Chapter 46

455 15 4
                                    

"Baby buntis ka ba? Are you carrying my child?" Kinakabahang tanong niya. Kinakabahan siya sa maaaring isagot nito sa kanya.

Tumayo si Coleen papunta sa lababo para maghilamos at magmumog. Humarap siya kay Billy pagkatapos.

"Is it about the cravings and puke?" Pabalik na tanong ni Coleen habang pinupunasan niya yung bibig niya.

Tumango naman si Billy at seryoso pa rin ang tingin sa kanya. Kinakabahan pa rin siya pero mas nangingibabaw na yung excitement sa katawan niya dahil ngayon pa lang ay nakikita niya na ang sarili niya na karga-karga ang magiging anak nila ni Coleen. Kung saan sabay nilang panonoorin ang pagtulog nito at mag-aabang sa umaga para salubungin ang mga maliliit na mata na babati sa kanila. Yung mga pictures na nabubuo niya sa utak niya ay nagiging dahilan para hindi na siya makapaghantay na maging totoo ang mga ito.

"Nope. Side effects lang to ng iniinom kong pills." Casual at diretsahang sagot sa kanya ni Coleen.

Sa sinabi niyang iyon ay para bang bigla na lang bumagsak sa sahig si Billy mula sa itaas na palapag dahil umaasa siya na magkakaroon na sila ng anak. Na magkakaroon na sila ng una nilang Baby Crawford. Hopia lang pala siya dito. Dahil hindi ito nagdadalang tao di tulad ng inaasahan niya. At ano raw??????? May narinig ba siyang kung anong bagay na ginagamit ni Coleen kaya yung pangarap niya ay pangarap pa rin hanggang ngayon? Yun ba yung bagay na yun???

"Pills? What kind of pills?" Tanong niya pa para makumpirma yung hinala niya.

"Ummmm........Birth Control pills?" Patanong na sagot naman ni Coleen dahil parang nag-iba na yung ekspresyon ng mukha ni Billy at hindi niya alam kung bakit.....Parang konting maling galaw niya lang ay kakainin na siya ng buhay nito. Basta, nag-iba ang aura niya ngayon.

Yung halo-halong emosyon sa loob ni Billy ay para bang bigla na lang kumulo at ilang segundo pa ay sumabog na ito. Nag-init at nagdilim yung paningin niya sa sobrang inis na ginagawa pala ni Coleen yun at wala siyang kaalam-alam tungkol dito. Ngayon niya lang naramdaman na masakit pala umasa sa bagay na akala mo andoon na. Wala pa pala.

"What? Kailan pa? Where are those fucking pills?" Pasigaw na tanong pa nito sa kanya at sa sobrang takot ni Coleen dito ay natulala na lang siya. Hindi na siya nakaimik at nakagalaw pa sa kinatatayuan niya. Yung mga balahibo niya ay nagsitayuan na rin dahil sa sobrang kaba na nararamdaman niya ngayon.

Kahit na hindi niya sinagot ito ay kusa na lang ito naghanap ng kung ano sa compartment sa likod ng salamin sa may c-r na kinaroroonan nila ngayon. Tumigil ito saglit at binasa yung label ng maliit na box na hawak niya.

"From now on you're not going to take these shitty things anymore." Mariing sabi pa ni Billy habang tinatapon niya sa toilet yung mga pills at flinush ito. Yung lalagyan naman ay pagalit niyang itinapon sa basurahan sa harap mismo ni Coleen. Ang pagkilos na ginagawa niya ay parang padabog lalo na sa pawo-walkout nito at sa malakas niyang pagsara ng pinto na mas ikinagulat pa ni Coleen.

Pagkaalis ni Billy ay naiwan siyang mag-isa. Maya-maya ay lumabas na lang ng kusa yung tubig sa mga mata niya dahil sa sobrang takot at pagkabigla sa mga nangyari. Hindi niya alam na may ganoong side pala si Billy na bigla nalang mambubulyaw, magdadabog at magagalit ng ganun-ganon na lang. Ngayon lang siya nasigawan at nagpadabugan ng ganon sa buong buhay niya kaya nasaktan siya sa ginawa nito at para sa kanya ay parang unfair naman yata na ganon ang maging reaction niya sa mga pesteng pills na yun! Ni hindi man lang siya nito hinayaang makapagsalita o makapagpaliwanag man lang kung bakit niya iniinom yung mga yun.

Galit ba siya dahil lang dun? Well mas galit siya dahil ang OA niya masiyado! Pwede namang pag-usapan ng maayos diba? Bakit kailangan niyang sumigaw?

Marrying the Heir of CREM (BiCol FanFic #Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon