Chapter 37

696 14 6
                                    

Ilang araw ang lumipas at bumalik na rin sila Billy sa mansion ng mga magulang niya dahil yun ang gusto ni Coleen.

Nag-iba na yung pakikitungo nila sa isa't isa simula nung may nangyari sa kanila. Mas naging sweet, caring, at thoughtful sila sa bawat isa. Pakiramdam nila ay mas naging totoo pa yung relasyon nila.

Mas naging busy nga lang sila sa mga trabaho nila lalo na si Billly. Kaya nagpasya si Coleen na bisitahin siya sa opisina nito.

Pagpasok pa lang ni Coleen sa lobby ng Crawford Empire building ay bigla ng nagsipaghintuan ang mga tao sa mga ginagawa nila.

Bawat hakbang niya ay parang nag-islow motion para sa mga lalaking nakatingin sa kanya at yung mga ulo nila ay umiikot na ng 180 degrees sa paglingon sa kanya kapag nalalampasan niya na ang mga ito.

"She's a Goddess!" 

Yan agad ang unang nasabi ng mga utak nila pagkakitang-pagkakita nila sa kanya. Natutulala na agad sila kahit na basic attire lang naman ang suot niya.

White plain V-neck shirt with matching black skinny pants at black mid-cut boots ang outfit niya ngayon. Idagdag niyo pa ang black Ray Ban shades na suot niya para itago ang eye bags niya na resulta ng gabi-gabing pagpupuyat na ginagawa nila ni Billy. Hindi na siya naglagay pa ng make up dahil nga hindi niya naman talaga kailangan pa nun.

Ganyan lang kasimple pero ang lakas-lakas na ng dating niya para sa mga taong nakamasid sa kanya ngayon.

"Artista ba siya?" Tanong ng isang lalaki sa isa pang lalaking kasama niya at wala ni isa sa kanila ang nakasagot. Para kasi siyang artista na bigla na lang naligaw sa company building nila.

Di nagtagal ay narealize agad ng mga ito kung sino o ano ang pakay ng isang katulad ni Coleen sa CREM building. Si Billy.

Halos araw-araw na kasi silang nakakakita ng mga magagandang babaeng models at artista na napapadpad sa building na ito at lahat sila ay si Billy ang hinahanap.

Iniisip ng mga taong ito na siguro ay isa na namang babae ang pumunta mismo sa building na to para balikan siya ni Billy at inaasahan na nila na lalabas itong umiiyak dahil sa kilalang ugali ni Billy pagdating sa mga napagsawaan niya ng mga babae.

Pero dahil nga sa ganda ni Coleen, ngayon pa lang ay nakaabang na sila para saluhin ito kung sakaling mangyari yun.

Lumapit si Coleen sa receptionist area para magtanong kung saan banda ang opisina ni Billy dahil ito ang unang beses na napadpad siya rito at hindi talaga siya pamilyar sa bawat sulok ng building na to.

"Good evening." Nakangiting bati ni Coleen pagkalapit niya sa mga receptionist na kanina pa nawala ang self-esteem nung makita siya.
"May I know where's the office of the COO?" Tanong niya sa mga ito tulad din ng inaasahan ng mga receptionist o ng mga taong nakakakita sa kanya. Itatanong niya kung saan yung opisina ni Billy.

"I'm sorry ma'am but do you have an any appointment with Mr. Crawford?" Tanong pabalik ng isang receptionist na kausap niya.

"Ummm....Wala eh. But tell him that his wife is here." Sagot ni Coleen dahil gusto niya lang naman bisitahin si Billy sa opisina nito.

Nagkatinginan bigla ang dalawang receptionist na kaharap niya at iniisip nila na ang babaeng kaharap nila ay isa na naman sa mga babaeng nagkeclaim na asawa daw sila ni Billy.

Simula nung nagpakasal kasi ito ay ang dami-dami ng babaeng pumunta dito at sinabing sila daw ang asawa ng boss nila. Pero ang isang ito ay parang naliligaw yata dahil kahit na gaano pa siya kaganda sa suot niya, mukha naman siyang highschool student sa paningin ng dalawang ito kaya imposibleng ito ang sinasabing asawa talaga ni Billy.

Marrying the Heir of CREM (BiCol FanFic #Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon