Chapter 65

379 13 4
                                    

Nakaupo si Billy sa swivel chair niya at nakapatong ang ulo niya sa mga palad niya. Nag-iisip siya dahil hindi mawala sa utak niya yung nangyari nung isang gabi.

Hanggang ngayon ay naguguluhan parin si Billy sa kung ano ba talaga ang problema ni Coleen sa kaniya. Hint ba yun na ayaw talaga nito sa set up nila ngayon? Eh siya rin naman eh. Ayaw niya rin sa kalagayan nila na walang pansinan at walang pakialamanan. It kills him actually. The way na umiwas ito sa kaniya, the way na ireject siya nito, masakit!

Masakit at mahirap kasi hindi niya na alam ang gagawin pa. Kanina niya pa pinipiga ang utak niya sa kakaisip kung ano ba talaga ang nagawa niya para magkaganito sila ng asawa niya. ANO? He loved her but she turned him down. He chased after her but she escaped and walked away. And now, he's trying to work his ass off just to get back that girl but the hell! Makipot pa siya sa makipot!

Ewan niya. Siya na lang yata yung umaasa na maayos pa 'to eh. Kasi obvious naman na ayaw talaga sa kaniya ni Coleen. Nung una pa lang. Kaya nga ito nag-file ng annulment sa kasal nila diba?

He smirked. Natatawa na lang siya sa sarili niya dahil pinaninindigan niya talaga yung pagiging TANGA niya. Yun siya eh. Isang malaking TANGA. Ayaw na nga sa kaniya ng babae pero pinipilit niya paring habulin. Well not that totally fool kasi may anak sila. Kasama si Dani sa factors kung bakit gusto niyang bawiin si Coleen. Dahil gusto niyang lumaki ito ng may kinikilalang pamilya, at yung surname dude! Hindi Crawford ang ginagamit ng anak niya kundi Garcia. Kainis diba? Pati ba naman yun ay pinagkait pa sa kaniya.

Okay, enough with the drama.

Tumayo siya at inayos ang mga gamit na madalas niyang dinadala pag-uwi. Particularly his briefcase. Bigla nalang lumuwa sa inaayos niyang mga files yung brown notebook ni Coleen. Dinampot niya ito at tsaka niya lang naalala na pasimple niya nga pala itong kinuha at dinala palabas sa kwarto ni Coleen nung pumasok siya doon. Hindi niya rin alam kung bakit niya yun ginawa eh. Basta nangati lang talaga yung kamay niya at naisipan niyang nakawin ito.

Lumabas siya ng opisina niya, dala-dala ang briefcase at hawak yung notebook sa kanang kamay niya. Gusto niya sanang basahin ito habang bumabyahe siya pauwi kaso kailangan niyang magdrive. Sakto naman na napadaan sa harap niya ang sekretarya niya.

"Mr. Cruz." Pagtawag niya rito.

"Yes Sir?" Huminto ito sa paglalakad at inayos ang salamin niya.

"May gagawin ka pa ba?"

"Um...Wala naman na Sir."

"Good."

Dahil doon ay si Mr. Cruz na nga ang nagmistulang driver ni Billy pauwi sa kanila. Umupo na ito sa backseat para hindi na maistorbo ang pagbabasa niya. Nakakahiya naman sa secretary niya na biglang naging driver.

Binuksan niya yung notebook at naexcite sa ginagawa niya dahil baka planner ito ni Coleen. Pag binasa niya ito ay malalaman niya na ang mga ginagawa at gagawin nito. Matetrace niya rin kung saan ito madalas na nagpupunta.

Hmmmm......Pakialamero na, chismoso pa XD

"I'm not a fan of Diary but I think I need one. I need something to ease my painful thoughts. Something that I can rely on about my bad and worst days."

Nahinto siya doon sa unang paragraph na nabasa niya. Diary pala ang isang 'to. Nagdadalawang isip na tuloy siya kung babasahin niya pa ba ng tuluyan ito dahil personal property 'to eh. But the fact na diary nga itong binabasa niya ay ibig sabihin, pwede na siyang magkaroon ng ideya sa nangyari rito nung umalis ito.

Andito na 'to. Itutuloy niya na lang, nasimulan niya na eh. At ito rin kasi talaga ang gusto niyang malaman nung una palang.

"Am I alright? Definitely not. I married him because of my Dad's will. I sacrificed my own happiness just to make my father's. If that was the only thing that I could do to be free from his hands and ruthless dictations, then I will. So I did."

Marrying the Heir of CREM (BiCol FanFic #Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon