Pagkatapos ng napakahabang araw para kay Coleen, nagpasya siya na umuwi na agad sa bahay nila. Dito niya gustong umuwi ngayon dahil hindi niya pa kayang pagsilbihan ang sarili niya ng mag-isa. Wala naman kasi siyang personal maid eh na pwede niyang dalhin kahit saan. At ayaw niya rin naman magkaroon nun dahil malaki na kuno siya. At kaya niya na raw ang sarili niya. Pero andito siya ngayon dahil hindi niya pa kaya ang mapag-isa.
Ah basta. Ang gulo niya.
Napagod siya sa walang sawang pakikipag-usap niya sa mga bisita nila sa kasal kanina na wala namang ibang topic kundi business, business, business. Lahat naman ng taong involved sa kasal na yun, business lang ang habol.
Kahit siya, aminin man niya o hindi, malaki talaga ang naitulong ng CREM sa company nila dahil mas lalo pa silang nakilala dahil dito.
Kaya gustong-gusto siyang ipakasal ni Jose kay Billy dahil alam na alam niya na maraming silang magagandang makukuha dito. In short, mas lalo silang yayaman. Yan lang naman talaga ang pangunahi niyang dahilan eh. Wala ng iba pa.
Money plus fame equals success.
Urg!!!!!
Fuck those things!
Pagkapasok niya sa kwarto niya, dali-dali niyang hinubad ang suot niyang heels at wala na siyang iba pang ginawa kundi ang ibagsak ang sarili sa kama. Ni hindi na siya nakapagpalit pa mg damit sa sobrang bigat ng katawan niya.
Ang hirap at pagod na nararamdaman niya ay itinulog niya nalang. Walang mangyayari kung mag-iisip lang siya ng mag-iisip at magmumukmok sa isang tabi. Kaya ipinikit niya na lang ang mga mata niya ipinahinga ang pagod niyang katawan at isipan. At isa pa, nakakasira ng beauty ang stress noh kaya kailangan niya talaga ng beauty rest para hindi siya pumangit. Lol.
Kinabukasan, nagising siya ng tanghali na. Literal.
Pagkagising niya ay nakita niya na suot-suot niya pa rin yung wedding gown niya. Bumangon agad siya para maligo at magpalit ng damit. Nagsuot lang siya ng gray short-shorts at plain T-shirt pagkatapos niyang i-blow dry yung buhok niya.
Bumaba na siya papuntang kitchen para kumain at sakto naman na naghahanda na ang ibang maids at pati na rin si Nanay Jossie ng tanghalian. At nakita niya na nakaupo si Enrique at kaharap ang mesa at kumakain na.
"Wow! Nauna ka pang kumain kesa sa may-ari ah?" Pabirong pagbungad ni Coleen kay Enrique at bineso niya agad ito.
"Good afternoon din." Nakangiting tugon naman ni Enrique sa kanya.
Umupo si Coleen at magkatapat na sila Enrique ngayon. Laging tambay si Enrique sa bahay nila kahit pa nung mga bata pa sila. Kaya sanay na sanay na si Coleen na makita siya sa bahay nila kahit pa anong oras.
"Sa kasal wala ka. Sa reception wala rin. Tapos bigla kitang makikita dito. Kumakain?" Pabirong sabi ulit ni Coleen pero may tono na ng pagtatampo yung pagkasabi niya.
Hinintay niya talaga si Enrique kahapon eh. Pero hindi siya dumating. Bagay na ikinasasama ng loob ni Coleen lalo na't bestfriend niya pa naman ito.
Tumayo si Enrique para lapitan si Coleen. Binend niya ang mga tuhod niya para makaharap niya ng mukha sa mukha si Coleen. Nakatingala siya rito at nakayuko naman si Coleen sa kaniya habang nakaupo pa rin ito sa upuan na katapat ng mesa.
"I'm sorry. May kinailangan lang talaga akong asikasuhin kahapon. " Sincere na pagkasabi ni Enrique habang hawak niya ang isang kamay ni Coleen.
Andun yung guilt sa kanya dahil alam niya na kailangan siya ni Coleen nung mga oras na yun. Pero nagpakaselfish siya dahil may mas malalim siyang dahilan.
BINABASA MO ANG
Marrying the Heir of CREM (BiCol FanFic #Wattys2016)
Roman d'amourKASAL. Ang estado ng relasyon kung saan dapat kilala niyo na ang isa't isa, tanggap ang isa't isa, at mahal na mahal ang isa't isa. Pero hindi sa dalawang ito. Ayaw ni Coleen kay Billy dahil sa nasaksihan at nalaman niya tungkol dito. At ganoon din...