ngayon ay tinatanong pa siya kung may appointment pa siya dito na obvious naman na wala dahil hindi naman siya nakasuot ng formal at gusto niya lang talagang bisitahin ito.
"Miss, I'm her best friend and I don't have to have an appointment just to see her." Masungit na sabi ni Enrique sa kanya.
"Okay Sir just wait for a while. Tatanungin ko lang po kung pwede siyang istorbohin ngayon." Sabi naman nito at denial na yung line ni Coleen.
"Yes ma'am. Okay po." Sabi nito sa kausap niya sa kabilang line na si Coleen.
"Okay Sir pwede daw po kayong pumasok." Sabi nito at binigyan siya ng napakaganda niyang ngiti pero ini-snub lang ito ni Enrique at pumasok na siya sa loob ng office ni Coleen. Mejo nainis kasi siya dahil ang dami masiyadong alam nung bagong sekretarya ni Coleen. Pakiramdam niya ay nasayang ang ilang segundo niyang pakikipag-usap dito dahil kanina niya pa talaga gustong makita si Coleen.
"Hello." Iniba agad ni Enrique ang expression sa mukha niya at yung mood niya naman ay kusang nag-iba nung nakita niya si Coleen na nakangiti sa kanya.
"Hi." Sabi naman nito sa kanya at tumayo siya mula sa office chair niya para ibeso si Enrique.
"What brings you here? Istorbo ah?" Pabirong tanong ni Coleen sa kanya habang paupo sila sa couch.
"Wala naman. Gusto lang kitang makita." Sabi naman ni Enrique at kinurot niya yung pisnge ni Coleen.
"Parang pumayat ka?" Seryosong tanong niya dito pagkatapos niyang kurutin yung pisnge ni Coleen.
"Yung mukha mo kasi hindi na ganon kataba." Dugtong niya pa.
"Grabe ka. Hindi naman ako ganon kataba ah?" Sabi ni Coleen pagkatapos niyang hampasin yung braso ni Enrique at linagay niya yung mga palad niya sa mukha niya para kompirmahin kung totoo ba yung sinabi sa kanya ni Enrique.

BINABASA MO ANG
Marrying the Heir of CREM (BiCol FanFic #Wattys2016)
RomanceKASAL. Ang estado ng relasyon kung saan dapat kilala niyo na ang isa't isa, tanggap ang isa't isa, at mahal na mahal ang isa't isa. Pero hindi sa dalawang ito. Ayaw ni Coleen kay Billy dahil sa nasaksihan at nalaman niya tungkol dito. At ganoon din...