Chapter 6

418 13 2
                                    

Nagbibihis na si Billy ng pambahay niyang damit ng biglang kumatok ang Dad niya.

"May I come in?" Paghingi nito ng permiso kay Billy at pinapasok niya naman agad ito.

Bumalik siya sa closet niya at nagsuot ng simpleng T-shirt at umupo malapit dito.

"Kaya ako pumunta rito para ipaalala sayo na next month na ang kasal mo." Casual na pagkasabi pa nito sa kaniya.

Nag-iba bigla ang mood ni Billy dahil sa sinabi sa kanya ng Daddy niya. May mood swings din pala siya?

"Ganyan na ba kayo kadesperado? Ni-hindi niyo nga ako tinanong kung payag ba ako sa kasal na 'yan eh! At isa pa, hindi ko kilala kung sino man 'yang pakakasalan ko!" Halos sigawan na ni Billy ang tatay niya sa mga sinabi niya rito.

Ipapakasal siya sa hindi niya kilala. Tapos next month na agad? Oh c'mon!

"Umupo ka!" Sabi ni Mr. Crawford kay Billy at hindi niya talaga  nagustuhan ang biglaang pagtayo nito at pagtataas ng boses.

"Ginagawa ko ito para sa'yo." Napaharap naman si Billy sa Tatay niya nung marinig niya na para sa kanya rin DAW ang gagawin niyang pagpapakasala. Na hindi niya naman mapaniwalaan.

"Hindi mo ba alam na laging tinatanong ng mga board kung kailan magkakaroon ng bagong tagapagmana ang CREM? Kung hindi ka magkakaroon ng anak sa loob lang ng isang taon ay mapipilitan ang mga board members at pati na rin ako na tanggalin ka bilang COO ng kompanya natin."

"What?!" Hindi makapaniwala si Billy sa mga narinig niya. Lahat ng mga pinaghirapan niya ng mahigit sa sampung taon ay mawawala lang dahil sa wala pa siyang asawa't anak?

Napaka inconsiderate naman ng mga  board members nila! Ano bang tawag sa kanya? 'Di ba siya naman ang tagapagmana ng kompanya nila? Bakit kailangan na nila agad ng bagong tagapagmana? Hindi pa naman siya mamamatay ah? 

"Kaya ko naman magkaanak kahit hindi ako mag-asawa." No. Hindi niya kaya 'yun. Kung takot siya mag-asawa mas takot siyang magkaanak. Kaya nga lagi siyang may shield sa tuwing may kasama siyang babae.

Kahit na minsan ay hindi niya na-imagine ang sarili niya na buhat-buhat sa kaniyang mga braso ang sarili niyang amak.Ang pagpapakasal nga hindi niya naimagine. 'Yan pa kaya?

"Hindi mo pwedeng gawin iyan. Gusto mo bang maging illegitimate ang magiging anak mo? At hindi rin ako papayag na ganun ang mangyari."

Tumayo si Jack at tinapik ang kaniyang anak sa balikat nito bago siya lumabas ng kwarto nito.

"Matanda na ako Billy. I need a grandchild more than a legatee." Huling sabi nito at tuluyan ng lumabas sa kaniyang silid.

Sa sobrang inis sa mga narinig ay nasipa ni Billy ang upuan na nasa harapan niya at sinuklay ng kaniyang mga daliri ang buhok niya at linagay ang dalawang kamay sa baiwang.

Kinuha niya yung susi ng kaniyang sasakyan na nakalapag sa mesa at padabog na isinara ang pinto ng kwarto.

Habang nagdadrive ay tinawagan niya ang kaibigan niyang si Vice.

"Meet me at the club." Maikling sabi niya rito at ibinaba na agad ang cellphone at itinapon sa passenger's seat.

Pinaandar niya pa ng mas mabilis ang lulan niyang kotse. Wala siyang pakialam kung may mabangga man siyang iba. Wala naman kasing masyadong sasakyan kaya mukhang wala rin naman siyang mababangga.

Pagkarating niya sa meeting place nila ay bumaba agad siya at ibinato ang susi sa parker at pumasok na sa loob.

Hinanap niya agad kung nasaan sila Vice at linapitan agad ang mga ito.

Marrying the Heir of CREM (BiCol FanFic #Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon