Chapter 36

664 17 8
                                    

"Tatalunin ka namin sa susunod na laro natin." Hamon ni Vhong kay Billy habang nagpapalit siya ng pang-itaas niya dahil basang-basa na ang jersey shirt niya sa mahigit isang oras nilang paglalaro ng basketball.

"Kung kaya mo." Pang-aasar naman ni Billy at pagkatapos ay ininom niya ang laman ng tumbler niya.

Maaga siyang nakipagkita sa mga kaibigan niya para maaga rin siyang makabalik sa penthouse niya. Sinadya niya kasing iwanang tulog si Coleen para mas maging mahaba pa ang tulog nito dahil sa tingin niya ay napagod ito ng husto sa pinaggagagawa nila kagabi.

Baka kasi hindi na naman siya makapagpigil kung aantayin niya pang magising ito para lang magpaalam sa activity na gagawin nila ng mga kaibigan niya.

At least pagbalik niya, nakapagrecharge na si Coleen ng energy niya at magiging handa na ulit ito for the next round.

Nagtataka si Vhong kung bakit parang ang energetic at hindi mabilis mapagod si Billy ngayon at nagawa pa nitong talunin silang dalawa ni Vice ng mag-isa lang na hindi niya naman nagagawa noong ibang mga laro nila. Tingin niya tuloy ay may bagong nadiscover na energy drink ang kaibigan niya at kailangan niyang malaman kung ano yun.

Kinuha niya yung tumbler ni Billy at ininom iyon sa pag-aakalang yun ang tonic na sikreto ni Billy sa naging laro nila kanina.

Nabigla naman si Billy sa ginawa ni Vhong at hindi agad siya nakapagreact pang-aagaw na ginawa niya.

"Tubig lang?" Hindi inaasahan ni Vhong ang nalasahan niya dun sa container ni Billy dahil nga akala niya ay may kung anong iniinom si Billy mula rito at agad niya namang binalik ito kay Billy dahil sa pagkadismaya niya.

"Ano bang inaasahan mo?" Tanong ni Billy at tumayo na siya para kunin ang mga damit niya sa locker niya.

"Akala ko may iniinom kang kung ano eh dahil ang ganda ng performance na pinakita mo sa laro natin." Sagot naman ni Vhong habang pinapanood lang si Billy sa ginagawa niya.

"Walang iniinom yan." Pagsingit naman ni Vice at umupo siya sa tabi ni Vhong at nagpunas ng pawis niya sa mukha.

"Ganyan lang talaga kapag naka-score. Lumalakas. Diba brad?" Dugtong niya pa at binato niya yung hawak niyang towel sa nakatalikod na si Billy at nakuha naman agad ito ni Vhong at parehas nilang pinagtawanan si Billy bilang pang-aasar.

Namula na lang si Billy at di na nakasagot pa sa ginagawang pang-aaasar sa kaniya ng mga kaibigan niya na dati naman ay nakikipagsabayan pa siya sa mga ganitong usapin pero ngayon ay parang ayaw niya ng ishare ang dahilan kung bakit parang ang sigla-sigla niya ngayon.

Parang naging sensitive siya bigla sa ganitong topic.

"Ewan ko sa inyo!" Sabi na lang ni Billy ng nakatalikod pa rin sa mga kaibigan niya para itago ang pamumula ng mukha niya at hinubad niya na rin yung shirt niya para makapagpalit na, pero mas lalo naman itong nakapagbigay kay Vice ng dahilan para lalo pa siyang asarin.

Lumapit si Vice para mas makita ito ng maayos at kumpirmahin ito.

"Oh diba? May mga naiwan pang bakas bro!" Lalo lang nagtawanan ang dalawa nung nakita nila yung ilang bahagi ng likod ni Billy ay namumula dahil sa mga parang sugat na nakapinta dito.

Agad namang lumapit si Billy sa salamin para tignan kung anong meron at nakita niya yung mga maliliit na kalmot ng kuko ni Coleen at di niya napigilang mapangiti dahil biglang sumagi sa isip niya yung mga nangyari kagabi. Yung mga pangyayari na kailan man ay hinding-hindi niya gugustuhing makalimutan pero gustong-gusto niyang ulit-ulitin.

Bilang respeto na rin sa babaing dahilan ng kasiyahan at lakas niya ngayon, pinili niyang manahimik na lang at hayaang asarin siya ng mga kaibigan niya na dati ay sa tuwing magkakaroon siya ng ganitong klase ng mga marka ay lagi nila itong pinag-uusapan at madalas ay nagpapayabangan pa sila kung sino ang mayroong mas magandang nakasamang babae.

Marrying the Heir of CREM (BiCol FanFic #Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon