Ilang araw ang lumipas ay hindi pa rin sumuko si Billy sa paghahanap sa asawa niya dahil kailangan niya ito, kailangan niya ng maayos na sagot kung bakit bigla na lang itong nawala.
Ngunit wala siyang nakitang sagot. Wala siyang nahagilap na Coleen sa kahit na saan.Hindi niya pa rin ito nahahanap hanggang ngayon. Pati number nito ay hindi niya na rin ma-contact. Malamang ay nagpalit na ito ng sim.
Lahat na ng lugar na pwede nitong puntahan nahaluglog niya na. Sa kakahanap niya nga rito ay biglang sumagi sa isip niya na parang naulit muli ang mga nangyari, nung mga panahong iniwan siya ni Nikka. Parang bumabalik at nagaganap ulit sa katauhan naman ni Coleen ngayon. At natatakot siya na hindi niya rin ito makita at mahanap agad gaya na nga ng nangyari noon. No. Hindi pwede yun.
Lingid sa kaalaman ng iba ay pasikreto niya itong ginagawa. Hindi pa alam ng nakararami na umalis at di niya na kasama si Coleen ngayon. Ayaw niya kasing gumawa ng malaking gulo at isang ingay kaya niya sinisekreto. Kaya hangga't maaari ay sinasarili niya ang problema niya.
Sa kawalan niya ng pag-asang mahahanap pa ito ay sa tingin niya kailangan niya ng tulong mula sa iba kaya nag-hire na siya ng private investigator. Ayun, dalawang araw nga lang ay may nakuha na agad siyang resulta rito.
Napag-alaman niyang umalis ito nang bansa nung araw na dapat ay magpo-propose siya rito. At nasa Paris na umano ito. Pero kasunod nun ang balitang kasama nito si Enrique. That freak!!!!
May mga larawan itong pinakita kung saan sweet na sweet ang dalawa na namamasyal sa tapat ng Eiffel Tower at mayroon pang isang litrato na nakahawak si Enrique sa mukha ni Coleen na mistulang hahalikan ito.
Kumulo bigla yung dugo niya sa nakita niya at sa sobrang galit ay nalukot ng mga kamay niya yung picture na hawak niya ngayon. Pinagtatapon niya rin ang mga ito sa kawalan at nagwala na naman.
Isa siyang taksil!
Paulit-ulit na sumigaw si Billy sa loob ng bahay niya at itinanong sa sarili kung bakit iyon nagawa ni Coleen? Ano bang kulang? Ano bang mali sa kaniya para ipagpalit siya nito ng ganun-ganon na lang? May nagawa ba siya para iwanan siya nito?
Ay oo nga pala, umpisa pa palang ay gusto na siya nitong iwan. Gusto na nitong makipaghiwalay sa kaniya. At siya naman si Tanga na umasang magbabago pa ang isip ni Coleen tungkol sa plano nitong pag-alis pero wala, itinuloy niya pa rin. Ayun, nagpapakasaya sila ng Kabit niya!
Kakalimutan niya naman sana ang lahat eh, handa siyang patawarin ang mga nagawa nito sa kaniya pero ngayon, yung mga nakita ay hindi na katanggap-tanggap. Sobra na, nakakapagod na!
Mahirap mag-stay sa isang sitwasyon na siya lang ang nagpapahalaga. Na siya lang yung gumagawa ng paraan para ayusin ang lahat at mag-work yung relationship nila. Oh wait, meron nga ba talaga silang ugnayan? Dahil sa tingin niya ay siya lang yung nagpapakahirap dito. Siya lang naman yung umasa eh.
Sa puot na bumabalot sa kaniya ay sinuntok niya ng sinuntok yung pader hanggang sa magdugo na yung kamao niya. Ngunit wala siyang naramdamang sakit dahil mas matindi yung hapdi na ginawa sa kaniya nung babaing mahal niya pero iniwan lang siya!
"I'm done with this! I quit!" Sigaw pa ng utak niya at patuloy lang sa pagsuntok.
•
May mga bulong-bulungan ng naririnig si Jack tungkol sa diumanong pag-aaway ng anak niya at ni Coleen kaya dali-daling umuwi ang mag-asawang Crawford sa mansion nila para alamin ang totoong nangyayari.
Wala ang dalawa doon at sinabi ng mga maids na hindi roon umuuwi sila Billy at Coleen kaya naman sa penthouse na nga ng anak nila, sila tumuloy.
"Anak? Ano'ng nangyari rito?" Tanong agad ni Andrea pagkakita niya sa napakagulong bahay ng anak niya. Nariyan ang mga basag na salamin, basag na screen ng TV, nagkalat na mga paintings sa sahig, at kung anu-ano pa.
BINABASA MO ANG
Marrying the Heir of CREM (BiCol FanFic #Wattys2016)
RomanceKASAL. Ang estado ng relasyon kung saan dapat kilala niyo na ang isa't isa, tanggap ang isa't isa, at mahal na mahal ang isa't isa. Pero hindi sa dalawang ito. Ayaw ni Coleen kay Billy dahil sa nasaksihan at nalaman niya tungkol dito. At ganoon din...