Kasalukuyang nasa loob si Billy ng isang coffeeshop na katabi lang ng hotel kung saan siya nag-i-stay. Hindi siya sa sarili nilang hotel tumuloy dahil mas gusto niyang obserbahan kung anong klaseng pamamalakad ang ginagawa ng kalaban nila sa industriya. Competitive at madiskarte kasi siya masiyado pagdating sa trabaho kaya pati sa ganitong bagay ay wala siyang sinasayang na opportunity.
Kahit na coffee break niya ay hindi na rin siya nagsayang pa ng oras. Marami pa kasi siyang kailangang gawin sa buong maghapon or maybe magdamag kaya hanggang dito sa shop ay pinag-aaralan niya pa rin yung proposal na ipe-present niya para sa meeting na pupuntahan niya maya-maya lang.
Sa Pilipanas siya ang nag-a-approve ng mga proposal pero dito sa States hindi. Siya ang kailangang gumawa nito para makahikayat ng mga investor sa kumpaniya nila. Di na niya nga halos maenjoy yung kape niya dahil sa ginagawa niya eh.
Research dito, edit doon. Haaay! Pakiramdam niya first time niya ulit magpe-present dahil sa sobrang kaba. Well hindi naman totally pagka-kaba ang nadarama niya ngayon kasi nga sanay na siya. Pero yung feeling na lahat ng mga sikat na tycoons, hoteliers, at entrepreneurs ay magsasama-sama sa iisang lugar para lang sa napakalaking convention na gaganapin mamaya, parang nakakatense na nakakaexcite. Halo-halo na yung nararamdaman niya. Acting CEO palang siya ay ganito na ang pakiramdam niya, how much more kapag siya na talaga ang maging Chief Executive Officer ng company nila?
Pinindot niya na ang Save at sinara na ang laptop na kanina niya pa kaharap. Hinilot sandali ang kaniyang noo't ininom na ulit ang mainit niyang kape.
"Konti na lang." Sabi niya sa sarili niya. Konti na lang kasi talaga at makakauwi na rin siya sa wakas. Kailangan niya lang makakuha ng deal at pagkatapos noon ay babalik na din siya agad sa Pilipinas kung saan naghihintay si Coleen.
Napa-buntong hininga na lang siya nang maalala niya ito. Ang daming gumugulo sa utak niya about sa kaniya pero pinipilit niya pa rin na burahin kung ano man ang nasa isip niya. Hindi. Hindi totoo 'yon. Hindi iyon magagawa sa kaniya ng asawa niya.
Inalog niya ng pakaliwa't kanan yung ulo niya para burahin ang mga hindi magagandang bagay na naiisip niya tungkol kay Coleen. At isa pa hindi makakatulong kung may mga negative thoughts siya habang nagsasalita sa harap ng napakaraming tao. Mahirap na.
Inayos niya ang upo niya at gumawa ng isa pang paghigop sa iniinom niya. Makaraan ang ilang segundo ay may umupo sa kabilang upuan na katapat ng sa kaniya.
"Hi! Long time no see ah?" Nakangiting sabi nito sa kaniya, siya naman ay sinusubukang alalahanin kung sino itong babaing 'to na bigla na lang nakiupo sa place niya.
"Ummm......Miss, do I know you?" Magalang niyang tanong dito dahil hindi niya talaga ito matandaan. Hindi naman kasi uso sa kaniya ang magtanda ng itsura ng mga babae eh, kaya di niya talaga ito makilala.
"Oh." Tanging nasambit na lang nito pero hindi pa rin nawala ang malaking ngiti nito at bagkus ay inilahad pa ang kamay kay Billy.
"I'm Nikka, Nikka Salcedo. Don't you remember me?" Tanong nito.
Tsaka lang narealize ni Billy na ang babaing kaharap niya ay yung dating kasintahan niya nga pala. Kaya pala parang pamilyar ang mukha nito na hindi niya maintindihan. Tila nag-iba na kasi ang mukha niya, mas nagmature at mas pumayat pa ito. Iba sa Nikka na huli niyang nakita seven years ago.
"Oh hi! I'm sorry hindi kita nakilala agad." Inabot naman agad ni Billy ang kamay niya dito para maiwasan itong mapahiya sa kaniya. Ginantihan niya rin ito sa pagngiti.
"So, kumusta?" Panimulang tanong niya rito.
"Ok naman. Ikaw?"
Ngumiti ulit si Billy at inalala yung mga bagay at taong nagpapa-kulay ng mundo niya ngayon. Lahat ng maganda, sumagi sa isip niya. Pero si Coleen lang talaga ang pinaka angat sa kanila. Kahit siya lang, solve na siya. Wala na siyang ibang mahihiling pa.

BINABASA MO ANG
Marrying the Heir of CREM (BiCol FanFic #Wattys2016)
RomantikKASAL. Ang estado ng relasyon kung saan dapat kilala niyo na ang isa't isa, tanggap ang isa't isa, at mahal na mahal ang isa't isa. Pero hindi sa dalawang ito. Ayaw ni Coleen kay Billy dahil sa nasaksihan at nalaman niya tungkol dito. At ganoon din...