Mahimbing at maayos ang naging tulog nina Billy at Coleen kagabi kahit na hindi sila masyadong nagkasundo kung saan silang dalawa matutulog.
Kung magtatabi ba sila o hindi.
Hindi mapakali si Coleen sa paghiga dahil lamig na lamig na siya at wala naman siyang planong gumalaw ng kaunti para kumutan ang sarili dahil nga ay baka hindi na siya makatulog pag nagkataon.
Siya pa naman yung klase ng tao na mabilis magising kapag nakakarinig lang ng kaunting kaluskos mula sa paligid at hindi na muli pang makakatulog. Kaya ayaw niyang kunin man lang yung kumot na nasa paanan niya dahil nga ayaw niya pang gisingin ang sarili niya.
Sakto naman na mayroong malaking braso na yumakap sa kanya mula sa likuran niya at nagbigay sa kanya ng init na hinahanap niya.
Body heat.....
Hinawakan niya yung brasong nakapulupot sa kanya at siniksik niya pa yung katawan niya sa katawan ng lalaking nasa likod niya.
Ilang saglit lang ay nagbago si Coleen ng pwesto sa pagtulog at nakaharap na ngayon ang mukha niya sa taong nakayakap sa kanya pero nakapikit pa rin siya at kusang gumalaw ang braso niya para yakapin naman ito.
Yumakap din ang lalaking kayakap niya at hinigpitan pa ang pagyakap sa kanya kaya mas lalong nagdikit ang mga katawan nila.
Naramdaman ni Coleen yung hininga ng lalaking ito na tumatama sa ulo niya kaya bigla siyang nagising.
Pagmulat ng mga mata niya ay nakita niya ang muscular chest ng isang lalaking naka black T-shirt na halos kadikit na ng mukha niya. Tsaka lang siya natauhan at naitulak niya si Billy kaya nalaglag ito sa kama.
"Ouch!" He groaned then he stood up and he rubbed his back.
Tumunog yung sahig dahil sa lakas ng pagkakabagsak niya dito.
"Anong ginagawa mo dito? Diba sabi ko sayo dun ka sa couch matulog?!" Pasigaw na tanong ni Coleen at bumangon siya sa kama at linapitan si Billy. Para tignan kung nasaktan ba talaga ito sa pagkakatulak niya. Alam niyang masakit yun kasi nga malakas ang pagkakatunog ng sahig.
Kawawa naman yung sahig. Joke.
"Nakaka-ilan ka na ah?" Sabi ni Billy at mahahalata mo sa expression sa mukha niya na nasaktan talaga siya.
Bigla siyang na-guilty sa nagawa niya at nangyari.
"I'm sorry. Hindi ko sinasadya. Nagulat lang ako dahil nakita ko na magkatabi na tayo." Sabi niya habang rinarub niya na rin yung likod ni Billy.
Nakaharap si Coleen kay Billy habang sinasabi niya iyon at makikita mo sa mga mata niya ang sincere na paghingi niya ng tawad dito.
Hindi naintindihan ni Billy ang mga sinasabi ni Coleen dahil bigla siyang napatingin sa mga labi niya habang nagsasalita ito.
Ewan ni Billy kung bakit pero may something talaga kay Coleen na sa tuwing makikita niya ang magandang mukha nito ay dumidiretso ang tingin niya sa mga labi nito.
Meron yatang kakaibang magic spell si Coleen eh kaya madali siyang naaakit dito.
Natahimik naman si Coleen sa pagsasalita dahil napansin niya na parang hindi naman nakikinig sa kanya si Billy.
Pinapakiramdaman niya nalang ito dahil nga nakatitig lang ito sa isang parte ng mukha niya.
"Hindi ako tumatanggap ng sorry." Sabi ni Billy at hindi niya na napigilan na halikan si Coleen.
Andoon yung pagkagulat ni Coleen pero hindi na siya nabigla dahil may pakiramdam na siya na gagawin ito ni Billy sa kanya.

BINABASA MO ANG
Marrying the Heir of CREM (BiCol FanFic #Wattys2016)
Storie d'amoreKASAL. Ang estado ng relasyon kung saan dapat kilala niyo na ang isa't isa, tanggap ang isa't isa, at mahal na mahal ang isa't isa. Pero hindi sa dalawang ito. Ayaw ni Coleen kay Billy dahil sa nasaksihan at nalaman niya tungkol dito. At ganoon din...