Chapter 8

424 10 4
                                    

"Let's go." Paanyaya ni Enrique habang hawak niya ang isang kamay ni Coleen at sa kabilang pinto sila dumaan. Hindi sa maindoor kung saan nagkalat at nakaabang ang mga reporters.

Kahit na nalilito ay sumama pa rin si Coleen kay Enrique.

Nung makalabas na sila ay binuksan ni Enrique ang kotse niya at pinaupo si Coleen sa tabi ng driver's seat.

Nakatingin lang si Coleen kay Enrique habang nagdadrive ito. Gulong-gulong siya dahil hindi niya alam kung bakit nandito si Enrique at kung saan sila pupunta.

Napansin naman ng lalaking ito na nakatitig lang sa kanya si Coleen at tumingin siya dito saglit at ibinalik ulit ang tingin sa daan. Bahagya siyang ngumisi sapagkat yung mukha ni Coleen ay hindi na maipinta.

"Ilang taon tayong hindi nagkita tapos titigan mo lang ako?" Pabirong tanong nito habang nakangiting nagdadrive.

"Anong gusto mong gawin ko?" Mataray na tanong naman ni Coleen.

Inabot ni Enrique ang ilong ni Coleen at kinurot ito gamit ang dalawa niyang daliri at sinabing,

"Bakit ba ang sungit mo?" Then he chuckled a bit.

"Umayos ka nga! Nagdadrive ka kaya!" Tinapik ni Coleen yung kamay ni Enrique at diretso pa rin ang tingin niya. Ayaw niyang tignan ang mukha ni Enrique dahil sa inis niya rito.

"So, kumusta na?" Panimulang tanong ni Coleen dito matapos ang ilang mintong 'di pag-imik sa katabi. Subalit hindi niya pa rin tinitignan si Enrique.

"Okay lang. Ito graduated na." Pahayag naman ni Enrique.

"Ang daya mo talaga!" Pagrereklamo naman bigla ni Coleen matapos niyang hampasin ng hindi naman ganun-kalakas ang braso ng lalaking 'to.

"Bakit naman?" He smirked.

"Ilang buwan akong walang balita sa'yo tapos itatanong mo sakin kung bakit? Nakagradute ka ng hindi ko alam? Edi sana pumunta ako ng New York para makaattend ng graduation mo. You're unfair! Akala ko ba best friend kita?" Pasigaw na tanong ni Coleen kay Enrique.

Si Enrique talaga ang pinakaunang best friend ni Coleen. Magkaibigan na sila simula nung maliliit palang sila. Four years ago, pumunta si Enrique sa New York para dun mag-aral dahil ito ang gusto ng mga magulang niya.

Nalungkot noon si Coleen dahil si Enrique lang ang kaisa-isa niyang kaibigan tapos mawawala pa siya ng ilang taon? It sucks!

At dahil nga sa absence ni Enrique, nakilala niya si Janina at Christiana.

"Tapos ngayon, nakauwi ka na pala ng Pinas na hindi ko man lang namamalayan? My god Enrique!" Dagdag pa nito. Nagtatampo na talaga siya rito.

Agad na ihininto ni Enrique ang kanyang sasakyan at humarap kay Coleen.

"Sorry. Gusto ko lang naman i-surprise ka." Seryosong saad niya sa kanyang kaibigan hinawakang muli ang kamay ni Coleen.

"Whatever." She said while rolling her eyes. Ngumiti naman si Enrique dahil sa tuwing sinasabi ni Coleen  ang salitang whatever  ibig sabihin ay okay na.

"So hindi ka na galit sakin?" Tanong ni Enrique para mukumpirma kung ayos na ba talaga sila.

Ganitong ugali talaga ang pinaka gusto ni Enrique kay Coleen sapagkay madali siyang magpatawad, maya-maya lang ok na. Lalo na kung importante ka para sa kanya.

"Oo na. Nasaan ba tayo?" Pag-iiba ni Coleen ng usapan. Kahit na kanina pa siya nakatingin sa dinadaanan nila ay hindi naman siya doon nakafucos. Yung mata niya nakatingin lang pero ang utak niya ay lumilipad sa ibang bagay.

Marrying the Heir of CREM (BiCol FanFic #Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon