Trabaho sa umaga, party sa gabi. Yan ang paulit-ulit na naging gawain ni Billy sa loob ng dalawang taon. Yes, dalawang taon na ang nakalipas simula nung iniwan siya ni Coleen kaya ayan, balik na naman siya sa pagiging buhay Binata.
Sa totoo lang kahit ilang taon na ang dumaan ay hindi niya pa rin ito makalimutan. Hindi niya magawang burahin ito sa isip niya kahit na ano pa ang gawin niya. Kaya nga ay dinadaan niya na lang sa pag-inom at paglilibang kasama ang mga kaibigan niya, kahit papaano ay effective naman. Unti-unti na itong nawawala sa memorya niya. Kaya naisip niya na tama lang ang ginagawa niya, tama lang na burahin na yung mga pangyayaring wala namang kwenta.
Nagising na lang siya na may parang mabigat na hindi niya maintindihan sa ulo niya. Dinilat niya ang isa niyang mata para makita ang paligid at wala siyang ibang naaninag kundi ang dalawa niyang kaibigan na nakahalandusay sa kung saan-saan. Ngumisi siya sa tumambad sa kaniya at pinilit na umupo sa couch na kinalalagyan niya para mawala na ang kaniyang pagkaantok.
Hinilot niya saglit ang noo niya dahil ang sakit na talaga nito na naging epekto naman ng alak na magdamag niyang tinungga. Pagkaraan pa ng ilang minuto ay tuluyan na nga siyang tumayo at dinampot yung shirt niya na nakakalat sa sahig at dumiretso ng comfort room para doon ilabas yung kanina pa niya pinipigilang lumabas sa bibig niya. Naghilamos na rin siya pagkatapos at pagkalabas niya rito ay gising na rin pala yung dalawa na parang zombie na, na hindi niya maintindihan dahil sa pagewang-gewang na pagkilos ng mga ito.
Ngayon lang din ni Billy napansin ang mga kalat at iba pang mga tao na hindi niya naman gaanong kilala na tulog pa sa sobrang kalasingan dahil sa party na naganap dito sa Pad ni Vhong kagabi.
Pumunta siya sa kitchen para magtimpla ng kape at ng mahimasmasan na siya pero kanina pa siya naghahalungkat at wala man lang siyang makita.
"Bro anong klaseng bahay 'to ba't wala man lang kape?" Iritableng tanong niya rito at umupo ulit sa couch.
Tumingin lang si Vhong sa kaniya at di sumagot. Marahil ay wala pa ito sa katinuan para sagutin siya.
"Oh saan ka pupunta?" Biglang tanong nito pagkatayo niya.
"Uuwi na." Maikling turan naman ni Billy at isinara na ang pinto't naglakad papunta sa elevator.
Umuwi na siya para doon na lang magpahinga sandali at naligo na rin para maghanda sa pagpasok sa kaniyang opisina.
Binati siya ng mga nakasalubong niya sa lobby pati na rin sa hall malapit sa office niya pero hindi niya lang pinansin ang mga empleyado niya. Araw-araw niyang ini-snob ang mga ito at laging nakakunot ang noo niya sa tuwing papasok siya. Iniisip tuloy ng mga tao na nawala lang si Coleen sa buhay niya bumalik ay na agad ang dating gawi niya. Nagbalik ang masungit at laging may mainitin na ulo na Billy na ngayon ay CEO na nila.
Kahit na ganito siya lagi ay pinipilit parin nilang pakisamahan ito ng maayos kasi nga ito yung Boss nila.
Walang ganang umupo si Billy sa swivel chair niya at inikot ito para makita yung view sa likuran niya. Ilang minuto siyang nanatili sa ganoong posisyon niya't maya-maya lang ay pumasok na yung sekretarya niya.
"Sir?" Pasintabi nito at humarap siya rito.
"Yung meeting niyo po with Mr. Alonzo ay sa coffeeshop na lang daw sa Pasay gaganapin." Sabi ni Mr. Cruz na ikinataas naman ng kilay ni Billy.
"Bakit doon?" Tanong niya rito.
"May flight pa raw po kasi siya after ng pakikipag-meet niya sa inyo at mas malapit daw po yun sa airport." Sagot nito kaya wala na ngang nagawa pa si Billy kundi magpunta roon sa coffeeshop na sinasabi ng potential investor ng company nila. Client is client kaya kailangan niyang ibigay ang hinihingi nito. Hindi naman mahirap pumunta ng Pasay eh, malapit lang naman yun sa CREM kaya wala naman masiyadong problema roon.

BINABASA MO ANG
Marrying the Heir of CREM (BiCol FanFic #Wattys2016)
RomanceKASAL. Ang estado ng relasyon kung saan dapat kilala niyo na ang isa't isa, tanggap ang isa't isa, at mahal na mahal ang isa't isa. Pero hindi sa dalawang ito. Ayaw ni Coleen kay Billy dahil sa nasaksihan at nalaman niya tungkol dito. At ganoon din...