"I can't believe this is happening." Christiana said while caressing Coleen's hand.
Tumingin lang sa kanya saglit si Coleen at nagfake smile lang at ibinalik na ang tingin sa daan. Sa sinabing iyon ni Christiana, lalong lumakas ang kabog sa dibdib ni Coleen. Parang may sasabog na kung ano sa dibdib niya dahil sa sobrang lakas talaga ng tibok ng puso niya.
Gusto niyang ipahinto ang sasakyan na sinasakyan nila at tumakas nalang pero hindi niya yun magagawa at hindi niya yun pwedeng gawin.
Nakabuntot at pinagigitnaan ang sinasakyan nilang sasakyan ng dalawa pang mga puting kotse para sa security niya at para siguraduhin na rin na hindi siya makakatakas. Grabe. Daig niya pa ang criminal sa sobrang pagbabantay sa kanya.
Tulala lang siya sa buong biyahe kakaisip kung ano ang dapat niyang gawin pagkatapos nito. Simple lang naman. Siya na mismo ang nagsabi na after ng kasal ay dapat bumalik na ulit sila sa normal nilang buhay na parang walang ano mang nangyari. Na, sa papel lang sila ikakasal at wala ng iba pa. Pero hindi eh. Andoon pa rin yung pakiramdam na parang imposible talaga ang gusto niyang mangyari.
The fact na kahit saan siya magpunta ay naka-tattoo na sa kanya ang pangalang Billy Crawford na kung pwede lang ay ipapa-laser niya para mabura na sa buong pagkatao niya ang pangalang yun.
Lahat ng babae gustong matawag na Mrs. Crawford.
Ibahin niyo siya.
Hindi pa nga sila tuluyang ikinakasal ay gusto niya ng alisin at ipatanggal sa magiging civil status niya yan. Kulang nalang ay isumpa niya yang pangalan na yan eh.
Nakahinto na ang bridal car niya at nasa tapat na ito ng simbahan. Nag-aantay nalang sila ng cue para ipabukas ito at tuluyan ng pumasok sa loob.
Tahimik lang silang tatlo sa loob ng kotse at walang nagsasalita ni isa man sa kanila. At nung time na para sila Christiana at Janina naman ang papasok sa loob, hindi nila napigilan na maluha at yakapin si Coleen ng mahigpit.
Alam nila kung gaano ka ayaw ni Coleen ang magpakasal kay Billy kaya naaawa sila sa sinapit ng kanilang kaibigan.
"Huwag nga kayong umiyak. Wala namang namatay." Nakuha pa ni Coleen na magbiro kahit na ilang sandali nalang ay siya na ang susunod na papasok sa loob. Matapang pa rin ang postura ni Coleen para subukang itago ang mahina at iyaking bata na nasa kaloob-looban niya dahil ayaw na ayaw niya na nagmumukha siyang kaawa-awa sa harap ng iba.
Best friend niya sila Janina at Christiana kaya kahit na hindi niya sabihin at ipahalata ay ramdam nila kung ano man ang hinanakit, galit, at inis na nasa puso ni Coleen.
Ilang saglit pa ang nakalipas, binuksan na ng Daddy niya pinto ng kotseng sinasakyan niya para ihatid siya sa loob.
Mas lalo pang nadagdagan ang inis niya dahil nga kaharap niya ang taong dahilan ng galit sa puso niya. Ang lalaking hindi naman nag-alaga at nagpalaki sa kaniya pero ipamimigay na siya sa iba.
Pagbukas ng pinto ng simbahan, lahat ng tao ay sa kanya na nakatingin. Binabantayan ang bawat paghakbang niya palapit sa altar.
Doon niya mas lalong naramdaman ang hindi maipaliwanag na lungkot. Yung tahimik na paligid at mga taong sa nakamasid sa kanya. Hindi niya na namalayan na habang naglalakad siya ay umiiyak na pala siya.
Frustration was written all over her face and hatred was all you could see over her gaze.
Long term commitment at life long disaster ang papasukin niya ngayon. Ay hindi pala magiging long term at life long kasi nga after 3 months tapos na. Kaya konting tiis pa.
Ang lalaking naghahantay sa kanya sa dulo ay hindi man lang nakatingin sa kanya. Siguro ay parehas sila ng nararamdaman ngayon.
Gusto niya talagang iwan ang lugar na ito at tumakbo palayo pero nasa harap niya na si Billy. Inihatid na siya ng Daddy niya dito.
Hawak na ni Billy ng mahigpit ang kamay ni Coleen at parang pinipigilan siya nito sa gusto niyang gawin. Nakangiti itong nakatingin sa kanya na nagpapahiwatig na wala siyang dapat ipag-alala. Sinusubakang ipabasa ni Coleen kay Billy ang nasa mata at iniisip niya pero parang binabalewala lang niya ito. Ganun ba siya ka-slow?
Iniharap na siya nito kung saan nakatayo ang Father para simulan ang seremonya.
Si Billy mismo ay hindi niya alam kung bakit niya ginawa yun. Alam at nararamdaman niya kung anong gustong mangyari ni Coleen sa mga oras na to. Pero nagpapanggap lang siya na wala siyang alam.
Bakit kasi hindi niya hinayaan nalang na umatras si Coleen sa kasal na to para tapos na ang problema?
Siguro ay ayaw niya lang mapahiya sa harap ng maraming tao. Tama yun lang at wala ng iba pang dahilan.
Habang nagsisimula na ang seremonya ng kasal nila, hinihiling ni Coleen na sana ay bigla na lang dumating si Enrique para pigilan ang kasal. Kagaya ng mga nangyayari sa movies at teledrama. Pero wala eh. Hindi siya dumating. Siya pa naman ang gustong makita ngayon ni Coleen kaso wala siya.
Hindi niya daw kasi kaya na makita ang "kaibigan" niya na ikinakasal sa iba. Bagay na hindi naman naintindihan ni Coleen at bumabagabag pa rin sa kaniya hanggang ngayon.
Ang dami niyang iniisip. Ang daming gumugulo sa utak niya. Siya na. Siya na ang akala mo scientist sa kakahanap ng sagot at paliwanag sa tanong na siya rin naman ang may gawa.
"After their fake vows", nagsabi na ang Pari na pwede ng halikan ni Billy ang Bride niya.
Gaya ng napag-usapan nila, hindi niya ito hinalikan sa labi kundi sa pisnge lang. Buti naman at marunong pala siyang tumupad sa usapan.
"I pronounce you Husband & Wife." Napapikit ng hindi oras si Coleen nung marinig niyang sinabi ng Pari yun at yung mga tao ay nagsitayuan na at nagpalakpakan sa kanila.
Ito na yun.
Dito na magsisimula ang lahat.
The Game has begun.

BINABASA MO ANG
Marrying the Heir of CREM (BiCol FanFic #Wattys2016)
RomansaKASAL. Ang estado ng relasyon kung saan dapat kilala niyo na ang isa't isa, tanggap ang isa't isa, at mahal na mahal ang isa't isa. Pero hindi sa dalawang ito. Ayaw ni Coleen kay Billy dahil sa nasaksihan at nalaman niya tungkol dito. At ganoon din...