Pagkababa ni Coleen sa kitchen, naghahanda na ng pagkain ang mother-in-law niya kaya tinulungan niya ito.
"Good morning po." Sabi niya rito habang linalagay niya ang mga baso ng juice sa mesa sa dining area.
"Good morning din." Sagot ni Andrea sa kanya.
"Bakit po dalawa lang yung plates na nasa table?" Tanong ni Coleen pagkakita niya sa mga plato na pagkakainan nila.
"Tayo lang kasi ang kakain ngayong umaga. Maagang umalis si Jack dahil may aasikasuhin daw siya at si Billy naman, hindi ko pa siya nakikita mula kanina." Sabi ni Andrea at umupo na silang dalawa para kumain ng breakfast.
"Nag-away ba kayo kagabi?" Mahinahong tanong sa kanya ni Andrea dahil narinig niya kagabi na sumisigaw si Billy pero hindi niya nalang ito pinansin dahil baka away mag-asawa lang ito.
"Misunderstanding lang po." Sabi nalang ni Coleen.
"Ganyan talaga ang buhay may asawa. Madalas kayong hindi magkakaunawaan pero pasensya lang talaga ang kailangan." Sabi sa kanya ni Andrea at hinawakan nito ang kamay niya. Ngumiti nalang si Coleen sa kanya at sinubukang intindihin ang sinasabi ni Andrea.
"Do you like chicken?" Tanong bigla ni Andrea kahit na wala namang chicken sa dining table nila.
"A lot." Sagot ni Coleen.
"Well, si Billy takot siya sa chicken." Sabi ni Andrea na ikinagulat naman ni Coleen. Kaya pala hindi pa siya nakakakita or nakakatikim ng chiken dish sa bahay na 'to simula nung tumira siya rito.
"Bakit naman po?" Parang natatawang tanong ni Coleen kay Andrea at naeexcite siyang malaman kung bakit ang isang Billy Crawford na habulin ng mga chicks ay takot pala sa isang chicken.
"Noong bata pa kasi siya, siguro 8 or 9 years old siya nun, may nakita siyang manok sa farm namin dati. Out of curiosity, linapitan niya yung mother hen at hinawakan niyq yung maliit na palong ng manok kaya pinagtututuka yung kamay niya." Habang sinasabi ni Andrea yan, naiimagine niya ang itsura ni Billy na tinutuka ng isang manok at napangiti siya bigla sa nabuong larawan sa isip niya.
"Sa sobrang takot niya nung mga panahong iyon, natumba siya at pinagkaka-kalmot pa siya nito sa mukha kaya nagkaroon siya ng maraming sugat sa mukha noon. Buti na nga lang hindi naging scars yung mga sugat na yun eh kaya hindi halata sa mukha niya." Napalitan ng awa yung ngiti mga ngiti sa labi ni Coleen kanina dahil sa narinig niya. Hindi niya inakala na may ganun pa lang klaseng experience si Billy sa isang simpleng manok. Samantalang si Andrea naman ay tawa ng tawa habang nagkukwento.
Minsan nawi-weirduhan na rin si Coleen kay Andrea eh.
Pagkatapos nila mag-umagahan ay dumiretso sila sa living room para tignan yung mga lumang albums kung saan nakalagay ang mga childhood memories ni Billy.
"Yan yung time na ayaw pang pumasok ni Billy sa school kahit na first day at first time niyang mag-aaral as kindergarten." Tinuro ni Andrea yung picture ni Billy na nakasimangot at nakasuot pa ng school uniform. Siya lang yung batang narinig niya na hindi excited para sa first day of class.
BINABASA MO ANG
Marrying the Heir of CREM (BiCol FanFic #Wattys2016)
RomanceKASAL. Ang estado ng relasyon kung saan dapat kilala niyo na ang isa't isa, tanggap ang isa't isa, at mahal na mahal ang isa't isa. Pero hindi sa dalawang ito. Ayaw ni Coleen kay Billy dahil sa nasaksihan at nalaman niya tungkol dito. At ganoon din...