Chapter 12

413 9 26
                                    

Halos mabingi si Coleen sa sinabi sa kanya ni Jack at natulala lang siya. Maya-maya'y may lumapit na babae sa kanya at yinakap din siya.

Araw ba ng yakapan ngayon?

"Welcome to the family Hija." Sabi nito sa kanya. Gaya kanina, natulala lang din siya. At hinayaan ang ginagawa ng mga tao sa paligid niya.

"Where's your son?" Napatingin naman si Coleen sa Daddy niya nung nagsalita ito. Lalo naman siyang kinabahan dahil makikita niya ulit si Billy. Ang malala, sa harap pa mismo ng mga magulang nila at sa mga taong nakapaligid sa kanila.

Nag-iba naman ang reaction ni Jack nung tanungin siya kung nasaan si Billy. Hindi niya alam ang sasabihin niya dahil hindi niya pa ito nakikita mula pa kanina bago sila pumunta dito. Akala niya ay nauna na ito pero nagkamali pala siya.

"I'm sorry to tell you but......."

"Sorry I'm late." Hindi na natuloy pa ni Jack ang sasabihin niya ng bigla nalang may nagsalita out of nowhere.

Nakita nila si Billy na dahan-dahang naglalakad palapit sa kanila kasama ang ang dalawang babaeng nakalingkis sa magkabilang braso niya.

He's definitely trying to make a show.

Kumunot naman ang noo ni Coleen sa nakita niya. Narealize niya na tama pala talaga ang pagkakakilala niya rito. At pati na rin ang mga sinasabi ng mga blogs at tabloids na nabasa niya tungkol sa kaniya. Babaero talaga siya! Pati ba naman sa engagement party nila gagawin niya yan? My goodness!

Bago tuluyang lumapit sa kanila ay binulungan muna ni Billy ang mga babaeng kasama niya. Para siyang walang pakialam sa mga taong nasa paligid niya na sa kanya lahat nakatingin ngayon. Lalo na sa Dad ni Coleen na naiinis na sa hindi magandang ginagawa niya.

"Good evening Sir." Sabi ni Billy sa Daddy ni Coleen at nakipag hand shake siya rito.

"Very good timing." Jack told him sarcastically.

"It's okay. By the way, this is my daughter Coleen. Coleen, this is Billy." Sabi ng Daddy ni Coleen at inintroduce siya nito kay Billy.

Nakatingin lang si Coleen kay Billy at hindi niya alam kung anong gagawin. Hindi rin niya maibuka ang bibig niya para magsalita. Hindi rin naman niya kasi alam ang sasabihin dahil nabigla siya na si Billy pala ang papakasalan niya kaya mas maganda ng hindi magsalita.

Lumapit si Billy sa kanya at nakangiti ito. Kinabahan bigla si Coleen dahil baka kung ano ang sabihin ni Billy tungkol sa kanya sa harap ng mga magulang nila at sa mga taong nakapaligid sa kanila. No. Kapag may sinabi siyang hindi maganda tungkol sa kanya, humanda talaga siya.

"It's NICE to finally meet you." Sabi ni Billy sa kanya at kinuha nito ang kamay niya at hinalikan.
Anong trip niya? Umaarte siya na parang ngayon lang sila nagkakilala? Well mas gugustuhin niya pa na ganun nalang ang gawin ni Billy kesa naman ipaalala pa nito ang mga ginawa nila.

Hinayaan lang ni Coleen si Billy dahil hindi talaga siya makapaniwala sa mga nangyayari. Makikita mo sa mukha niya ang pagkagulat dahil hindi sumagi sa isip niya na si Billy pala ang pakakasalan niya. At lalong hindi sumagi sa isip niya na magiging ally na nila ang CREM dahil mahigpit nilang kalaban ito sa business industry.

"Girl wala akong masabe!" Sabi sa kanya ni Christiana pagkapunta niya sa table nila.

Padabog na bumalik si Coleen sa kinauupuan niya at finold niya ang arms niya sa dibdib niya. Hindi na napansin o narinig pa ni Coleen ang sinabi ni Christiana dahil sa mga bagay na gumugulo sa utak niya ngayon.

