Nagpunta agad si Billy sa rest house na tinutuluyan ng mga magulang niya sa ngayon para kumustahin ang mga ito lalo na ang lagay ng Dad niya at para na rin itanong kung bakit siya binanggit ni Nikka sa naging pag-uusap nila kanina. Hindi niya na pwedeng ipagpabukas pa ito kahit na gabi na dahil hindi siya pinapatahimik ng konsensya niya.
Malapit lang ito sa McConor Valley kaya nakarating naman agad siya dito. Pagpasok niya sa gate ay isang malamig na hangin agad ang sumalubong sa kaniya dahilan para yung kaba niya ay mas lalo pang tumindi kesa kanina. Hindi niya nga alam mismo sa sarili niya kung bakit ganito ang nararamdaman niya eh.
Pagkatapak niya sa loob ng napakalaking bahay na nadidingdingan lang ng mga salamin ay nadatnan niya ang Nanay niya na nakaupo sa sofa at nagbabasa ng magazine habang may iniinom na kung ano mula sa tasa nito. Napansin ni Andrea ang presensya niya kaya tumayo agad ito para salubungin si Billy.
"Oh you're here!" Masayang bati sa kaniya nito at hinalikan siya ni Andrea sa pisnge.
Tumingin-tingin naman ang Mom ni Billy sa likod nito na animo'y may hinahanap na kung sino.
"Where's Coleen? Where's your wife?" Tanong nito at humarap na ito sa kaniya para pakinggan ang sagot niya.
"S-she can't, she's.........tired from her work and...........yea, she's probably taking her rest right now." Pagsisinungaling naman ni Billy kahit na hindi niya naman talaga alam ang ginagawa ng asawa niya sa mga oras na ito dahil di niya pa ito nakikita magmula pa kaninang umaga. Ayaw niya rin ipaalam pa sa mga magulang niya lalo na sa Mom niya ang nangyayari sa kanilang dalawa ngayon dahil ayaw niya nang makialam pa ang mga ito sa problema nila. Gusto niya hangga't sa maaari ay maayos niya ito ng hindi nalalaman ng parents niya. Sa kanilang dalawa lang iyon ni Coleen.
"Ay sayang naman. Gusto ko pa naman siyang makita." Malungkot na wika tuloy ng Nanay niya sa kaniya.
"Si Dad po nasaan?" Si Billy naman ang nagtanong habang papunta na sila sa sala.
"Nasa veranda sa taas. Nagpapahangin." Sagot nito at tumayo agad si Billy sa couch kahit na kakaupo niya lang dito.
"Puntahan ko po muna siya." Sabi ni Billy at nagtungo na nga siya sa terrace ng bahay at nakita niya ang Dad niya na nakaupo at nakatanaw lang sa kung saan. Dahan-dahan siyang lumapit dito, dala-dala ang bigat na nasa loob niya sa di niya alam kung para saan. Basta mabigat.
"Dad?" Pasintabi niya rito at lumingon naman ito sa kaniya, bahagyang nagulat pero halata sa expression sa mukha ni Jack na natutuwa siya sa biglaang pagbisita ng anak niya.
Umupo si Billy sa tabi nito at tumingin din sa mga bituin na kanina pa tinitignan ng Dad niya.
"Buti naman at dinalaw mo kami ng Mama mo dito." Masayang sabi ni Jack sa kaniya at ngumiti si Billy sa tinuran nito."Si Coleen ba nandito rin?" Tanong nito.
"Kumusta na po yung lagay niyo? Maayos na po ba?" Hindi sinagot ni Billy ang tanong ng Tatay niya sa kaniya bagkus ay iniba niya agad ang usapan.
"Oo naman. Kaya ko na nga mag-jogging ulit eh. Sayang di mo nakita. Yung buong kahabaan ng village ay tinakbo namin ng Mama mo kanina." Pagmamayabang naman ni Jack sa anak niya dahil ilang buwan niya rin iyon nakaligtaang gawin dahil sa sakit niya. At ngayon na nakaka-recover na siya ay balik na ulit sa dati.
"Well that's a good thing to hear, Dad."
Pagkatapos ng sinabing iyon ni Billy ay nabalot na sila ng katahimikan. Hindi niya kasi talaga alam kung paano sisimulang itanong yung bagay na ipinunta niya talaga rito.
Huminga muna siya ng malalim at humanap ng tyempo para magsalita.
"Um....Dad I wanna ask you something." Halos pabulong niya ng sabi at sa sahig na siya nakatingin, hindi kay Jack.
BINABASA MO ANG
Marrying the Heir of CREM (BiCol FanFic #Wattys2016)
RomanceKASAL. Ang estado ng relasyon kung saan dapat kilala niyo na ang isa't isa, tanggap ang isa't isa, at mahal na mahal ang isa't isa. Pero hindi sa dalawang ito. Ayaw ni Coleen kay Billy dahil sa nasaksihan at nalaman niya tungkol dito. At ganoon din...