Chapter 24

566 13 1
                                    

Hindi umuwi si Coleen kasama ang driver at bodyguards niya dahil pumayag siya na kela Vhong at Vice nalang magpahatid para mas mapag-usapan pa nila si Billy habang bumabyahe sila papunta sa bahay nila.

Mabilis na nawala ang pagkailang niya sa mga ito dahil sa maayos na pagtrato nila sa kaniya na para bang kasali na siya sa gang ng mga ito. Idagdag niyo pa ang humor ng dalawang 'to habang bumabiyahe sila kaya riot talaga.

Nakwento rin nila Vhong yung tungkol sa last will ng Lolo ni Billy at kung bakit niya sinusunod ang mga parents niya kahit na kaya naman na niyang magdesisyon para sa sarili niya. At sa tingin niya kaya ay kung bakit pumayag si Billy na magpakasal sila ay dahil na rin dun sa last will na yun.

Nung makarating na sila sa villa, unang bumaba si Vhong para pagbuksan si Coleen ng pinto. Si Vice kasi ang nagdadrive.

"Want to come over?" Tanong ni Coleen sa dalawa habang papasok na siya sa loob.

"Hindi na. Next time na lang. Paki-kamusta na lang kami kay Tita." Sabi ni Vice at sumandal silang dalawa sa may bandang pinto ng  black hummer niya.

"Seriously? Hindi talaga kayo papasok muna?" Tanong ni Coleen at lumapit siya sa mga ito.

"Next time na lang talaga. May lakad pa kasi kami eh." Sabi naman ni Vhong.

"Ok sabi niyo eh. Thanks sa paghatid at sa conversations. It's nice meeting you two anyway." Sabi ni Coleen ng nakangiti sa dalawa.

"No problem. The pleasure is ours." Sabi naman ni Vice at kinuha niya yung isang kamay ni Coleen para halikan ang mga knuckles nito.

Pagkatapos ay pumasok na siya sa loob at pinapanood lang siya ng dalawa. Gusto daw kasi nilang makitang nakapasok na ito bago sila umalis.

"Bro kung hindi lang siya asawa ni Billy, linigawan ko na yan kanina pa." Sabi bigla ni Vice nung nakapasok na sa loob si Coleen.

"Tsk-tsk! Brad gutom lang yan. Tara na." Sabi ni Vhong at siniko niya sa tagiliran si Vice at pagkatapos ay pumasok na siya sa truck ni Vice at nagdrive na ito paalis.

Pagkapasok ni Coleen sa loob ng bahay nila Billy, nakita agad siya ni Andrea.

"Hey my beautiful daughter!" Bati ni Andrea at lumapit ito sa kanya para ibeso siya.

"Kumain ka na?" Concerned na tanong nito sa kanya habang sinasamahan siya papunta sa dining area.

"Opo kasama po ng mga friends ko." Walang ganang pagkasabi naman ni Coleen bago pa sila tuluyang makapunta sa table.

"Akyat po muna ako. Excuse me po." Dugtong niya pa at malumanay siyang naglakad papunta sa kwarto nila.

Pagkabukas niya ng pinto, gumala ang paningin niya sa paligid ng kwarto. Para siyang may hinahanap na hindi niya naman alam kung ano yun. At biglang bumigat ang katawan niya at para siyang napagod kahit na wala naman talaga siyang ginawang nakakapagod.

Tinanggal niya kaagad yung sandals niya at tsaka humiga. Yung mga iniisip niya siguro ang nagpabigat sa pakiramdam niya ngayon.

Biglang pumasok sa isip niya yung sinabi ni Vice kanina na ayaw ni Billy na iniiwanan siya kaya siya ang nang-iiwan.

Paano niya nalang itutuloy ang plano niyang makipag annul sa kanya pagkatapos ng ilang buwan kung galit pala si Billy sa mga taong bigla na lang umaalis sa buhay  niya? Paano niya gagawin yun ng maayos?

Sa sobrang dami ng mga nalaman niya tungkol kay Billy, hindi niya na alam kung ano ang gagawin dahil parang bigla nagulo ng mga ito ang plano niya. Haissst! Bahala na.

Marrying the Heir of CREM (BiCol FanFic #Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon