Chapter 32

659 13 7
                                    

Nakatingin lang sa ceiling si Coleen habang nakaupo siya sa chair niya sa loob ng office niya.

Napakahabang araw na naman ang natapos at hindi naman siya ganun kapagod pero tinatamad lang siyang tumayo para umalis at makauwi na.

Iniisip niya kasi muna ng maigi kung ano pa ba ang pwede niyang gawin para mas maging matagumpay na hotelier dahil para sa kanya ay kulang pa ang mga nagawa niya. Ilang minuto na siyang nag-iisip kung ano ba yung kulang na yun at hanggang ngayon ay wala pa ring pumapasok sa utak niya kung ano ba talaga.

Sa eight years niyang pagtatrabaho sa kumpanya nila ay ngayon niya lang naramdaman sa sarili niya na parang wala pa siyang napapatunayan. Sa pag-iisip niya ay lalong sumasakit ang ulo niya.
Minsan hindi siya makapaniwalang sa ganito kabatang edad na 22 ay nagkaroon siya ng napakalaking respondibilidad na madalas nakakapagpa-pressure sa kanya lalo na kapag may bago silang major projects at kailangan nilang humabol sa deadline nila.

Stressful, kapag kailangan niyang mag-isip ng bagong strategy kung paano patataasin ang income nila quarterly. At tension sa tuwing haharapin niya ang chairman kasama na mismo ang mga board members kapag may meetings or business proposal siya.

Sa lahat ng yan ay madalas hindi nagsisink-in sa kanya kung paano siya nakakasurvive sa buong araw ng pag-iisip, paglelead, at pag-iikot-ikot sa lahat ng sites nila.

Pero kapag binibisita niya ang ilan sa mga hotel branch nila ay tsaka niya lang nararamdaman na worth it pala lahat ng hirap at pagod niya. Lalo na kapag tumataas ang kita ng kompanya nila taon-taon.

Speaking of accomplishments, tumayo siya sa kinauupuan niya para tignan ang mga plaques at trophies na natanggap niya bilang pagpupugay sa galing niya sa pagmamanage ng hotel.

Nariyan ang;

"The Outstanding Business Woman of the Year",

"Best Hotelier of the Year", at iba pa. Minsan ma rin siyang nahirang na Hall of Famer dahil taon-taon na lang ay siya lagi ang nabibigyan ng ganitong klase ng mga parangal.

Pero minsan ang ganitong klase ng mga bagay ay parang kulang pa rin dahil hindi pa rin siya napapansin ng Tatay niya.  Sa tuwing magkakaroon siya ng award ay gusto niyang marinig sa kanya na

"Congrats anak. I'm very proud of you."

Ni-minsan ay hindi niya narinig mula sa kanya ang mga salitang yan na since birth ay hinahantay niya ng marinig.

Isang beses niya lang narinig ang salitang congrats pero kasunod naman nun ang pagsasabi sa kanya na kailangan niya ng magpakasal na pakiramdam niya basta na lang siya nitong pinamigay sa kung sino-sino.

Hindi niya na mapigilang maluha sa tuwing maaalala niya ang mga bagay na gusto niyang maranasan kasama ang tinatawag niyang "Daddy" at nag-iisang kadugo niya. Akala lang kasi ng iba ay napakaperfect na ng buhay niya pero hindi nila alam na simula pa ng ipinanganak siya ay nangungulila na siya sa isang ama.

Ang mga taong malapit lang sa kanya ang nakakaalam na ganitong bagay dahil gusto niyang ipakita sa iba na hindi siya basta-basta. Na matapang siya at hindi siya mahina. Ngunit yun ang totoo. Mahina siya at nagtatapang-tapangan lang sa harap ng iba dahil ayaw na ayaw niya ng kinaaawaan siya. Wala naman kasing maitutulong ang awa sa buhay niya. Ang kailangan niya ay pagmamahal ng Tatay niya hindi awa na nagmumula sa iba.

Pity about her life is bullshit!

Pinunasan niya na ang mga namuong luha sa mata niya dahil walang magagawa ang pag-iyak para masulusyonan ang mga bagay na nagpapabigat ng damdamin niya.

Marrying the Heir of CREM (BiCol FanFic #Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon