Naupo ang dalawa sa napakahabang sofa sa unit ni Billy at doon ikwenento ang buong pangyayari nung araw na umalis si Coleen pati na ang iba pang mga naganap nung hinahanap niya pa ito.
They both felt guilty actually. Dahil sa pagiging paranoid at katangahan nila ay nawalay sila sa isa't isa. Parehas silang nawalan ng tiwala, parehas silang naging mahina kaya nangyari ang mga nangyari. Pero napag-usapan nila na hindi na dapat na mangyari pa ulit ang mga iyon.
"Oh ano'ng nakakatawa?" Nakangiting tanong ni Billy kay Coleen dahil napansin niyang bigla itong ngumiti habang nakasandal sa kaniya.
"Natatawa lang ako sa sarili ko kasi kahapon lang naiinis pa 'ko sa'yo tapos ngayon, okay na agad tayo." Sagot naman nito.
Ngumiti si Billy at hinalikan ang kamay ni Coleen na kanina niya pa hawak-hawak.
"Ganun talaga. Alam ko namang hindi mo ako matitiis eh."
"Kapal nito!" Sabay hampas ni Coleen sa braso ni Billy. Nagtawanan silang dalawa at maya maya ay nanahimik na naman at nagkatinginan na lang ulit.
"Huwag mo na akong iiwan ulit ah? Huwag ka na ulit aalis, dito ka lang." Seryosong wika naman bigla ni Billy na nakapagpalambot naman kay Coleen.
"Basta huwag mo na 'kong sasaktan ulit." Sabi naman nito.
"I promised." Yinakap siya ni Billy at hinalikan ng matagal ang kaniyang noo at yinakap na naman ng mas matagal pa.
Pagkatapos ay muling humimlay si Coleen sa balikat nito at nagmasid sa paligid na kaya niyang matanaw. Napansin niya na ang dami na palang nagbago sa unit na ito dahil ang dami na nang napalitang mga displays at furniture. Pati nga itong couch na inuupuan nila ay iba na rin eh, lahat na nagbago pero hindi ang magandang ambiance na naramdaman niya rito noong una palang. Andito parin yung magaang pakiramdam niya sa lugar na ito dahil sa magagandang mga memories na ginawa nila ni Billy dito.
"Wanna go home?" Tanong ni Billy sa kaniya pagkatapos niyang humikab. Marahil ay sa tingin nito pagod na siya.
"I am home." Maikling sagot naman ni Coleen at siya naman ang yumakap sa katawan ni Billy na ikinangiti naman nito dahil ito yung tagpong pinakahihintay niya nung panahong tila nawawalan na siya ng pag-asang makita pa itong muli. Pakiramdam niya ay may bahagi ng katawan niya na nawala nung umalis ito pero isang yakap lang mula kay Coleen ay napunan agad ang nawala sa kaniya. Pakiramdam niya buo na siya ulit.
Biglang nakiliti si Billy nung gumapang na yung kamay ni Coleen sa hita niya at parang may kinakapa ito na kung ano.
"Give me back my phone." Sabi pa nito habang patuloy sa pagkapa kung nasaang bahagi ng pantalon ni Billy ang phone niya.
Ipinasok naman agad ni Billy ang kamay niya sa kaniyang kanang bulsa at inilabas at ibinigay na kay Coleen ang hinihingi nito. Pagkaabot niya ay agad na nag-scroll ito at itinapat ang speaker sa tainga nito.
Pinanood lang ni Billy ang ginagawa ni Coleen.
"Good evening Mom..............Oh yea, did I disturb you?........Um would you mind if you check Dani for me? Ah she's already sleeping........Okay, thanks Mom."
Ibaba na sana ni Coleen ang phone nung bigla itong hablutin ni Billy mula sa kaniya.
"Hello Ma? Opo, si Billy 'to. Ma paki tignan-tignan po muna si Dani huh? Di po kasi kami makakauwi ni Coleen ngayong gabi eh."
Hindi inaasahan ni Coleen yung sinabi ni Billy kaya naman nahampas niya ang braso nito pero nginitian lang siya nito at nag-focus na ulit sa pagkikipag-usap kay Andrea.
"Opo. Thanks Ma. Goodnight." Si Billy na ang nag end ibinigay na muli ang phone kay Coleen at tinignan siya ng masama nito pero siya ay nagkibit balikat-lang.

BINABASA MO ANG
Marrying the Heir of CREM (BiCol FanFic #Wattys2016)
RomanceKASAL. Ang estado ng relasyon kung saan dapat kilala niyo na ang isa't isa, tanggap ang isa't isa, at mahal na mahal ang isa't isa. Pero hindi sa dalawang ito. Ayaw ni Coleen kay Billy dahil sa nasaksihan at nalaman niya tungkol dito. At ganoon din...