Bakit siya pa? Sa dinami-dami ng tao sa mundo, kailangan siya pa talaga ang mapapangasawa niya? Yung player na yun? Ugh!

"Okay ka lang?" Concern na tanong ni Enrique habang ang kamay niya ay hinihimas ang likod ni Coleen.

Shinake niya ang ulo niya at di sinansadyang nahagip ng mga mata niya si Billy.

Nakita niya kung paano ito makipaglandian sa mga kasama niyang babae. Kung paano niya bulungan ang mga tenga ng mga ito at kiliting-kiliti naman ang mga malalanding babaeng kasama niya.

Nakalimutan niya na ba na engagement party namin to? She said to her self.

Walang pakialam si Billy sa mga taong nakatingin sa kanya ngayon kahit pa kay Coleen na alam niyang inis na inis na dahil sa ginagawa niyang pakikipagharutan sa mismong  engagement party nila. Ay hindi, meron pala. Gusto niya na si Coleen ang makaramdam ng kahihiyan na ginagawa niya ngayon. Gusto niyang ipaalam kay Coleen na wala siyang pakialam sa kanya at lalo na sa nararamdaman niya. Basta siya, ini-enjoy niya ang sarili niya kasama ng mga babae kahit na hindi naman talaga siya nag-eenjoy.

Mukha namang nanalo siya ngayon dahil halatang hiyang-hiya na si Coleen sa ginagawa niya. Sa tuwing tumitingin ang mga tao kay Billy, tumitingin din ang mga ito sa kanya. Pakiramdam niya ay kinakaawaan siya ng mga ito dahil ipapakasal siya sa lalaking kagaya ni Billy.

Oo na nakakaawa na siya. Pero hindi siya papayag na kaawaan na lang. Hindi na nakapagpigil pa si Coleen at ininom muna ang na nasa goblet niya at tuluyan ng tumayo papunta kila Billy.

Gumagawa siya ng eksena huh? Pwes, sasakyan niya ang palabas na ginagawa ni Billy.

"Excuse me." Sabi niya ng nakacrossed-arms pagkalapit niya sa mga babaing kalandian este, kasama ni Billy.

Nagulat at napahinto naman ang mga ito sa ginagawa nila nung makita nila na nasa harap na nila si Coleen.

"Don't you know that I don't want an intruders or gate-crushers on my party?" Mataray na tanong nito sa dalawa.

"But we're not intruding. We're invited by him." Sabi nung isang babae at tinuro niya si Billy.

Nanahimik naman ang mga tao sa paligid pati na rin yung pianist na tumutugtog para manuod at pakinggan ang commotion na nagaganap.

"Sino? Siya? Hah!" Natatawang tanong ni Coleen sa mga babae at tinuro niya rin si Billy.

Si Billy naman ay clueless sa ginagawa ni Coleen at pinapakinggan at pinapanood lang din niya ito.

"I'm sorry but he's ruining this event also. Just like YOU." She said loudly and clear enough to be heard by their audience then she gave them a glare.

Naiinis si Coleen kay Billy dahil nagawa niya pang makipagsayaw sa ibang babae sa harap niya pa mismo. Pero mas naiinis siya dahil hindi naman ganun kagaganda ang mga babaing kasama niya kesa sa kanya. Kung mas maganda sana sila, maiintindihan niya pa. Pero hindi eh.

Nagulat si Billy nung sabihin niya yun dahil alam niya naman na alam ni Coleen na parte siya ng party na ito dahil siya ang fiance niya.

"So if you don't mind, you can leave......with HIM." She finished with a brief glance at him then she walked away with a smirk on her face.

Habang naglalakad ay nag-nod siya sa pianist na nakatingin lang sa kanya para ituloy ang pagtugtog. Ganun din ang ginawa ng mga fiddler.

Si Billy naman ay naiwang tulala sa kinatatayuan niya. Hindi niya inaasahang gagawin sa kanya ni Coleen yun sa harap ng maraming tao. Mas lalong hindi niya inaasahan na babalik sa kanya ng ganun kabilis ang mga ginagawa niya.

Marrying the Heir of CREM (BiCol FanFic #Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon