Nakipagkita si Coleen sa mga kaibigan niya sapagkat ang tagal niya na ring hindi nakikita at nakakausap ang mga ito. Dalawang taon ba naman ang lumipas eh.
Tuwang-tuwa naman ang mga ito sa pagpapakita niya sa kanila at mas lalo silang sumaya nung dinala niya si Dani.
"Ibang pose naman dali!" Excited na pagkasabi pa ni Janina habang pinipicturan niya si Dani na nakaupo sa ibabaw ng counter ng kusina sa condo niya at pumapapak ng Nutella. Si Christiana naman ay nasa gilid ng bata at siya yung gumagawa ng iba't-ibang posing habang dino-document ang pagkakalat ni Dani. Enjoy na enjoy sila sa ginagawa nila at nung idikit ni Christiana ang mukha niya sa pisnge ng bata ay bigla siyang hinawakan nito at nalagyan tuloy ang mukha niya ng chocolate spread. Nagtawanan ang tatlo sa ginawa ng walang kamalay-malay na bata at kalaunan ay nakisali rin si Dani sa pagtawa. Kaya hindi na naman napigilan ang panggigil dito.
"Gosh bakit ang jolly niya? Can I adopt her na?" Christiana asked enthusiastically to Coleen and she giggly squeezed the toddler from behind.
"No, hindi pwede. Ako ang mag-aampon sa kaniya!" Hirit naman ni Janina at pinaalis niya sa pwesto si Christiana at siya naman ang nanggigil sa bata.
"Magsitigil nga kayo. Di ko siya ipapaampon no." Sagot ni Coleen ang nag-pout naman ang dalawa.
"Diba baby mushroom ko kay Mommy ka lang?" Sunod pang sabi ni Coleen kay Dani at nag-baby talk na naman siya rito.Nag-roll eyes na lang ang dalawa sa sinabi ng kaibigan nila.
"Whatever. Basta pag nagsawa ka na sa kaniya akin na lang siya ah?" Pangungulit pang muli ni Christiana at nagpuppy eyes pa, as if naman na gagana yun kay Coleen.
"Bleh!" Mas inasar na lang ni Coleen ang mga kaibigan niya sa pamamagitan ng pagbelat niya sa mga ito. Ilang saglit pa ay pinunasan niya na yung kamay at mukha ng anak niya dahil ang dungis-dungis na nito dahil sa kinain nito. Puro mantsa ng chocolate na rin ang damit nito kaya naman pinalitan niya na ito ng mga dala niyang damit para sa kaniya. Buti na lang talaga ay palagi siyang handa sa mga ganitong bagay pagdating kay Dani.
Umupo bigla si Janina sa sofa kinalalagyan ni Dani pagkatapos itong bihisan ni Coleen at pinaglaruan ang kamay nito.
"Napabinyagan na ba siya?" Tanong nito at tinulungan ng maglipit si Coleen sa mga pinagbihisan ng bata.
"Yea, last year pa." Sagot ni Coleen.
"Ay ang daya! Hindi man lang kami kinuhang ninang." Pagsingit naman ni Christiana pagkarinig niya sa usapan ng dalawa.
Pagkalungkot at hiya ang biglang naramdaman ni Coleen sa ideyang iyon dahil nakalimutan niya ang mga kaibigan niya sa bagay na iyon. Nawala na kasi sa isip niya ang importansya ng pagkakaroon ng mga Godparents sa Christening ng anak niya dahil sobrang busy niya at nawalan din kasi siya ng contacts sa mga ito. Idagdag pa ang katotohanang biglaan lang ang naganap na binyagan sa anak niya kaya naman hindi niya na iyon masiyadong napaghadaan pa. At mayroon pang isang dahilan kung bakit hindi niya rin yun ginawa.
"I'm sorry okay? Hindi naman yun ganun kaimportante diba? Tsaka wala rin naman kasi talaga akong ininvite nung binyag niya kasi ayaw kong matrace kami ni Billy at ayaw kong malaman niya nung mga panahon na yun na may anak kami." Nakayukong sabi ni Coleen sa mga kaibigan niya at naintindihan naman agad ito nina Janina at Christiana.
Lumapit sila dito at cinaress ang likod nito. Nagtinginan si Janina at Christiana at nagtunguan sa isa't isa.
"Okay now we get it. But speaking of Billy, ano nang plano mo?" Pag-iiba bigla ng usapan ni Janina.
Umiling si Coleen sabay sabing;
"I don't know."
"But you're still married, right? And how about Dani?"
BINABASA MO ANG
Marrying the Heir of CREM (BiCol FanFic #Wattys2016)
RomanceKASAL. Ang estado ng relasyon kung saan dapat kilala niyo na ang isa't isa, tanggap ang isa't isa, at mahal na mahal ang isa't isa. Pero hindi sa dalawang ito. Ayaw ni Coleen kay Billy dahil sa nasaksihan at nalaman niya tungkol dito. At ganoon din...