Chapter 28

645 17 1
                                    

Pumasok na si Coleen sa loob ng kwarto niya para tignan kung tapos na ba si Billy maligo at nakita niya ito na kakalabas lang din sa banyo at pinapagpag pa yung basa niyang buhok.

So sexy!!!!

Napakagat na lang si Coleen sa lower lip niya ng makita niya yung bare torso ni Billy na may mga water droplets pa dahil hindi niya napunasan ng maayos ang basa at bagong ligo niyang katawan.

At, the way niya pagpapagan yung basa niyang buhok gamit ang kamay niya, sobrang sexy talaga.  Pakiramdam niya tuloy ay parang ang bagal yata ng oras dahil bawat movements niya ay parang nag-islow motion kay Coleen.

No wonder kung bakit ang daming babaeng nagkakandarapa sa kanya.

Nahinto naman si Billy sa ginagawa niya ng mapansin niya na nakatulala lang sa kanya si Coleen.

Kahit linapitan niya na ito ay nakatulala pa rin ito sa kanya kaya yumuko siya at hinalikan ito.

Tsaka lang nagbalik yung lumilipad na utak nung maramdaman niya yung lips ni Billy sa kanya.

"I know that I'm sexy and you don't have to show me how much you appreciate it." Pagmamayabang pa ni Billy habang nakapatong pa rin ang ulo nito sa forehead ni Coleen.

"Ang kapal mo!" Pagpoprotesta naman ni Coleen pagkatapos niyang hampasin yung braso ni Billy.

"May naalala lang ako." Dugtong pa niya at tinalikuran niya si Billy dahil ayaw niyang makita yung katawan nito. Distracted talaga siya sa abdominal muscles ni Billy na lagi na lang nakadisplay sa harapan niya.

"At sino naman yun?" Tanong naman ni Billy at may tono na ng pagseselos sa pananalita niya.

At padabog siyang umupo sa bed ni Coleen. Naiinis siya dahil sa thought na sino pa ba ang nakita niya na may mas magandang katawan kesa sakin?

Nagseselos na naman siya dahil sa tingin niya ay nagagawang mag-isip ni Coleen ng ibang lalaki kahit na siya yung kasama at kaharap niya ngayon.

In short, naprapraning na siya.

Nagkunwari lang naman talaga si Coleen na may naalala siya eh para lang hindi lumaki masiyado yung ulo ni Billy dahil nagdedaydream na naman ito sa kanya.

Na sa tuwing makikita niya yung mga muscles niya sa katawan ay nagpaparamdam na naman sa kanya yung hindi niya maipaliwanag na pagka-attract niya dito na ilang beses niya ng pinigilan dahil pakiramdam niya hindi iyon tama.

"Nothing. By the way, wear this one." Lumapit sa kanya si Coleen at ibinigay yung paper bag na hawak niya.

"Alam ko na wala kang ibang damit na dala bukod sa suot mo kagabi kaya inutusan ko yung isang bodyguard ko para bumili niyan." Dugtong pa niya habang linilabas ni Billy sa paper bag yung mga damit na nasa loob nun.

"Go to my closet and dun ka magbihis." Sabi ni Coleen pero nakatingin lang si Billy sa kanya at hindi ito kumikilos. Basta nakatunga-nga lang talaga siya.

"I can't stand." Sabi ni Billy na nakapagpakunot naman ng noo ni Coleen.

"At bakit naman?" She asked and she crossed her arms then she gave him a glare.

"I don't know. I just can't." He retorted and he shrugged off his shoulder.

Kaya niya naman talagang tumayo papunta sa closet ni Coleen. Nagpapansin lang naman siya. Or should I say, naglalambing siya dahil hindi pa rin maalis sa isip niya kung ano ba talaga yung naalala ni Coleen kanina habang nakatingin siya sa kanya.

Marrying the Heir of CREM (BiCol FanFic #Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon