[ Aww! Super cute naman ng batang 'to :* Akin ka na lang please?
#Cropped
Credits to: @elle_four_mom]Nagdaan ang ikaapat na araw na pagtuloy nila Coleen sa bahay nila Billy at hanggang ngayon ay malamig parin ang pagtrato ni Coleen sa kaniya.
Hindi siya nito pinapansin kapag nanjan siya or kapag nagha-hi o hello siya rito ay parang balewala lang dito. Kapag nagkakasalubong sila sa pasilyo ay hindi man lang nito pinapansin ang presence niya. Tila isang hangin ang pagtrato sa kaniya nito na kahit alam naman nitong nasa paligid siya ay umaarte ito na parang di siya nakikita. At kapag kakausapin niya ito, kung hindi pagtango ay kibit balikat lang ang tinutugon sa kaniya.
Ang lamig niya. Ang lamig-lamig ni Coleen sa kaniya. Parang isang stranger ang turing sa kaniya nito na hindi nito kakausapin kasi hindi naman siya nito kilala. Pero hindi naman siya isang stranger diba? Kung umasta kasi ito ay parang diring-diri ito sa kaniya.
Ganun pa man ay sarili niya na lang ang kinocontrol niya. Pinapahaba niya ang maikli niyang pasensya para lang hindi sila magkasagutan o magkairingan dahil mas lalong lalala ang sitwasyon. Kahit na alam niyang may cold war nang nagaganap sa pagitan nilang dalawa ay siya parin yung nagpapaka-mature. Hangga't kaya niyang magtiis ay gagawin niya, huwag lang ito mawala ulit sa kaniya.
Maagang umalis si Coleen para gampanan ang obligasyon niya sa kompanya nila. Hindi naman ito masiyadong nag-aalala pa kay Dani dahil si Andrea naman ang naiwan para alagaan ito. Kampante siyang hindi pababayaan ni Andrea ang anak niya sapagkat unang-una ay apo nito si Dani at alam niyang maalaga rin itong ina tulad niya. Mas may tiwala pa siya rito kung tutuusin kaysa sa ibang tao.
Samantala, si Billy naman ay mas piniling mag-stay pa muna sa bahay nila dahil mas gusto pa talaga niyang ubusin ang oras niya na kasama ang anak niya. Ang trabaho nanjan lang pero ang oras na maaari niyang makasama si Dani ay linulubos-lubos niya pa.
Ipinunta niya ito sa garden nila at ilinakad-lakad ang mga maliliit nitong mga paa at binti sa buong paligid. Nakahawak ang dalawang kamay niya sa mga braso nito at nakaalalay naman siya likurang bahagi ng bata habang humahakbang ito paunahan. Si Andrea at Jack naman ay nanonood lang sa kanilang dalawa at nakaupo sa gilid habang iniinom ang kanilang mga tsaa.
Pagkatapos ng ilang minuto niyang pakikipaglaro sa anak niya ay nagsidatingan naman ang mga kaibigan niya ng hindi niya inaasahan.
"Ito na ba si Dani?" Tanong ni Vice paglapit niya sa bata at kinarga ito.
"Grabe ang ganda niya! Carbon copy talaga siya ni Coleen." Papuri niya pa rito at linaro-laro ang mga braso nito. Maya maya pa ay lumapit na rin si Vhong sa dalawa at nakipaglaro na rin sa bata.
Tumawa lang si Billy sa naging reaction ng mga kaibigan niya at umupo sa tabi habang may hawak na baso ng juice.
"Syempre. Ang ganda ng genes namin diba?"
"Maganda ang genes ni Coleen. Yun, yun. Kaya nga niya kamukha 'to eh." Pagtama naman agad ni Vice sa hirit ng kaibigan niya at tinawanan pa ito ni Vhong.
"Oh nasan na nga pala yun? At kumusta naman.....Nabawi mo na ba?" Seryosong tanong naman bigla ni Vhong sa kaniya.
Umiling-iling lang si Billy at binaba na ang hawak niyang baso sa counter na katabi niya.
"Hindi pa. Iniiwasan nga 'ko eh." Malungkot na wika pa nito.
"Tsk! Tsk!" Si Vice.
"Ang hina mo talaga brad!" Ani Vhong at binigay niya na naman kay Billy ang mapang-asar niyang malakas na pagtawa.

BINABASA MO ANG
Marrying the Heir of CREM (BiCol FanFic #Wattys2016)
RomansaKASAL. Ang estado ng relasyon kung saan dapat kilala niyo na ang isa't isa, tanggap ang isa't isa, at mahal na mahal ang isa't isa. Pero hindi sa dalawang ito. Ayaw ni Coleen kay Billy dahil sa nasaksihan at nalaman niya tungkol dito. At ganoon din...