Sukat, hubad, palit, sukat, hubad, palit. 'Yan ang kanina pang paulit-ulit na ginagawa ni Coleen. Wala siyang makitang maganda na pwede niyang isuot ngayong gabi. Halos itaob niya na yung walk-in closet niya sa kakahanap niya ng pwede niyang gamitin.
Ugh! Bakit ba kasi hindi siya makapili ng isusuot niya? Madalas naman siyang walang pakialam kung ano porma niya. Pero ngayon, nag-aabala na siya sa kung anong damit ang babagay sa kanya? That's NEW!
Sa kaka-kalkal niya sa closet niya, tumambad sa kanya ang red strapless mini dress.
Sinukat niya agad ito at pagkatapos ay humarap siya sa salamin. She looked so sophisticated and classy with that dress. And she messed her hair up that made her look so perfect. Then she matched her outfit with a black heels.
"Take me to Athena." Sabi ni Coleen sa driver niya pagkapasok niya sa kotse niya. Tinutukoy niya 'yung club na pagmamay-ari ng kaibigan niya. Kung saan sila nagkakilala ni.......
Hindi, hindi, hindi. Mga kaibigan niya ang pupuntahan niya doon wala ng iba. Pilit niyang pinapaalala sa sarili niya yan habang nasa biyahe. Nahirapan siyang maghanap ng maisusuot para lang talaga sa mga kaibigan niya. Promise!
Ano kayang ginagawa niya? Sino kayang kasama niya? Magkikita kaya ulit sila? Tsk! Erase. Erase. Bakit ba hindi maalis sa isip niya ang lalaking yun? Dahil ba sa kiss na 'yun? Ang OA naman kung dahil lang dun.
"Ms. Coleen andito na po tayo."Sabi ng bodyguard niya na pinagbuksan na siya ng pinto para sa paglabas niya. Sa kakaisip ay hindi na namalayan ni Coleen na nakarating na pala sila sa club.
Pagkababa niya sa kotse ay nagkalat na pala ang mga paparazzi sa gilid at puro liwanag ng flash ng mga camera nila ang magsisilbing ilaw papasok.
Nagsilbing human barricade ang mga bodyguard niya para sa kanya para lang hindi siya malapitan ng mga paps na inaatake na siya ng mga tanong.
"Ms. Garcia anong ginagawa niyo sa ganitong klase ng lugar? May ka-date ka ba ngayon?"
"Ano na ang mga bagong projects ng Compania de Garcia ngayong taon?"
"Pwede mo bang tanggalin ang shades mo at ipakita sa amin ang mukha mo sa unang pagkakataon?"
Tuloy-tuloy lang sa paglalakad si Coleen papasok sa loob ng club at hindi niya pinansin ang tanong ng mga paparazzi sa kanya. At about sa shades, lagi siyang may suot na ganyan sa tuwing pupunta siya sa mga public places para hindi mareveal sa mga paps ang mukha niya. At kung ano ang itsura niya. Simply because she's a very private person. Pwera na lang kung kailangan talaga.
"Totoo ba ang balita? Ikakasal ka na daw sa successor ng CREM?"
Napatigil naman siya sa paglalakad nung marinig niya ang tanong na 'yun. For the first time nakalimutan niya ang tungkol sa bagay na yan tapos ipapaalala na naman sa kanya? At isa pa, siya nga hindi niya alam kung kanino siya ipapakasal tapos sila may idea na agad? Grabeng tsismis yan ah?
Tama tsismis lang 'yun. Kaya tuluyan ng pumasok sa loob si Coleen. At hindi nalang inintindi ang tanong ng kung sino mang paparazzi yun.
Hinubad niya ang suot niyang Gucci shades at binigay sa isa niya pang bodyguard na nakabuntot sa kanya.
"Stay here." Sabi niya rito.
"Coleen!" Bati sa kanya ni Christiana at linapitan agad siya nito at bineso.
"Napapadalas ka yata rito ah?" Panunukso ni Christiana habang naglalakad sila kung nasaan din si Janina.
"Bakit? Ayaw mo bang makita ako?" Nakangiting tanong naman ni Coleen. Ibang-iba sa Coleen na huling nagpunta dito nung isang gabi. Coleen na parang walang problemang inaalala.
Umupo siya sa bakanteng upuan at tsaka lang napansin na may mga di-pamilyar na mukha ng mga lalaki rin na nakuopo katabi sila Janina at Christiana.
"Oh! May mga kasama pala kayo." Naiilang na bigkas niya. Hindi siya sanay na may kasama silang lalaki sa night out nilang tatlo.
"By the way, this is Mark." Tukoy ni Christiana sa katabi niyang lalaki.
"And this is Dominic." Pakilala naman ni Janina sa lalaking kasama rin niya.
"Our boyfriends." Sabay-sabay naman na sabi ng dalawa. At pagkatapos ay in-introduce siya ng mga ito sa boyfriends nila.
Si Christiana at Janina ang girl versions ng mga playboy. The serial daters. Sa kanilang tatlo, siya lang lagi ang walang boyfriend. Actually, hindi pa siya nagkakaboyfriend. Mas gusto niyang magtrabaho nalang kesa makipagdate sa kung sino-sino. Bukod sa istorbo sa trabaho, takot din siyang masaktan at iwanan.
'Di naglaon ay nabudy naman ang mga kaibigan niya kaka-PDA sa harap niya. Parang walang ibang tao sa paligid sa ginagawa ng mga ito. Tila nakalimutan yata nila na nandito pa siya sa harap nila.
Nakaka-out of place na talaga!
She rolled her eyes and glanced at the dancing crowd then she looked around not even knowing the reason why she did that.
He's here! She murmured as she saw the reason why she came here.
Kinuha niya sa clutch niya yung panyo'ng binigay sa kanya ni Billy nung bigla siyang umiyak.
Inayos niya muna ang sarili niya bago siya tumayo at nag-excuse na siya sa abala niyang mga kaibigan.
Sa totoo lang ay bahagya siyang nakaramdam ng kasiyahan sapagkat makakaharap niya ulit ito, at the same time ay nahihiya rin siya dahil sa ginawa niya nung isang gabi. Maiintindihan naman siguro ni Billy yun dahil lasing KUNO siya nu'n. At magpapanggap nalang siya na wala siyang naaalala para pagtakpan ang ginawa niya.
Bago siya tuluyang lumapit dito, huminga muna siya ng malalim. Kinakabahan siya nang hindi nuya naman alam kung bakit.
Ilang hakbang na lang siya rito ng biglang tumambad sa kanyang paningin na may kausap na itong magandang babae. Tumatawa siya habang nakikipag-usap doon sa mukha namang retokadang babae na yun at parang enjoy na enjoy siya sa pinag-uusapan nila.
Pakiramdam niya ay tila kumulo bigla ang dugo niya sa kanyang nakita.
She bit her lower lip and clenched her fist about what she had saw next.
That girl kissed him! And dang! He kissed her back! Nagpunta siya rito para lang makita siya...... Nahirapan siyang maghanap ng damit na maisusuot para lang sa kanya. Tapos ganito lang? Ganito ang makikita niya?
Nakakainis na nga na may kasama siyang iba tapos hahalikan niya pa? Gustong sugurin yung babaeng yun tapos sasampalin at sasambunutan niya. Pero bakit? Bakit niya naman gagawin yun? Anong karapatan niya para gawin yun? Wala.
Sa sobrang inis ni Coleen ay naglakad siya palayo at tinapon yung panyo ni Billy sa sahig at lumabas na ng club.
Which was, wrong move.
Nakalimutan niya na may mga paparazzi nga pala sa labas at nasilaw siya sa flashes ng camera ng mga ito dahil hindi niya suot yung shades niya.
Pinangharang niya sa mukha niya yung clutch niya para hindi makunan ng camera ang mukha niya na halatang galing pa sa pagka-inis sa nasaksihan sa loob.
Bigla pa siyang napaatras dahil linapitan na siya ng mga paparazzi at hindi niya na namalayan na may humila sa kanya pabalik sa loob.
Sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi niya nakita kung sino iyon at bigla na lang siyang yinakap nito.
Napahawak naman siya T-shirt nito sa sobrang higpit ng pagkayakap nito.
"I missed you." Sabi nung pamilyar na boses ng nakayakap sa kanya ngayon.
No! It can't be!
Tinulak niya ito para makita ang mukha ng lalaki.
"Enrique?"

BINABASA MO ANG
Marrying the Heir of CREM (BiCol FanFic #Wattys2016)
RomanceKASAL. Ang estado ng relasyon kung saan dapat kilala niyo na ang isa't isa, tanggap ang isa't isa, at mahal na mahal ang isa't isa. Pero hindi sa dalawang ito. Ayaw ni Coleen kay Billy dahil sa nasaksihan at nalaman niya tungkol dito. At ganoon din...