Chapter 56

297 17 10
                                    

Nakipagkita agad si Billy sa sekretarya niya pagkaraan lang ng ilang oras para masabi rito ng maayos ang mga gusto niyang mangyari. Kailangan pulido ang lahat at walang kung ano mang pagpalya ang magaganap mamayang gabi.

Binisita niya rin yung rooftop ng building nila na kasalukuyang inihahanda at linalagyan ng mga magagandang dekorasyon sa paligid nito ng mga taong in-assign ni Mr. Cruz para rito.

Maayos naman ang plano. Susunduin niya si Coleen sa company building nila at pupunta naman dito sa rooftop na nakasakay sa chopper. At mula sa himpapawid ay makikita nito ang nagliliwanag na kandila na inayos para magmukhang malaking nakasulat na Will You Marry Me? sa sahig.

Bababa sila sa chopper at tsaka siya luluhod para ilabas ang pinakamagandang singsing na nakita at nabili niya at hingin naman ang kamay nito. Tapos, gamit pa rin ang chopper ay pupunta naman sila sa isa sa mga yacht niya na nakaabang lang sa kanila and boom! Steamy lovemaking na naman ulit! At sisiguraduhin niyang di na makakatanggi pa sa kaniya si Coleen.

Sa naiisip niya palang ay hindi na siya makapag-hintay sa mga mangyayari. Pakakasalan niya ulit ito and this time, may pagmamahal ng kasama. Hindi na yung kagaya ng dati na nagpakasal lang sila dahil sa gusto ng mga magulang nila. Ngayon totoo na talaga.

Sumulyap pa siya sa relong suot niya at may natitira pa naman siyang oras para magpalit at ayusin ang sarili kaya umuwi muna siya.

Patapos na siyang magbihis nung napadaan siya sa living area ng penthouse niya at napansin ang ilang papel na nakapatong sa coffee table. Kinabahan siya bigla dahil pamilyar sa kaniya yung itsura ng mga papel at dinampot niya nga ito.

May nahulog naman na parang katunog ng isang barya sa sahig at mas inuna niya itong kuhanin kesa basahin ang papel na hawak niya na ngayon. Nanginig siya bigla sa kinatatayuan niya nung malaman na yung tila barya na nahulog ay yung singsing pala na binigay niya kay Coleen nung nasa Palau pa sila.

"Bakit 'to nandito?" Nagtatakang tanong niya at tsaka lang siya naalala ang papel na hawak niya. Nabatid niyang Annulment Papers pala ang mga ito na may pangalan at kumpletong pirma na ito ni Coleen. Yung pakiramdam nung una niya itong nakita ay nagbalik muli at bumalot sa buong sistema niya.

"No! This can't be real!"

Binitawan niya yung papeles at pumunta sa kwarto niya. Tinignan niya yung closet niya at wala na yung ibang mga damit ni Coleen dito. Tumakbo siya palabas habang natatarantang kinukuha ang phone pati na ang susi ng kotse niya.

Ilang beses niyang tinawagan ang number nito ngunit hindi niya na ito ma-contact. Ginawa niya ulit ang pag-dial pero nabigo siya, wala talaga.

"No Coleen. No!" Galit na pagbulyaw niya at pinaandar niya pa ng mas mabilis ang kotse niya hanggang sa narating niya na ang condo nito.

Pagkababa niya ay tumakbo na siya papunta sa elevator at atat na atat na naghintay sa pagbukas nito. Dumiretso agad siya sa unit nito at di na nag-doorbell pa dahil alam naman niya talaga yung code eh.

"Coleen?" Pagtawag niya sa asawa niya at hinanap ito sa buong sala. Wala siya.

"Baby?" Pagtawag niya ulit dito at yung kwarto naman nito ang pinasukan niya, sa CR, at wala pa rin siya.

Yung malakas na pintig ng puso niya ay mas lalong tumindi nung hindi niya ito nakita sa kahit saang sulok ng unit nito. 

Sinuklay niya yung buhok niya gamit ang mga daliri niya't tumingin muli sa paligid. Wala siya rito! Wala rito ang asawa niya!

Bumalik siya sa kotse niya at tumawag sa line ng bahay nila sa McConnor para itanong sa mga maids kung naroon lang ito pero laking gulat niya nung sinabi ng kausap niya na hindi pa raw umuuwi si Coleen doon, ilang araw na ang nakalipas.

Tila tumigil bigla ang pag-inog ng mundo niya sa mga sinabi ng kasam-bahay nila. Saglit siyang natulala.....Saan? Saan niya naman ito hahanapin?

Pinaharurot niyang muli ang sasakyan niya't sa CdG naman nagtungo. Nagmadali siyang pumunta sa opisina nito at doon ito hinagilap.

"Coleen? Baby?" Tumuloy siya sa loob at tinawag ulit ito subalit katahimikan lang ang sumagot sa kaniya.

Sinundan naman siya ng secretary nito.

"Um.....Sir..."

Napalingon siya rito.

"Hindi po pumasok si Ms. Coleen ngayong araw." Sabi nito na ikinabagsak na ng mundo niya ng tuluyan.

Nasaan na siya? Saan siya nagpunta? Tinuloy niya na ba yung balak niyang pag-iwan sa kaniya?

Napaupo na lang si Billy sa couch at ipinatong ang kaniyang ulo dalawang kamay niya. Nanlumo siya sa mga nangyayari, hindi niya inaasahan na gagawin pa rin pala talaga ni Coleen yung plano niya. Yung plano niya na iwan siya!

Bakit naman ngayon pa? Bakit kung kailan handa na akong tanggapin at kalimutan yung mga ginawa niya para makapagsimula kami ulit? Bakit niya 'ko iniwan?

Sa sobrang galit ay piniga niya ang mga kamao niya hanggang sa sumakit na ang mga ito at pagkatapos ay pagalit na lumabas sa opisina ni Coleen.

Sinundan naman siya ng mga malisyosong tingin ng mga empleyado na nadaanan ni Billy. Lahat sila ay walang alam sa mga nangyayari sa dalawa at doon ay nagsimula na ang maraming mga bulong-bulungan.

Masama ang loob na umuwi si Billy. Pinagtatapon niya ang lahat ng mga gamit na nakita niya sa paligid niya at tsaka nagsisi-sigaw para ilabas lahat ng galit at inis niya. Sa tuwing naaalala niya ang mga pinangako nito sa kaniya ay mas lalo siyang nag-iinit at mas lalo niya ring nasira ang mga bagay na nasa tabi lang niya. Buong gabi niyang sinira ang mga bagay na nahahagip ng mata niya kasabay ang pagkasira sa maganda niyang plano para sa kanilang dalawa na basta na lang nabaliwala dahil sa pag-alis ni Coleen sa buhay niya, hanggang ang katawan niya ay tila nanghina na.

Nung napagod siya sa ginawa niyang pagwawala ay naupo siya sa sahig at doon na nagsimulang lumabas ulit ang mga halo-halong emosyon niya sa pamamagitan ng pagtangis na naman. Ang sabi niya sa sarili niya kani-kanina lang ay hindi na siya muli pang iiyak dahil inakala niya na magiging masaya na talaga siya sa piling ng babaing pinakama-mahal niya pero hindi. Ganito pa rin ang katapusan. Naiwan siyang mag-isa.

"Why Coleen? Why? You said that you love me. I thought that you love me?" Tanong niya sa ere habang hinahampas-hampas ng sarili niyang kamay ang sahig.

Nagdugo ito at sumakit subalit mas nangingibabaw yung sakit ng pag-iwan sa kaniya ni Coleen ngayon kesa sa physical pain na nararamdaman niya.

Tinatanong niya rin ang sarili niya kung bakit ba sa tuwing magseseryoso siya ay lagi rin naman siyang iniiwanan? Ano bang nagawa niya para iwanan siya ng mga taong minahal niya?

Konting space at oras lang naman ang hiningi niya rito para mag-isip pero ano'ng ginawa niya? Umalis siya. Linayasan siya nito ng ganun-ganon na lang!

Marrying the Heir of CREM (BiCol FanFic #Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon