Si Coleen ay nasa kanyang office sa bahay niya at kasaluyang nakaharap sa kanyang laptop para ayusin ang presentation niya kinabukasan.
Buong araw niya na itong kaharap at kahit isang beses ngayong araw ay hindi pa siya lumalabas ng kanyang opisina.
Dito na rin siya kumain ng breakfast at lunch para lang hindi siya maubusan ng oras.
Napahinto naman siya sa pagta-type nang marinig niyang may kumakatok sa pinto.
"Come in." Sabi niya at nagpatuloy na sa pagta-type.
Pumasok sa opisina niya si Nanay Jossie. Ang mayor doma ng kanilang bahay at ang nag-alaga sa kanya noong bata pa siya at kahit ngayon, siya pa rin ang tumatayong Nanay sa kanya.
"Coleen ano'ng oras na? Bakit hindi ka pa kumakain?" Tanong nito habang liniligpit ang mga ibang papel na nakakalat sa sahig.
"Patapos na po ako." Sabi ni Coleen na nakatingin pa rin sa laptop niya.
Itong batang to talaga, sinusubsob na naman ang sarili niya sa trabaho. The old lady thought.
Coleen closed her laptop and stretched her shoulders before finally standing up.
Natapos na si Nanay Jossie sa pagliligpit at palabas na sana ng maalala niya na may sasabihin nga pala siya rito.
"Tumawag ang Daddy mo kanina, gusto ka raw niyang makasabay sa dinner."
Coleen released a deep sigh and said,
"Opo."
And Nanay Jossie stepped out and immediately closed the door.
Lumabas na rin si Coleen sa kanyang office at dumiretso na sa kanyang kwarto para maligo.
Habang nagbibihis at nakaharap sa salamin, iniisip niya kung bakit na naman kaya siya gustong makasama nito sa pagkain?
The last time na inimbitahan siya nito para magdinner ay may kailangan pala ito para sa kanya. Tuwang-tuwa siya noon dahil first time niyang makakasama ang Tatay niya sa harap ng hapag -kainan.
Pero na-disappoint siya dahil kaya lang pala 'yun ginawa ng Daddy niya dahil may ipapagawa ito sa kanya.
Eight years ago, kinailangan niyang pumunta sa Spain as the representative of their company for the inauguration ball.
She was just 14 years old that time at wala pa siyang kaalam-alam tungkol sa business nila. Pero pumayag pa rin siya sa gusto ng Daddy niya para lang matuwa ito sa kanya. Ang naging kasama niya lang noon ay ang kanyang Tito Carlos; ang naging mentor niya para maging ganap na Entrepreneur at tumayo na ring Tatay sa kanya.

BINABASA MO ANG
Marrying the Heir of CREM (BiCol FanFic #Wattys2016)
Roman d'amourKASAL. Ang estado ng relasyon kung saan dapat kilala niyo na ang isa't isa, tanggap ang isa't isa, at mahal na mahal ang isa't isa. Pero hindi sa dalawang ito. Ayaw ni Coleen kay Billy dahil sa nasaksihan at nalaman niya tungkol dito. At ganoon din...