Inakala ni Coleen na yung nangyari kanina na yata ang pinaka-nakakainis na nangyari sa kanilang dalawa ni Billy. Hindi pa pala dahil paglabas niya ng CR ay wala na ito sa kwarto. Umalis ito ng ganun-ganon na lang. Mas lalo lang nitong pinaramdam sa kaniya na wala na talaga itong pakialam sa kaniya.
Ano na ba talagang nangyayari? Dapat pa ba siyang umasa na magkakaayos pa sila? Sinisikap niya namang ayusin eh, pero ayaw lang makisama ni Billy sa kaniya. Ayaw niyang makinig. Akala niya okay na, hindi pa pala.
Dapat pa ba siyang mag-stay sa isang relationship na hindi niya naman alam kung buo pa ba? Dapat pa ba?
"This is gonna be the last time Billy. This will be the last." Bulong pa niya sa sarili niya at pinunasan niyang muli ang pisnge niya.
•
Umuwi si Billy sa penthouse niya para maligo at magpalit na rin ng damit. Nagpahinga rin siya pagkatapos dahil napagod talaga siya ngayong araw. Masiyadong maraming nangyari at kailangan niya ng magpahinga dahil may kailangan pa siyang ayusin at tapusin bukas.
Yung bagay na matagal na dapat talagang tapos.
Bumaling siya sa gawing kanan dahil hindi siya makatulog, naglabas siya ng mabigat na hininga at dinama ng kaniyang kamay ang bahagi ng kama kung saan laging nakapwesto si Coleen. Akala niya ay magkatabi na ulit silang matutulog ngayong gabi pero hindi pa pala. Nag-back out ito sa ginagawa nila kanina at wala pa rin siyang alam kung bakit.
Di bale, sandali na lang naman at ibabalik niya ulit ang lahat sa dati. Sa ngayon, may kailangan pa siyang unahin.
Maaga siyang gumising para ihanda ang sarili sa gagawin niya.
Naligo agad siya at nagbihis, inayos ang shirt niya tsaka naglagay ng pabango na binigay sa kaniya ni Coleen two months ago. Hindi siya noon tumataganggap ng mga bagay na binibigay ng kung sino lalo na ng mga babae pero yung kay Coleen lang talaga ang binigyan niya ng halaga. Bihira niya itong gamitin dahil ayaw niyang maubos agad ito.
Inayos niya na rin ang buhok niya at nag-shave na rin ng mga tumutubong balahibo sa mukha niya.
Nung maayos at maganda na ulit ang itsura at dating niya ay pumunta naman siya sa kitchen para uminom muna ng tubig bago umalis. Pagkababa niya ng baso ay naramdaman niya yung cellphone niya sa bulsa niya, kinuha niya agad ito at sinagot yung tumatawag.
Billy: Yes? Kumusta? Pupunta raw ba siya?
Bungad at tanong niya sa sekretarya niya.
Mr. Cruz: Opo Sir. Doon na lang daw po sa coffeeshop na dati niyong pinupuntahan.
Billy: Ok.
Binaba niya na yung phone niya at umalis na.
Pumunta siya sa isang flower shop para bilhin yung paboritong bulaklak ng babaing pagbibigyan niya ngayon at dumiretso na rin siya sa meeting place nilang coffeeshop at naupo na malapit sa gilid tsaka naghintay.
Linapag niya ang phone niya sa lamesa at maya-maya pa'y biglang may tumawag. Si Coleen. Saglit niyang tinitigan ang phone niya't reneject ang tawag nito. In-off niya na rin ng tuluyan ang phone niya para hindi siya madistract sa gagawin niya.
"Sandali lang Baby, tatapusin ko lang 'to." Bulong niya sa sarili niya at naghantay muli sa pagdating ng babaing inaasahan niyang makikipagkita sa kaniya.
Ilang saglit pa nga ay dumating din ito.
"Hi." Bati niya rito at tumayo siya para ibigay ang upuan dito.
"For you." Dugtong pa niya at inabot niya rito ang isang bouquet ng white roses na paborito nito.
Nag-smirk naman si Nikka sa ginawa ni Billy.
"Ano'ng gimmick 'to?" Tanong nito pagkaupo niya at pagkatapos niyang tanggapin yung bulaklak.
Ngumiti lang si Billy at pagkaraan ng ilang segundo ay natahimik ito. Binaba niya ang tingin niya sa mesa at maya-maya naman ay ibinalik muli ang mga mata sa babaing kaharap niya.
"I don't know how to start but....." He paused.
"I'm sorry, for everything." Sinserong wika ni Billy dito at bigla namang may bumagsak na patak ng luha mula sa kaliwang mata ni Nikka. Agad niya itong pinunsan gamit ang isang kamay niya para hindi makita ni Billy.
"Sorry sa ginawa ng Dad ko sa'yo. Sorry dahil hindi kita agad nahanap noon at nagkaganito ang lahat. Kung nasaktan man kita, hindi ko sinasadya yun pero sorry pa rin." Malungkot na sabi pa ni Billy dahil ito na lang ang kaya niyang gawin at ibigay. Ang paghingi ng tawad na lang ang maaari niyang sabihin kay Nikka at alam niyang hindi nito matutumbasan ang hirap na dinanas ni Nikka sa paglaban sa sakit niya ngunit umaasa siya na maiintindihan din nito na hanggang dito na lang talaga sila. Wala na siyang magagawa pa para ibalik ang dating samahan nila.
Umusog pa ng konti si Billy at hinawakan niya ang dalawang kamay ni Nikka sa table. Tinitigan niya ito ng mata sa mata at nararamdaman niyang nagiging basa na rin ang sarili niyang mga mata.
"Mahal kita....... Minahal kita. Totoo yun." Mas lalo namang naging emosyonal ang babaing ito sa tinurang iyon sa kaniya ni Billy. Inakala niya kasi dati na laro lang ang nangyari sa kanila dahil nga hindi siya pinuntahan nito sa LA noon. At least, hindi pala.
"Pero kasi iba na. Kasi yung salitang yun, mayroon na kong sinasabihan ng ganoon ngayon. And I hope, maunawaan mo yun." Sa pagkakataong iyon ay nahawa na rin sa pag-iyak si Billy at bahagya namang natawa si Nikka sa kaniya.
"Kapal mo talaga! Bakit sinabi ko bang mahal pa rin kita?" She mocked and slightly slapped his arm.
Parehas silang tumawa sa nangyari at nagkatinginan na lang ulit. Tumayo si Nikka at lumapit kay Billy. Yinakap niya ito.
Ito yung closure na matagal niya ng hinihintay at sa wakas ay nangyari na rin. Halata namang masaya na si Billy sa buhay niya ngayon kaya wala siyang ibang magagawa kundi ang maging masaya na lang din para rito.
Tanggap niya na, tanggap niya na na hindi na talaga sila pwede at pag-uwi niya ay haharapin niya na ang bagong buhay na naghihintay sa kaniya. Bagong chapter kasama ang lalaking mapapangasawa niya.
Few days ago ay nag-propose na ng kasal sa kaniya yung boyfriend niya, hindi siya nakasagot agad dito dahil pakiramdam niya noon ay parang hindi pa siya buo. May kulang pa at nung nakita niya nga si Billy ng di inaasahan sa LA ay napagtanto niya kung ano ang kulang sa kaniya. Formal breakup mula sa first love niya at ito na nga iyon, natupad na. Now she can finally move on with her life and get married with the love of her life.
"So........do you accept my apology?" Tanong ni Billy pagkabitaw nilang dalawa. Tumango ito na ikinatuwa naman niya.
"Thank you." Sabi pa niya at inabot niya ang kamay niya rito para sa isang friendly shake.
Matapos nun ay umalis na si Nikka, may pupuntahan pa raw kasi ito and he also bid his final goodbye to her.
Tumayo na si Billy at umalis na rin dala-dala ang saya at gaan ng pakiramdam na ngayon niya lang naranasan.
Ang sarap!
Parang wala na siyang parang mabigat na luggage pa na pasan-pasan sa likuran niya. Wala na.
Ngayon back to basic na ulit at may kailangan pa siyang ayusin. May kailangan pa siyang gawin.

BINABASA MO ANG
Marrying the Heir of CREM (BiCol FanFic #Wattys2016)
RomanceKASAL. Ang estado ng relasyon kung saan dapat kilala niyo na ang isa't isa, tanggap ang isa't isa, at mahal na mahal ang isa't isa. Pero hindi sa dalawang ito. Ayaw ni Coleen kay Billy dahil sa nasaksihan at nalaman niya tungkol dito. At ganoon din...