Chapter 29

578 13 0
                                    

"Wala ka bang balak pumasok sa trabaho mo?" Tanong ni Coleen habang may binabasa siyang planner para sa mga dapat niyang gawin ngayong araw na to.

Si Billy kasi ay nakaupo lang sa couch at para siyang isang palabas sa TV dahil kanina pa siya pinapanood nito at hindi man lang ito nagsasalita.

Mula pa kanina, tambay na si Billy sa loob ng opisina niya.

"Wala. I just wanna know how the Philippines' youngest and most successful hotelier works." Sabi ni Billy at tumayo siya para lapitan si Coleen sa table niya at umupo siya rito. Sa table mismo.

"Kung ganun, maiinip ka lang dahil puno ang schedule ko ngayong araw." Sabi ni Coleen at pinakita niya kay Billy yung To Do list niya sa cellphone niya na sakop ang buong screen sa sobrang dami ng kailangan niyang gawin.

Kinuha ni Billy yung cellphone ni Coleen at iniscroll para tignan lahat ang mga dapat niyang puntahan at gawin.

"See?" She insisted and grabbed her phone from him.

"You don't look like a busy girl." Sabi ni Billy at kinuha niya naman yung kaliwang kamay ni Coleen at in-intertwined sa mga daliri niya sa kaliwang kamay niya.

"What do I look like then?" Tumayo si Coleen sa office chair niya para makaupo sila ni Billy ng maayos sa couch at hinayaan niya lang yung kamay ni Billy na nakadikit sa kamay niya habang naglalakad sila papunta sa couch.

"You look like a happy-go-lucky teenage girl." He said in a sweet tone with a sparkles in his eyes and he kissed her knuckles.

"Seriously?" Nagtatakang tanong ni Coleen at sinubukan niyang tanggalin yung kamay niya sa pagkakahawak ni Billy pero mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakalock ng mga kamay nila. Na para bang ayaw na siyang pakawalan nito.

"Oo. Hindi ka mukhang 22. Para ka lang 17 eh." Sabi pa ni Billy habang pinaglalaruan niya yung mga daliri ni Coleen sa kamay na nakapatong ngayon sa lap niya.

"I look like 17? So child abuse pala ang ginagawa mo sakin ngayon?" She teased.

"Grabe naman 'to." Binitawan bigla ni Billy yung kamay niya at inalis niya na rin yung kanan niyang braso na nakaakbay kay Coleen at bigla siyang tumahimik.

Kumunot naman ang noo ni Coleen sa biglang pananahimik ni Billy at halata kasi sa mukha niya na parang nainis siya bigla.

"Uy?" Hinawakan ni Coleen yung legs ni Billy para pansinin siya nito dahil hindi na talaga siya nakatingin sa kanya.

"Anyare sayo?" Tanong ulit ni Coleen.

"Nothing." Cold na pagkasabi ni Billy at sa carpet pa rin siya nakatingin. Hindi siya tinitignan ni Billy na lalo naman nagpaintriga kay Coleen.

Kahit na sinabi ni Billy na wala lang yun, pakiramdam niya talaga meron eh. Inisip niyang mabuti kung ano ba yung mga nasabi at nagawa niya para magbago bigla yung mood ni Billy sa kanya.

Pero kahit anong gawing pag-iisip niya, wala talaga siyang nakuhang sagot dahil para sa kanya ay wala namang mali sa mga nasabi niya.

Kaya anong problema ni Billy? Hindi kaya meron siya?

Charot!

Kung babae si Billy ay yun din ang maiisip ni Coleen. Pero hindi eh.

"Billy ano nga yun?!" Mejo pagalit na tanong na ni Coleen sa kanya. Hindi niya kasi maintindihan kung bakit parang nainis na lang bigla si Billy.

Hinantay ni Coleen yung sagot ni Billy pero hindi pa rin ito kumikibo.

Nanahimik na lang din si Coleen dahil ayaw talagang magsalita ni Billy. Kahit na blank space pa rin yung utak niya kung anong nangyari kay Billy at kung bakit parang galit na ito sa kanya.

Marrying the Heir of CREM (BiCol FanFic #Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon