Nagsusukat at abala si Andrea sa pagpili niya ng maayos na damit at mga set ng jewelries na susuotin niya ngayong gabi.
Kahapon pa siya excited para sa gaganaping pagtitipon ngayong gabi kaya hindi siya magkandaugaga sa paghahanap ng maayos na maisusuot. Lahat naman maayos eh sadyang wala lang talaga siyang mapili.
"Bakit ba kanina ka pa papalit-palit ng damit?" Biglang pumasok si Jack sa kanilang kwarto para tignan kung tapos na bang magbihis si Andrea dahil nung iniwan niya ito saglit ay paikot-ikot na siya sa buong kwarto para tignan at isukat ang lahat ng damit niya sa closet nila. Ngayon pagbalik niya, nagsusukat pa rin siya? Mga babae talaga.
"Ito na, patapos na." Sagot ni Andrea pagkatapos niyang mapili FINALLY yung damit na susuotin niya.
"Ready na ba ang lahat?" Tanong niya habang inaayos yung neck tie ni Jack.
"Oo. Teka, titignan ko kung maayos nang nakabihis si Billy." Sabi naman ni Jack at hinalikan niya muna si Andrea sa noo bago siya tuluyang lumabas ng kwarto nila at pumunta sa kwarto ni Billy.
"Billy?" Kinatok niya ang pinto pero walang sumasagot. Kinatok niya ulit ito ng kinatok hanggang sa may narinig na siyang mabibigat na yapak mula sa loob.
Binuksan ni Billy ang pinto.
Hindi naman nagustuhan ni Jack ang nakita niyang itsura ni Billy. Nakapam-bahay pa ito at gulo-gulo ang buhok. Naglakad si Billy pabalik sa kama at ibinagsak ang katawan para matulog ulit.
"Anong ginagawa mo?" Galit na tanong sa kanya ng Daddy niya.
"Sleeping. Can't you see?" Matamlay at pilosopong sagot ni Billy habang ang ulo niya ay nakasubsob pa rin sa unan.
Hindi nagustuhan ni Jack ang isinagot sa kaniya ni Billy at sa sobrang inis ay hinampas niya ito ng hawak niyang tungkod.
Halos mapatalon naman si Billy sa kama niya dahil sa sobrang sakit ng pagkakahampas sa kaniya ng Tatay niya.
"Aray! Bakit?" Tanong ni Billy habang hinihimas niya yung bandang puwetan niya na tinamaan ng tungkod ni Jack. Napatayo siya bigla dahil dun.
"Anong bakit? Hindi ko ba sinabi sa'yo na ngayon tayo pupunta sa mga Garcia para mamanhikan? Bakit ka natutulog pa jan at hindi pa nagbibihis? Gusto mo bang magpadala pa ako ng mga katulong dito para paliguan ka?" Mas galit na tanong pa ulit ni Jack at akmang hahambalusin niya na naman ng tungkod niya si Billy pero nakatakbo na agad ito sa banyo at inaharang pinto sa kaniya. Yung ulo ni Billy nakasilip pa rin sa Tatay niya.
"B-bakit kasi kailangan ko pang sumama?" Nangangatog na tanong ni Billy habang nakatago pa rin siya sa pinto ng bathroom niya.
"Tinatanong mo pa kung bakit? Saan ka ba nakakita ng namamanhikan sa pamilya ng babae na mga magulang lang ng lalaki ang pupunta?!" Hinahampas-hampas na ni Jack ang pinto samantalang si Billy ay nagtatago pa rin sa likod nito.
"Opo ito na. Maliligo na."
"Anong nangyayari dito?" Pumasok na rin Andrea sa kwarto ni Billy nung marinig niya mula sa kwarto nila ang ingay na ginagawa nung dalawa.
"Itong anak mo. Kailangan ko pang hampasin para lang sumama sa atin papunta sa kanila Coleen." Mejo kalmado na na pagkasabi ni Jack sa asawa niya habang nakahawak ito sa dibdib dahil mejo hirap na ito sa paghinga gawa ng inis niya kay Billy.
Nakahinga naman ng maluwag si Andrea dahil akala niya kung ano na ang nangyayari sa mag-ama niya. Gayun pa man, hindi rin siya natutuwa sa ginagawang pagkilos ni Billy tungkol sa nalalapit nitong kasal.
"Tama na yan. Kalma lang. Baka atakihin ka na naman jan eh." Sabi ni Andrea kay Jack habang kina-caress niya ang likod nito.
"Mas mabuti pa siguro na lumabas muna ako." Lumabas si Jack sa kwarto ni Billy at naiwan doon si Andrea.
BINABASA MO ANG
Marrying the Heir of CREM (BiCol FanFic #Wattys2016)
RomanceKASAL. Ang estado ng relasyon kung saan dapat kilala niyo na ang isa't isa, tanggap ang isa't isa, at mahal na mahal ang isa't isa. Pero hindi sa dalawang ito. Ayaw ni Coleen kay Billy dahil sa nasaksihan at nalaman niya tungkol dito. At ganoon din...