Prologue

960 19 12
                                    

"ROSEANNE!"

Napahinto ako sa paglalakad at napalingon sa tumawag sa'kin. And yes, my name's Roseanne Barrinuevo.

"Uhm, can I ask a favor?" Aniya nang huminto sa harapan ko. Tumango naman ako, "Pwede pakibigay sa Kuya mo? Nahihiya kasi akong magbigay sa personal."

"Sure, no problem." Pagpayag ko sa favor niya at kinuha ang inabot niyang maliit na box na kulay pula.

Masaya niya akong tinignan. "Super thank you sa pagpayag, Roseanne. Pakisabi na rin sa kay Jace na Happy Birthday from Ressa."

Tumango nalang ulit ako at umalis na siya na tumalon-talon pa dahil sa saya.

Makailang ulit ko na nga ba itong ginawa? Since tumungtong ata ako ng first year at nalaman nang lahat na kapatid ko ang Campus Heartthrob.

Hindi ko naman magawang makatanggi kapag pinakikiusapan ako dahil regalo nila iyon sa kapatid ko. Kaya nga pinagsasabihan ako ni Kuya na dapat daw ay tumanggi ako kapag may nakikiusap na ibigay ko daw ang mga regalo nila sa kanya, ayaw kasi ni Kuya na nadadamay ako kapag may gustong mapaabot ng regalo sa kanya. Naiistorbo daw kasi ako.

At dahil may oras pa naman ay pumunta na muna ako sa classroom nila Kuya sa Senior High. Habang papunta nga ako roon ay may iilan pang mga babae na nakikiusap na iabot ko raw 'yong regalo nila kay Kuya, kaya naman punong-puno ang mga braso at kamay ko nang mga regalo para kay Kuya Jace pagkarating ko sa classroom nila.

Nakita ako kaagad ni Kuya mula sa bintana kaya lumabas siya nang classroom nila at kunot na kunot ang noo dahil sa mga bitbit kong regalo para sa kanya. Kaagad niyang kinuha ang mga iyon sa'kin at inilagay muna sa sahig.

"Di ka talaga nakikinig sa'kin, Seanne." Napapailing niyang sabi at napabuntong hininga pa.

Ngumiti nalang ako at binati siya. " Happy 18th Birthday Kuya Jace Lester."

Nawala naman ang kunot sa noo niya at ngumiti siya sa'kin tsaka inilagay ang isa niyang kamay sa ulo ko at hinimas niya iyon.

"Thank you, Seanne-seanne." Aniya.

"Sige na, Kuya. Pupunta na akong classroom namin," Paalam ko sa kanya.

Tinanggal naman niya ang kamay na nasa ulo ko at ibinulsa iyon. Habang ang isa niyang kamay ay inayos ang suot niyang eyeglass na mahuhulog na sa ilong niya. Kaya siya ang Campus Heartthrob eh dahil kahit nakaeyeglass siya lumilitaw pa rin 'yung pagkagwapo niya at di na nakakapagtaka kung bakit marami ang humahanga sa kanya.

Pagkaalis ko naman ay siya namang sulpot nang girlfriend niyang si Ate Cassidy Videla. Minsan talaga nakakainggit silang dalawa dahil kahit 4 years nang sila eh super sweet at going strong pa rin ang relasyon nila. Tsaka never nagselos si Ate Cassidy sa mga babaeng humahanga sa boyfriend niya, proud pa nga siya eh na may boyfriend siyang hinahangaan.

Naglalakad na ako sa gilid nang soccer field at natatanaw ko mula rito sa nilalakaran ko ang dalawa sa triplets kong kapatid. Umagang-umaga pero pawisan na agad 'tong sina Kirk Matthaious at Kier Matheo sa paglalaro nang soccer, kaya pala masyadong maaga 'tong dalawang 'to na umalis sa bahay.

Huminto muna ako sa paglalakad at pinanood muna ang dalawa na ganadong-ganado sa paglalaro. Ang lakas din nang sigawan ng mga taga-hanga nitong dalawa, babae't bakla ay napapasigaw kapag nakakagoal ang isa sa kanila kahit magkalaban sa practice.

"Ate, bakit di ka pa pumapasok sa classroom niyo? Malapit na ang time." Biglang sulpot ni Kade Matthew sa tabi ko na nakasuot pa nang Jersey at pawisan rin.

Tingnan ko siya. "Ang aga-aga pawisan na agad kayong tatlo, Kade."

Tumawag siya. "Alam mo namang atleta kaming tatlo, Ate."

Napailing nalang ako sa sinagot niya. "Oo na, sige aalis na ako at ikaw magbihis ka na dahil ang baho mo na. Matuturn-off mga girls sayo niyan."

Tumawa ulit siya. "Edi maturn-off sila."

"Alis na ako, Kade." Paalam ko.

Pagkarating ko sa classroom namin ay may iilan na akong mga kaklase na andito. Iyong iba ay nagcecellphone at 'yong iba naman ay nagkwekwentuhan. Wala akong kaibigan o kaclose sa kanila kaya hindi nila ako pinapansin, di Rin kasi ako friendly na tao eh.

"Napanood niyo ba 'yung bagong vlog ni Jese Ryl Ibasco?" Rinig kong usapan ng mga kaklase kong babae sa first row, sa pinakahuli kasi ako nakaupo pero rinig ko pa rin.

"Hindi nga eh, naubusan ako ng load." Malungkot na sabi nung isang kaklase ko.

"Ako napanood ko nung isang araw, naexcite nga ako eh." Masaya namang sabi nung isa.

"Share niyo naman kung ano meron sa last vlog niya, girls." Iyong malungkot na babae kanina.

"Shinare lang naman niya na nabalik na raw sila rito sa pilipinas at dito na mag-aaral. And guess what! Taga rito sila sa Estellan at dito sa mismong school natin sila mag-aaral!" Kinikilig na sabi nung nagtanong kanina.

"Does it also means na dito na mag-aaral iyong kapatid niyang masungit at cold?"

"You mean Dave Rangell Ibasco, right?"

"Yes. Kahit masungit at cold 'yon, crush ko pa rin 'yun! Super gwapo kaya niya."

At dahil dumating na ang teacher namin sa first subject this morning ay natigil ang pag-uusap nila. Di naman talaga ako mahilig na makinig sa usapan ng iba pero di ko maiwasang marinig iyong mga pinag-usapan ng mga kaklase ko. Hindi rin naman interesting iyong pinag-uusapan nila.

*

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events, and incidents are either product of the author's imagination or used in a fictitus manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

You can follow or add me on my writing purpose account @Kyeopshe WP.

That Guy On The Balcony | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon