| Happy 11K reads mga sibs ^_^ Kahit na hindi pa ganon karami yung reads niya thank you pa rin :-*
By the way this chapter is dedicated to you @Calum_is_pug/@calum_is_a_pug thanks sa pagiging palaging present sa pagboto at kung minsan ay may comment pa :) Sana magustuhan mo tong chapter na to.
Sa next chapters naman yung ibang voters/commenter ng story na to. |
_______________________________________
Linigpit at inayos na ni Coleen ang table niya at naghanda na siyang umalis. Actually ayaw niya pang umuwi. Wala naman siyang kasama eh. Yung mga biyanan niya nagbabakasyon. Si Billy nasa states. Yung Dad niya? Aba malay niya ba kung nasaan man yun!
Nagsigh siya at binuksan niya yung pinto ng opisina niya para makalabas na.
"Bye Ma'am." Sabi pa nung Secretary niya pagkalabas niya at ngiti lang ang iginanti niya rito.
Naglalakad siya na parang lutang dahil yung isip niya ay wala naman dito. Yung feeling na pangatlong araw niya ng uuwi ng mag-isa kasi wala yung sundo este asawa niya. Haisssttt! Yan talaga ang mahirap kapag nasasanay eh. Nakakapanibago kapag yung nangyayari ay hindi na kagaya ng dati.
Walang gana niyang pinasok yung kotse niya at sa backseat na siya umupo. Habang nagraride ay iniisip niya ang pwedeng gawin ng mag-isa. Kung saan ba siya pwedeng pumunta dahil pag-uwi niya ay wala naman siyang madadatnang tao sa penthouse ni Billy dahil siya lang yung nandoon.
Ah! Alam niya na kung saan pwede!
"Kuya, sa bahay po tayo dumiretso. Sa Las Piñas." Sabi niya sa driver niya.
Tahimik namang sumagot ang driver niya at nagtungo na sila sa una at sariling niyang bahay kung nasaan ang nanny niya.
Pagpasok niya pa lang sa bakuran nila ay may kakaibang pakiramdam agad ang dumapo sa kanya. Halo-halong saya, lungkot, inis, at galit tungkol sa makulay niyang buhay ang nangingibabaw sa kanya ngayon. Yung bahay na to. Yung bahay na laging nakikinig sa mga hinaing niya ay eto, bahay pa rin :P
Nagulat yung mga maids na nadaanan niya dahil hindi nila inaasahan na darating siya.
"Hello ^_^" Bati niya pa sa mga ito at gulat man ay masaya rin siyang binati ng mga ito.
"Si Nanay Jossie po nasaan?" Tanong niya sa isa sa kanila.
"Ay, nasa kusina po Ma'am." Sagot naman ng pinagtanungan niya.
"Thank you ate Rosally." Sabi niya pa bago siya tuluyang umalis sa harap ng nga ito.
Natuwa naman yung made na iniwan niya dahil kahit papaano pala ay hindi pa nito nakakalimutan yung mga taong tumulong sa kanya sa loob ng napakahabang panahon. Kahit na hindi siya ganon ka-close sa mga ito ay at least man lang ay kilala pa rin niya ang mga ito. Yun lang ay mahalagang bagay na para sa kanila.
Pagpunta niya sa kusina ay parang nagutom agad siya sa sobrang bango ng niluluto ng Nanay Jossie niya na nanunuot na sa ilong niya sa sobrang bango.
"Hmmmm.....Mukhang masarap po yan ah?" Sabi niya pa dito at nagulat ito sa kung sinong nagsalita sa likuran niya.
Lumingon ito sa kanya.
"Choleng!" Surprised na reaction nito at linapitan agad ito ni Coleen para yakapin siya.

BINABASA MO ANG
Marrying the Heir of CREM (BiCol FanFic #Wattys2016)
RomanceKASAL. Ang estado ng relasyon kung saan dapat kilala niyo na ang isa't isa, tanggap ang isa't isa, at mahal na mahal ang isa't isa. Pero hindi sa dalawang ito. Ayaw ni Coleen kay Billy dahil sa nasaksihan at nalaman niya tungkol dito. At ganoon din...