Chapter 60

362 14 9
                                    

Padabog na isinara ni Billy ang pinto niya't dumiretso siya sa kusina para kumuha ng yelo. Dinampi niya ang mga maliit na bloke sa bahagi ng mukha niya na namamaga, na naging bunga ng pakikipagbuno niya kay Enrique.

Bwiset na lalaking iyon! Kung wala lang talagang umawat sa kanila ay paniguradong binasag niya na ang lahat ng mga ngipin ni Enrique! Sa totoo lang ay kulang pa nga ang suntok na naranasan nito sa kaniya kumpara sa sakit at hirap na naramdaman niya nung iniwan siya ni Coleen nang dahil lang sa kaniya.

Walang tamang salita na makakapaglarawan sa inis na nararamdaman niya ngayon dahil hindi niya kasamang umuwi ang mag-ina niya. Pakiramdam niya ay isa siyang talunan kasi hindi siya yung kinampihan ni Coleen. Yung kabit pa rin niya ang mas inintindi niya kesa sa kaniya na LEGAL na asawa ng babaing iyon!

Walang hiya sila! Dalawang taon siyang nagdusang mag-isa tapos sila nagpapakahayahay lang na parang isang buong pamilya na dapat sana ay sa kaniya!

Hindi niya hahayaan na si Enrique ang kilalaning ama ni Dani dahil alam niyang sa kaniya yung batang iyon. May karapatan din siya sa anak niya at di siya papayag na hindi niya ito makasama pati na si Coleen. Kailangan may gawin siyang paraan.

Nagsalin na rin siya ng whiskey sa baso niya at nag-isip ng nag-isip kung paano niya babawiin at pauuwiin si Coleen kasama na ang anak nila.

Ginamot din ni Coleen ang mga sugat sa mukha ni Enrique at dahan-dahan niyang dinadampian ng icepack ang mukha nito.

"Aray!" Pagrereklamo naman ni Enrique sa kaniya, kanina pa ito ganito sa tuwing ipapahid niya yung cold bag kaya sa pagkapikon niya ay binitawan niya na ito dahilan para malaglag yung icepack sa hita ng lalaking 'to.

Umupo na lang siya at di na muling kumibo pa.

Kasi naman kakauwi niya lang dito sa bahay nila tapos ganito agad ang sumalubong sa kaniya? Geez! Kung alam niya lang na ganito ang mangyayari ay sana hindi na sila umalis ng Germany. Bakit ba kasi bigla niyang naisipang bumalik dito eh!?

Tumingin si Enrique kay Coleen ngunit iniwasan siya ng mga mata nito at naramdaman niyang parang hindi sila okay na dalawa. Nakakunot din kasi ang noo nito.

"Galit ka ba?" Tanong niya rito.

"Umuwi ka na muna sa inyo." Sagot naman ni Coleen, di parin siya tumitingin kay Enrique.

"Wow ang lapit ng sagot ah?" 

"Enrique pwede ba?" Seryoso at pagalit ng saway ni Coleen sa kaibigan niya.

Nanahimik bigla si Enrique at tumayo na para ligpitin yung mga ginamit nila sa pag-gagamot sa mga pasa niya.

"Tawagan mo na lang ako pag may kailangan ka." Bilin pa niya at hinalikan niya si Coleen sa pisnge at umalis na.

Nakatunganga at tulala na naiwan si Coleen sa kusina. Tsaka niya lang naalala si Dani nung mapansin niya na mag-isa na lang siya.

Umakyat siya kaagad sa kwarto nito at nakita niya na tulog na ito sa kuna niya. Napagod din siguro ito sa naging biyahe nila.

"Thanks, ako na muna dito." Sabi niya sa tagapag-alaga ni Dani.

Tahimik niyang pinagmamasdan ang bata na mahimbing nang natutulog habang nakasalpak sa napakaliit at mamula-mulang labi nito ang feeding bottle niya.

Bahagya siyang napangiti dahil para niya lang pinapanood ang sarili niya na nakahimlay sa isang maliit na higaan at payapang nananaginip ng kung ano, kasabay nun ang pag-agos ng luha niya dahil sa mga nangyari kanina.

Nakita niyang muli ang ama ng anak niya na nagbigay sa kaniya ng panandaliang kakaibang kasiyahan ngunit nagdulot naman ng matinding hinanakit at sugat sa puso niya. Sugat na kahit ano'ng gawin niya ay ayaw gumaling, gabi-gabi at araw-araw siyang di pinapatahimik ng sakit na dalawang taon niya ng dala-dala.

Marrying the Heir of CREM (BiCol FanFic #Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon