Chapter 10

422 9 4
                                    

"So you kissed a stranger? Not just once but twice!" Nae-excite na tanong ni Christiana sa kanya.

Pamper day nilang tatlo ngayon at kakatapos lang nila magshopping at kasalukuyan silang nakatambay sa isa sa mga restaurant ni Janina.

"Yea parang ganun na nga." Casual na sagot ni Coleen pagkatapos niyang inumin yung mango shake niya.

"That's cool!" Sagot pa ni Janina.

"Anong cool dun? Sinampal ko nga siya pagkatapos eh." Wika pa ni Coleen.

Kung meron man siyang nagawa na pinagsisihan niya, yun ay ang pagsampal kay Billy ng wala naman talagang malalim na dahilan.

Ay hindi. Meron pala. Yung pakikipaghalikan ni Billy sa ibang babae. Tama yun nga.

Yan lagi ang ginagawang dahilan ni Coleen sa sarili niya para hindi siya makaramdam ng guilt dun sa ginawa niya kay Billy.

Ang babaw.

Sa totoo lang hindi sapat na dahilan yun para sampalin niya na lang si Billy ng basta-basta. Pero wala eh. Naunahan siya ng pagseselos at inis niya kung bakit niya yun ginawa. Pagseselos niya na wala naman sa lugar.

"Ouch! Bakit naman? Binastos ka ba niya?" Nagpapanic na pagtatanong ulit ni Janina.

"No. I just hated him for what he did with the other girl." Lumalaki ang butas ng ilong ni Coleen habang sinasabi niya yan. Bagay na alam na alam ng mga kaibigan niya kapag sobra na ang inis niya.

"So nagselos ka?" Nakangiti namang tanong ni Christiana sa kanya.

"No! Bakit naman ako magseselos?" Namumulang mukha na pagtanong ni Coleen. Agad niyang sinipsip yung mango shake niya nung itinanong niya yun.

Denial pa kasi eh. Action speaks louder than words.

"Ehem....Hindi daw?" Pabirong tanong ni Christiana at tahimik siyang tinawanan ng mga ito.

"Uy anong nakakatawa? Hindi naman talaga ako nagselos ah? Hindi talaga." Defensive na pagkasabi ni Coleen.

"Edi hindi. So ano daw name niya?" Panimulang tanong na naman ni Janina.

"Billy."

"Billy? As in Billy Crawford ng CREM?" Christiana asked hysterically.

"I don't know." Tipid na sagot ni Coleen.

"Siguro siya nga! Wala namang ibang Billy na nagpupunta sa Club ko kundi si Billy Crawford lang naman. Gosh Coleen you're so lucky!" Christiana said with a zest and enthusiasm in her tone but with very light envy feeling because she JUST kissed and slapped the face of the Great Billy Crawford.

"Bakit naman? Paano naman ako naging maswerte dun?" Inosenteng tanong ni Coleen. The fact na hindi niya kilala kung sino si Billy Crawford.

"Seriously? Hindi mo alam kung bakit ka masuwerte dahil nahalikan mo ang isang Billy Crawford? He's the man of every girl's fantasy. He is hot and specially, rich. Siya lang naman kasi ang successor ng CREM." Sabi ni Janina.

"Siya ba yun?" Tanong ni Christiana sa kanya habang pinapakita kay Coleen ang picture ni Billy na sinearch niya sa internet.

Tumango naman si Coleen bilang pagkukumpirma na siya nga yung Billy na nakilala niya sa club. Lalo namang tumili pero mahina lang ang dalawa niyang kaibigan sa sobrang kilig.

"Yung totoo, saang kweba ka ba nagtatago at bakit parang hindi mo makilala kung sino si Billy Crawford? Sikat kaya siya. Lalo na ang kompanya na pagmamay-ari ng pamilya niya." Dugtong pa ni Christiana.

Nagulat at hindi naman makapaniwala si Coleen sa narinig niya dahil ang CREM ang number 1 nilang kalaban sa real estate business tapos nakilala niya na pala ang tagapagmana nito ng hindi man lang niya namamalayan? Natuklaw na siya lahat-lahat pero hindi niya pa rin ito nakilala?

"Malay ko ba. Yung CREM alam ko. Pero kung sino man ang may ari noon, yun ang hindi ko alam." She said and shrugged off her shoulders.

"Ay naku. Magaling ba?" Pangungulit na naman ni Christiana. She loves kiss and tell kaya kapag ganitong usapan, wala kang kawala sa kanya.

Bakas naman sa mukha ni Coleen ang expression na hindi niya naintindihan kung ano ang ibig sabihin ni Christiana. Nagroll naman ng eyes si Christiana dahil sa pagiging wide-eyed ng kaibigan niya sa mga ganitong bagay. Sabagay, ang pagkakaalam niya ay first kiss ito ng kaibigan nila kaya naiintindihan niya naman ito.

"How does it feel to be exact? Is it good or what?" Inulit at mas lininawan na Christiana ang tanong niya kay Coleen.

Hindi naman na sumagot si Coleen bagkus, napayuko nalang ito para itago ang namumula niyang mukha sa mga kaibigan niya. Tumango-tango siya ng ilang beses bilang pag-Oo kay Christiana. Kilig na kilig naman ang mga ito dahil sa ginawa niya.

"So he's a good kisser. Isn't he?" Ginagatungan naman ni Janina ang sinimulang tanong ni Christiana. Tulad kanina, tango lang din ang ibinigay na sagot ni Coleen sa dalawa na lalo namang nagpakilig dito. Buti nalang at wala pang masiyadong tao sa loob ng restaurant kaya feel na feel nilang ilabas ang tuwa at excitement na nadarama nila para kay Coleen.

"Ehem....." Bigla namang may nagpasintabing lalaki na nakatayo sa gilid nila na hindi naman nila alam kung saan nanggaling dahil hindi nila namalayan ang pagdating nito.

Napahinto sila Janina sa ginagawa nila at napatitig sa lalaking ito mula ulo hanggang paa.

"Sorry kung ngayon lang ako nakarating." Sabi nito kay Coleen at nginitian niya naman ang dalawang kasama nito.

"So who's this cute guy?" Janina flirtatiously asked to Coleen while her eyes are resting on Enrique's profile.

Tumayo si Coleen at ipinakilala si Enrique sa mga kaibigan niya.

"My guy bestfriend." Sabi ni Coleen at nakipag shake hands naman si Enrique sa kanila.

Kasalukuyang kumakain ang mga magulang ni Billy at pati na rin siya ng tanghalian sa kanilang villa sa McConnor Valley sa hometown ng Mom niya na hindi naman kalayuan sa Manila.

Gustong magtanong ni Billy tungkol sa nalalapit niyang kasal pero hindi niya magawa. Baka isipin ng mga magulang niya na intiresado na siya sa babaeng pakakasalan niya.

Yun naman talaga eh. Gusto niyang makilatis ang babaeng ito. Gusto niyang malaman kung anong itsura nito. Gusto niyang malaman kung pasok ba ito sa TASTE niya.

Puro physical aspect ang mga naiisip niya. Wala naman kasi siyang pakialam sa ugali eh dahil kahit gaano pa kabait ang babaeng mapapangasawa niya, gagawin niya ang lahat para maging masama ang ugali nito para magkaroon na siya ng dahilan para makipaghiwalay rito. At kung brat naman ito, mas lalong walang magiging problema dahil kayang-kaya niya itong sabayan. Hindi pa nga kinakasal pakikipaghiwalay na agad ang iniisip niya? Tsk!

"Be ready for tomorrow night." Sabi ng Daddy ni Billy habang kumakain ito.

"Bakit po anong meron?" Tanong naman ni Billy.

"Makikilala mo na ang fiancee mo at the same time, engagement party niyo." Hindi na siya masiyadong nagulat dahil inaasahan niya na ito.

Sa sinabi ng Daddy ni Billy, nakahanap siya ng pagkakataon para tanungin kung sino ba ang babaeng ito.

"Ummm... Ano po bang pangalan ng babaeng yun?" Casual at nakayukong tanong ni Billy habang kumakain. Nagkatinginan naman ang ang Mom at Dad ni Billy dahil mukhang magandang sign ito para sa kanila.

"Coleen Garcia. Yung president at kaisa-isang anak ng may-ari ng CdG at ng kaibigan kong si Jose." Nakangiting sagot ng Dad ni Billy. Umaasa siya na magiging maganda ang usapan nila tungkol sa babaeng pakakasalan ng anak niya.

Napahinto naman si Billy sa pagkain dahil narinig niya ang pangalang Coleen. Yung Coleen na hinlikan niya nung isang gabi at hinalikan din siya. Yung Coleen na kinaiinisan niya dahil sinampal siya ng wala namang dahilan. Yung Coleen na yun!

May chance kaya na siya rin yung pakakasalan niya? Kung ganon man, humanda siya.

Marrying the Heir of CREM (BiCol FanFic #Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon