Pagkatapos ng trabaho ni Billy sa opisina niya ay dumiretso siya sa club kung saan sila madalas magkita-kita ng mga kaibigan niya. Para mag-unwind na rin mula sa pressure na dulot ng mga trabaho niya sa kompanya nila.
"Shit!" Naiinis na pagkasabi ni Vhong nung maibangga niya sa edge ng counter ang siko niya.
Alam ng dalawa na masakit talaga yun pero ang pinagtataka nila ay parang kanina pa iritable si Vhong sa mga ginagawa niya at kanina pa rin ito mura ng mura na hindi niya naman dating ginagawa.
"Anong nangyayari sa'yo?" Nagtatakang tanong ni Vice sa kanya.
"Bro natalo ako ng isang babae!" Naiinis na naman na pagkasabi ni Vhong habang tinatanggal niya yung salamin niya at minassage ng konti ang temple niya.
"Haha....Yan ba yung rape case na hawak mo? Haha..." Sabi ni Billy at pinagtatawan nilang dalawa si Vhong.
"Ok lang naman sana kahit hindi kami manalo sa kaso na yun eh. Guilty naman kasi talaga yung client ko kaya inaasahan ko na yun. Ang problema, babae yung lawyer na nakatalo sakin." Sabi pa ni Vhong with matching hand gestures pa.
Dinamdam niya talaga ang pagkatalo nila sa isa sa pinakamalaking rape case na nahawakan niya simula pa nung maging licensed lawyer siya. Mas kinaiinis niya dahil first time niyang matalo ng isang babaeng abugado. Pakiramdam niya ay natapakan na ang reputasyon niya bilang isa sa pinakamagaling na lawyer sa bansa dahil sa kanyang pagkatalo.
"Okay lang yan brad. Better luck next time." Sabi ni Vice at tinapik niya ang balikat ni Vhong at tumawa ulit.
"Ikaw bro anong problema mo at naligaw ka yata ulit dito?" Tanong naman ni Vice kay Billy, mejo matagal na rin kasi silang hindi nakakapag-hangout ng ganito dahil nga ay busy sila sa kani-kanilang field ng trabaho. Although, lagi namang tambay dito si Vice gabi-gabi kahit wala ang dalawa niyang kaibigan.
"Wala naman. Stressed lang talaga." Tipid na sabi ni Billy at ininom ang ng kaunti ang laman ng baso niya habang nakatingin sa mga taong nagliliwaliw sa paligid.
"May nangyari na ba?" Si Vhong naman ang nagtanong.
Hindi sumagot sa kanila si Billy at siya naman ang pinagtawanan ng mga ito.
"Ilang araw na kayong magkasama sa iisang bahay tapos wala pa rin? Hina mo naman." Mapang-asar na sabi sa kanya ni Vice at siniko pa siya nito sa tagiliran.
"Hindi ako mahina. At limang araw pa lang namin kami na magkasama sa bahay noh." Pagdadahilan naman ni Billy at ininom ulit ang hawak niya.
"Limang araw? Ang tagal na nun ah? Dati isang kindat mo lang kuha mo na agad. Anong nangyari?" Vhong pestered.
"Iba siya eh. Pahard to get." Billy retorted.
Sa kalagitnaan ng pag-uusap nila, may babaeng lumapit kay Billy. Kanina pa talaga ito nagpapapansin sa kanya pero binabalewala niya lang ito kaya hindi na nakatiis ang babae at ilinapit na ang sarili kay Billy.
"Hi!" Sabi ng babae sa kanya at bigla na lang siya nitong hinalikan ng walang pasabi. Ganito lagi ang ginagawa ng babaeng ito sa mga lalaking gusto niya para hindi na ito makatanggi pa sa kanya.
Nabigla sila Vhong at Vice lalo na si Billy sa ginawa ng babae at naitulak niya ito palayo.
"Miss ano ba?" Galit na pagkasabi ni Billy habang pinupunasan niya yung labi niya na pinagsamantalahan ng babaeng ito.
"I'm sorry." Sabi ng babae na bigla nalang umiyak at naglakad nalang palayo sa kanila dahil sa sobrang hiya kay Billy. Pahababol effect pa. Ngayon lang siya nakaramdam ng hiya pagkatapos niyang gawin yun? Poor her.
BINABASA MO ANG
Marrying the Heir of CREM (BiCol FanFic #Wattys2016)
RomanceKASAL. Ang estado ng relasyon kung saan dapat kilala niyo na ang isa't isa, tanggap ang isa't isa, at mahal na mahal ang isa't isa. Pero hindi sa dalawang ito. Ayaw ni Coleen kay Billy dahil sa nasaksihan at nalaman niya tungkol dito. At ganoon din...