Chapter 35

670 16 0
                                    

Nakaupo si Billy at Coleen sa couch sa may living room ng penthouse ni Billy at nanonood sila ng movie.

Walang nagsasalita sa kanilang dalawa at animo'y busing-busy talaga sila sa pinapanood nila. Nakapatong ang ulo ni Coleen sa balikat ni Billy at hawak-hawak nito ng mahigpit ang isa niyang kamay na para bang may kukuha na lang bigla sa kaniya at ayaw ni Billy na mawala siya.

"Ano ba?" Mahinang tanong ni Coleen habang tumatawa dahil kinikiliti ni Billy yung kamay niya.

Tinaasan lang siya nito ng mga kilay at umaarte siya na hindi niya alam kung ano ang sinasabi ni Coleen. Nagroll na lang ng mga mata si Coleen at nagpout sabay dampot ng popcorn sa bowl.

"Dito na lang kaya tayo tumira?" Suggestion ni Billy na nagpakunot naman sa noo ni Coleen.

"At bakit naman?" Tanong niya.

"Pag dito kasi may privacy tayo. Pwede nating gawin ang mga bagay na gusto nating gawin." Seryosong sabi ni Billy at unti-unti niyang inilapit ang mukha niya kay Coleen.

Iniwas naman ni Coleen ang mukha ni Billy sa pamamagitan ng pagpoint ng index finger niya sa noo nito at dahan-dahang tinulak ito palayo sa mukha niya. At binigyan niya ito ng ngiting mapang-asar.

"One word. No." Sagot nito habang winiwave sa hangin ang index finger niya.

"Ayaw mo?" Hindi makapaniwalang tanong naman ni Billy.

Ang dami-daming babaing nakiusap sa kaniya na makapasok man lang dito sa penthouse niya pero wala ni isa sa kanila ang pinatungtong niya rito, tapos ang kauna-unahang babaing pinapasok at pinatulog niya dito ay tumatanggi na tumira kasama siya? Oh come on.

"Hindi naman sa ayaw ko. Pero hindi ko nga masiyadong napagsisilbihan ang sarili ko, ikaw pa kaya? Hindi ko kayang gumawa ng mga gawaing-bahay." Sabi ni Coleen.

Kaya niyang mabuhay ng mag-isa pero hindi niya kayang tumayo sa sarili niyang mga paa pagdating sa household chores. Katwiran niya, hindi naman daw kasi siya ipinanganak at pinalaki para lang sa gawaing-bahay so bakit niya kailangang pagtuuanan ng pansin ang mga iyon?

Narealize naman ni Billy na may point din si Coleen dahil nga lumaki ito na nasusunod lahat ng gusto niya sa isang kumpas niya lang. Pero,

"Alam mo tumira ako dito ng mag-isa sa loob ng limang taon at ako lahat ang gumagawa ng mga gawaing-bahay dito, kaya hindi mo na kailangan mag-alala pa tungkol dun dahil kayang-kaya kong gawin lahat iyon kahit walang tulong na nanggagaling sa iba." Seryosong wika ni Billy at hinawakan niya ang dalawang kamay ni Coleen para mas makumbinsi niya pa ito sa gusto niyang mangyari.

"Awww! Thanks for that. Pero hindi lang naman iyon ang rason kung bakit hindi ko pa kayang magstay dito." Ngumiti naman si Coleen at hinawakan niya yung pisnge ni Billy.

"I wanna be with your parents. I love being with them......You know." Dugtong pa niya.

"Okay." Sagot na lang ni Billy. Naiintindihan niya naman kasi kung bakit gusto ni Coleen na makasama ang mga magulang niya. Siguro dahil mga totoong magulang na ang turing niya sa mga ito at magkakasundo talaga sila.

Wala namang problema yun kay Billy eh. Gusto niya lang talaga na laging masolo si Coleen tulad ng sitwasyon nila ngayon. At gusto niya na rin kasi talagang bumukod sa mga magulang niya dahil sa tingin niya ay hindi na maganda para sa isang katulad niya na nasa tamang edad na, na nakikitira pa sa mga magulang niya.

Pero kahit ano'ng gawin niya ay hindi niya magawang iwan ang mga ito dahil nga sa siya lang ang nag-iisang anak ng mga ito at walang ibang mag-aalaga sa kanila kundi siya.

Marrying the Heir of CREM (BiCol FanFic #Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon