Chapter 18

491 14 2
                                    

Malamig na umaga at ang sikat ng araw na tumatagos sa glass window ng kwarto nila ang gumising kay Coleen.

Nagpaikot-ikot muna siya sa kama bago siya tuluyang bumangon. At pagkatapos ay dumiretso siya na bathroom para sa mga morning rituals niya.

Lumabas siya sa bathroom para ayusin yung magulo niyang kama dahil sa paikot-ikot niyang paghiga rito.

Dumiretso siya sa terrace pagkatapos dahil nang-aakit talaga yung sikat ng araw na tumatama sa pintuang salamin nito.

Tumayo siya rito at nag-unat ng mga kamay at pumikit para langhapin ang malamig at sariwang hangin na nakakapagpagaan ng pakiramdam ng kung sino mang tatambay dito. Relax na relax niyang pinagmamasdan ang magandang tanawin na pinapanood ng mga mata niya ngayon.

Yung malawak na bakuran na dinidiligan ng mga automatic sprinklers sa paligid nito, at yung garden na punong-puno ng mga makukulay at iba't-ibang klase ng bulaklak.

Speaking of bulaklak...

Nakita niya si Andrea na busing-busy at may kung anong ginagawa sa garden. Sinubukan niyang gawing parang telescope yung mga mata niya para makita niya yung ginagawa ni Andrea. Pero ang nakikita niya lang ay may ginagalaw lang siya sa mga bulaklak.

Hindi niya talaga makita kung ano talaga ang eksaktong ginagawa ni Andrea sa mga ito. Lalo naman siyang naintriga dahil dito.

Lumabas na siya ng kwarto niya para lapitan si Andrea at tignan kung ano man ang ginagawa niya.

So, curiosity brought her there.

"Ummmm.... Good morning po." Sabi niya kay Andrea para makuha ang atensyon nito dahil nakatalikod ito ngayon sa kanya.

"Oh. Good morning din. Maayos ba ang naging tulog mo?" Sagot at tanong naman ni Andrea habang ilinalagay niya sa basket yung mga pinitas niyang bulaklak.

"Opo. Ano pong ginagawa niyo?" Tinitignan ni Coleen ang mga bulaklak na nakalagay sa basket at kinukuha mula roon para suriin isa-isa.

Manghang-mangha siya sa ganda ng mga kulay pink and yellow carnations at English daisies.

She never appreciated the beauty of flower though. Even if they have their own garden on their house.

They're just a display for her so nothing more special about it.

"Ilalagay ko lang mamaya sa table para magkaroon naman ng buhay yung kitchen natin." Sagot ni Andrea at kumuha siya ng isang tangkay ng yellow na carnation at linagay niya sa tainga ni Coleen.

"Beautiful." Nakangiting sabi sa kanya ni Andrea.

"Thanks." Ngumiti din si Coleen sa kanya kahit na hindi siya komportable na mayroon siyang bulaklak sa tainga niya. Hindi niya lang talaga feel na may ganun. Hindi kasi siya masiyadong pa-girl.

"Bakit po kayo pa ang gumagawa nito? Diba may mga maids naman?" Biglaang tanong naman ni Colren habang nakapatong ang baba niya sa mga kamay niyang nakalagay sa lamesa at pinapanood si Andreang mag-ayos ng mga bulaklak. Habang ang ibang mga maids naman ay naghahanda na para sa breakfast.

Tumayo si Coleen at tinulungan niya na mag set ng mga plato ang mga maids habang hinahantay niyang matapos si Andrea sa ginagawa niya.

"Minsan kasi mas maganda na tayo na mismo ang kikilos para mareach ang sarili nating mga expectations." Sabi ni Andrea kay Coleen at tumulong na rin siya sa pag-aayos ng mesa.

Narealize ni Coleen na tama si Andrea. Na kung gusto mong maging maganda ang kalalabasan ng mga pinaplano mo, kailangan ikaw mismo ang kumilos para matupad ito. Kung kayang-kaya mo naman gawin bakit hindi ikaw mismo ang gumawa noon?

Marrying the Heir of CREM (BiCol FanFic #Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon