Pagkatapos makapagpahinga at umidlip saglit, bumangon agad si Coleen at unang hinanap ng mga mata niya si Billy na wala naman sa tabi niya di tulad ng sinabi nito na susunod siya pagkatapos niyang linisin yung kusina. Pero mukhang hindi naman ito talaga tumabi sa kanya dahil maayos pa ang kabilang bahagi ng kama.
Tumingin siya sa may bintana at tsaka niya lang namalayan na gabi na pala. So ilang oras kaya siya nakatulog? Sa sobrang pagod niya hindi niya nanaman namalayan ang oras.
Nag-unat siya ng mga braso niya at dumiretso na sa banyo para maligo. After niyang maligo ay tsaka lang siya lumabas ng kwarto para hanapin si Billy.
Pababa pa lang siya ng kwarto ay amoy na amoy niya na yung kung anong mabango na nanggagaling sa kusina. Naexcite siya dahil sa amoy kaya binilisan niya ang paglalakad pababa.
Habang papalapit na sa kusina ay hindi niya naiwasang mapangiti dahil naaalala niya yung mga naganap dun kanina lang. Yung bagay na never niyang naimagine na gagawin niya sa mismong kitchen. But she just did though.
Lalo pang dumagdag sa mga kumikiliti sa utak niya nung makita niya yung asawa niya na busy sa ginagawa nito at walang saplot pang-itaas. Likod pa lang niya, sobrang nakakaturn on na.
Dahan-dahan siyang lumapit dito para hindi niya ito maistorbo sa ginagawa niya pero hindi niya napigilan na yakapin si Billy mula sa likuran nito.
Back hug strikes.
Idinikit niya yung noo at ilong niya sa likod nito at tsaka pumikit. Ang saya lang sa pakiramdam niya dahil mag-asawang-mag-asawa na talaga ang status nila ngayon at kagaya lang din ng normal na honeymooners ay feel na feel na talaga nila ito. In other words, things are getting better and better and falling into places.
Matapos ang ilang segundo ay inismack niya yung likod ni Billy na ikinakiliti naman nito kaya humarap agad ito sa kanya at yinakap siya.
"Ikaw ah, namiss mo na naman agad ako." Inasar naman agad ni Billy si Coleen pagkatapos niya itong yakapin at halikan sa noo.
Umaatake na naman ang malakas na hangin na hindi nanggaling sa pabas kundi dito sa lalaking to.
"Huh? Sinong may sabi?" Pagbibiro naman ni Coleen at tinignan niya kung ano ang niluluto ni Billy na kanina pa nagpapapansin sa ilong niya dahil sa bangong taglay nito.
Napakagat siya bigla ng lower lip niya nung makita niya yung kumukulong red sauce sa pan na puro beef ang laman at may nakahalong diced carrot at patatas. Biglang niya tuloy naalala na hindi pa nga pala siya kumakain magmula pa kanina.
Kanina kasi ay bigla niya na lang nakalimutan na gutom siya dahil sa "pleasure" na binigay ni Billy sa kanya. Something na mas inuna niya kesa dito. Mas tasteful daw kasi eh LOL.
"Caldereta ba to?" Tanong ni Coleen habang nakatingin pa din sa laman ng pan.
"Yup. Tara kain na tayo." Sagot naman ni Billy at isinalin niya sa isang transparent bowl yung linuto niya habang si Coleen naman yung naghanda ng plates nila.
"Thanks." Pasasalamat ni Coleen kay Billy dahil ito ang nag-asikaso at naglagay ng food sa plate niya, which is very sweet para sa kanya at kulang na nga lang ay pati sa pagkain susubuan niya pa ito eh. Actually, gusto niya talaga yung idea na yun. Nahihiya lang siya na i-suggest yun dahil baka isipin ni Billy na masiyado na siyang pa-baby.
"In fair, this one is good." She says.
"Talaga? Thanks kung ganon. Buti nalang pala linuto ko yang favorite dish ko. Akala ko hindi mo magugustuhan eh." Saad naman ni Billy na kanina pa pinapanood si Coleen na kumain na kung makatitig siya dito ay parang may ibang hahablot sa kanya.

BINABASA MO ANG
Marrying the Heir of CREM (BiCol FanFic #Wattys2016)
Storie d'amoreKASAL. Ang estado ng relasyon kung saan dapat kilala niyo na ang isa't isa, tanggap ang isa't isa, at mahal na mahal ang isa't isa. Pero hindi sa dalawang ito. Ayaw ni Coleen kay Billy dahil sa nasaksihan at nalaman niya tungkol dito. At ganoon din...