Chapter 52

327 13 9
                                    

Wala sa sariling nagtungo si Billy sa isang club na hindi niya alam kung ano'ng pangalan, iba kasi ang pinasukan niya ngayon at nakatitiyak siyang malayo ito sa bahay na pinanggalingan niya.

Binuhos niya sa pag-inom ng pag-inom ng alak ang lahat ng galit niya at para kalimutan yun mga nangyari kanina. Ngunit kahit ano'ng gawin niyang paglagok ay mas lalo lang nagpapaikot-ikot sa isipan niya ang lahat.

Paano nagawa ni Coleen na planuhing iwan siya? Sabi nito noon sa kaniya nung nasa Palau pa sila ay wala DAW iwanan. Wala DAW sukuan. Pero ano'ng ginawa niya? Matagal na pala siyang balak na layasan nito.

Para saan pa ang pagsasamang ginagawa nila kung aalis lang din naman siya? Bakit niya pa hinayaang mahulog ang loob niya sa kaniya kung umpisa palang ay may balak na itong makipaghiwalay sa kaniya?

BAKIT???????

Kagaya lang siya ng walang kwenta niyang Ex na pinaibig siya at pagkatapos ay tinapon na lang siya basta-basta!

Fuck!!!

Simula nung ikasal siya kay Coleen ay never niyang naisip na iwan o makipaghiwalay dito. Ni manloko sa pamamagitan ng pamaba-babae o sa kahit ano pang paraan ay di niya nagawa. Pero siya bakit parang ang dali-dali lang nun para sa kaniya?

Lokohan lang pala ang pagsasabihan nila ng I love you!!! Lahat ilusyon lang dahil hindi rin sila magtatagal.

Yung picture na nakita niya na naghahalikan si Coleen at si Enrique ay ipinagsawalang bahala niya lang dahil akala niya noon ay hindi iyon totoo. Na may naninira lang sa asawa niya pero TANG-INA!!!! Totoo pala!

Kaya siguro gusto nitong makipaghiwalay sa kaniya kasi si Enrique talaga yung mahal niya at hindi siya. Napapikit siya bigla sa naisip niyang iyon at kasabay nun ay naibato niya ang basong hawak niya. At ininom naman ang isa pa.

Ilang saglit lang ay naramdaman niya na ang epekto ng alak sa katawan niya. Parang umiikot na ang paligid niya sa sobrang pagkahilo pero tuloy pa rin siya sa paglaklak kahit na yung talukap ng mga mata niya ay pakurap-kurap na rin. Hanggang sa may naaninag na siyang babaing nasa tabi niya na pala. Na bigla na lang sumulpot sa kung saan. Pakiwari niya'y kinakausap siya nito pero wala siyang naintindihan sa mga pinagsasasabi niya.

"Are you alone?" Ang tanging narinig at naunawaan niya lang sa lahat ng mga binitawang salita ng babaing kaharap niya.

Gusto niyang ibuka ang bibig niya para barahin ang babae at sabihing

"Bakit may nakita ka bang kasama ko? Wala diba?" Kaso hindi niya nagawa dahil parang may iba ng lalabas mula sa bunganga niya ngunit napigilan niya iyon.

Sa sumunod na mga pangyayari ay ang naaalala niya na lang ay nasa isang kwarto na siya. Malamig ang buong paligid subalit natalo iyon ng mainit na katawang nakapatong na sa kaniya.

Hindi niya mapigilan ang sarili niya sa pagtugon sa mga halik sa kaniya ng babae at napatingin sa mukha nito. Kahit na hilong-hilo ay nabanaag niya pa rin na hindi ito si Coleen. Ibang babae ang kasama niya kaya pinilit niyang lumayo rito.

"Who the hell are you?" Galit niyang tanong dito at kinapa ang kumot para ibalot sa katawan niya.

"Get out! I don't need you!" Sunod pang saad nito at ibinaling ang paghiga sa kabilang parte ng kama kung saan hindi niya naaaninag ang mukha ng isang hindi kilalang babae. At wala siyang balak na kilalanin ito. Ever!

Si Coleen ay hanghang ngayon nasa kwarto pa rin, nakaupo sa sahig at nakasandal sa gilid ng pader. Malalim ang iniisip tungkol sa mga nangyari kanina kasabay ang patuloy na pag-agos ng luha sa kanina pang namumula niyang mga mata dahil sa walang humpay na pag-iyak.

Marrying the Heir of CREM (BiCol FanFic #Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon